DIECEOCHO Pagkarating nila ng Manila ay kaagad silang dumeretso sa bahay ng Lola niya. Hindi niya alam kung bakit hindi maalis ang matinding kaba sa kanyang dibdib habang papunta sila doon. Naramdaman niya ang kamay ni Caiden sa kanyang balikat. “Relax, everything will be fine.” Tumango siya at tipid itong nginitian. “Sana nga . . .” Paghinto ng taxi na sinasakyan nila ay nauna na siyang bumaba. Madilim ang buong kabahayan at nakakabingi ang katahimikan ng paligid. Alas diyes pa lang ng gabi at kilala niya ang kanyang Lola, hatinggabi ang pinakamaaga nitong pagtulog at kapag ganitong oras ay nasa may balkonahe pa ito, nagbabasa habang umiinom ng tsaa. “Something’s wrong,” sabi niya at naglakad papunta sa harap ng kanilang gate. Pinindot niya ang doorbell ng dalawang beses ngunit walan

