***** Inaya siya ni Caiden na umuwi na ngunit tumanggi siya. Kailangan niya munang masigurong ligtas si Sam kaya sinamahan siya nitong bumalik sa mga kaibigan niya. Nakahinga siya ng maluwag nang makita si Sam na kasama ang mga kaibigan niya. “Sam, are you okay?” tanong niya rito nang makalapit sila. Tumingin ito sa kanya at pagkatapos ay sa kasama niyang si Caiden. Tango lang ang isinagot nito sa kanya. “Saan ka ba galing? Hindi mo tuloy nakita ang napakagandang fireworks,” tanong sa kanya ni Maddie. “Uhm, ano kasi . . . may emergency lang kaming inasikaso ni Caiden,” pagdadahilan niya at nagpasaklolo siya sa binata. “Emergency? What? Like date?” natatawang tanong naman ni Ashley sa kanya. ‘Come on, hindi mo naman kailangan ilihim iyon sa amin, Zev.” “We’re not dating,” salubong ng

