**** Masama pa rin ang loob niya sa ginawa ni Caiden, hindi niya inaasahan ang ginawa nito, gayunpaman ay natutuwa siya dahil sa pinakita nitong katapatan kahit papaano ay mapapalagay na ang loob niya . “Okay ka na ba talaga?” tanong niya rito at tiningnan ang kaliwang dibdib nito, nagkaroon iyon ng peklat at kahit anong pangungumbinsi niya ritong gamutin iyon ay hindi nito ginawa. Paraan daw iyon para ipakita ang katapatan nito sa kanya. “Yeah,” simpleng sagot nito. Huminga siya ng malalim at hindi pa rin kumbinsido sa sagot nito. “Zevyl, I need to know what Mystic told you,” sabi nito pagkaharap sa kanya. “Kung totoong nanganganib ang buhay mo kailangan nating mag-ingat.” “Hindi ka ba natatakot na pati ikaw ay madamay? Paano kung malaman ni Haring Avos na sinuway mo ang utos niya?”

