DIECISIETE Nanatili pa sila sa ilalim ng pool ng mahigit oras, hinayaan niya lang itong magpahinga habang siya naman ay nag-meditate at pinag-aralan kung ano pa ang puwede niyang gawin gamit ang kanyang kapangyarihan. Sa kalagitnaan ng kanyang pagme-meditate ay biglang lumitaw sa kanyang gunita ang imahe ni Mystic. “Zevyl . . .” Napakunot-noo siya at iglap lang ay napunta siya sa isang dimensyon na noon lamang niya nakita. Sa ‘di kalayuan ay nakita niya ang isang pigura ng babae, nakatayo ito at nakatalikod sa kanya. Nilapitan niya ito. “Excuse me? Ano’ng kailangan mo sa ’kin?” tanong niya. Unti-unti itong bumaling sa kanya at nagulat siya nang makita si Mystic. “M-Mystic?” paninigurado niyang tawag dito. Nakangiti itong tumango at lumapit sa kanya. “Kumusta ka na? Nagkita na ba

