QUATRO
Simula kaninang umalis sila ng resthouse ay wala ng kibo si Sam, mukhang dinamdam nito ang mga sinabi niya. Nasaktan ba talaga ito sa mga binitiwan niyang salita? Umasa ba talaga itong magkakaroon sila ng relasyon na mas higit pa sa magkaibigan?
Lihim siyang napabuntonghininga at sinulyapan si Sam na nasa tabi ni Ashley at nakikipagkuwentuhan sa dalaga. Alam niyang pilit lang ang mga ngiting ipinapakita nito sa kaibigan niya at iniiwasan din nitong mapatingin sa gawi niya.
“Zev, gusto mo i-try ang seafoods nila?” tanong ni Ashley sa kanya.
Mabilis naman siyang yumuko at itinuon ang paningin sa pagkaing nasa pinggan niya.
“Ha? Ah . . .”
“Hindi kumakain ng kahit anong seafood si Zevyl,” sagot ni Sam na hindi tumitingin sa kanya.
“Oo nga,” pagsang-ayon naman ni Maddie. “Nagkakaroon siya ng mga rashes sa buo niyang katawan.”
“T-Talaga? S-Sorry,” ani Ashley na nagyuko ng ulo marahi ay pakiramdamn nito ay napahiya ito sa sinabi ng mga kaibigan niya.
“Masarap din man itong pizza nila, ito na lang kakainin ko,” nakangiting turan niya rito. “Don ‘t worry, isa sa mga paborito Sam ay ang isda kaya tiyak na mag-eenjoy iyan sa tuna salad,” dagdag pa niya.
Nag-angat naman agad ito ng tingin at tumingin sa kanya. “Really?”
“Yeah,” nakangiti niyang saad dito, sa gilid ng mata niya ay nakita niyang napatingin sa kanya si Sam ngunit hindi niya iyon pinansin.
Mamaya na lang niya kakausapin ang binata at lilinawin dito ang lahat. Ayaw niyang umasa ito sa kanya at masira ang maganda nilang pagkakaibigan.
Masayang umorder ng pagkain si Ashley, sa kanilang nagsasalo-sao doon ay ito lang ang kakikitaan ng kasiglahan, kanina pa rin siya pinandidilatan ni Maddie habang ang nobyo nito ay nakikiramdam lang sa mga nangyayari sa paligid.
Pagkatapos nilang kumain ay dinala naman sila ni Ashley sa magandang park doon, nagkalat ang iba’t ibang souveiner shop sa buong paligid at nag-enjoy siya sa mga nakikita ng mga mata niya. Kung puwede lang pakyawin niya lahat ay ginawa niya ngunit ang nakakuha sa kanyang atensyon ay ang napakalaking painting na naka-display sa isang maliit na shop.
Nilingon niya ang mgaa kasama niya ngunit may kanya-kanya ang mga itong tintingnan kaya siya na lang ang pumasok sa shop na iyon. Pagbukas niya ng pinto ay namangha siya sa dami ng mga display na puro sa ilalim lang ng dagat makikita. Mayro’n ding mga figurines na iba’t ibang laki.
“Wow!” namamanghang turan niya. Naggpalinga-linga siya sa paligid at nabubusog ang mga mata niya sa mga magagandang painting sa paligid.
Parang tumigil ang paligid niya nang makita ang isang malaking painting sa pinakasentro ng maliit na shop. Nakakamangha iyon at kakaiba dahil imbes na sirena ang naroon ay isang makisig na sireno na may sing-itim ng gabi na kulay ng mga mata. Para siyang nababato-balani sa sobrang guwapo ng lalaki, mayamaya lang ay napakunot-noo siya dahil parang pamilyar sa kanya ang pares ng mga mata na iyon at ang mismong anyo nito.
Natigil siya sa pag-iisip nang makarinig ng kaluskos sa likurang bahagi niya. Paglingon niya ay nakita niya ang isang babaeng halos ay kasing edad lang din niya.
“Hi, do you like it?” nakangiting turan nito sa kanya.
Nakangiti rin siyang tumango dito. “Y-Yeah,” sagot niya at humarap dito. “Ang ganda nang pagkakapinta, parang totoong-totoo.”
Pagak itong tumawa. “They’re real,” sabi nito at napattig sa suot niyang kuwintas. “You have a beautiful necklace,” sabi pa nito.
Hinawakan naman niya ang kanyang kuwintas at sinulyapan iyon. “It was my Lola’s gift to me simula ng bata pa ako.”
“Do you mind if I touch it?” tanong nito sa kanya.
Nagtataka man ay nagawa niyang tanguan ito, wala namang masama kung ipapahawak niya iyon sa babae.
Dahan-dahan nitong hinawakan ang kuwintas niya at ilang sandali lang ay biglang nagbago ang kulay ng mga mata nito, tila ito sinaniban na hindi niya mawari.
“Okay lang po kayo?” sabi niya at hinawakan niya ito sa kamay. Bumalik ito sa huwisyo at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya.
“Y-You're a princess!” malakas na turan nito.
“H-Ha?” kunot-noong tanong niya rito.
“Do you believe in mermaids?” tanong nito sa kanya.
Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito kaya sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling.
Napapiksi siya nang mahigpit nitong hinawakan ang mga kamay nito at nakangiting nagsalita. “They’re real. I'm a sea witch and—”
“Teka lang,” sabi niya at mabilis na binawi ang mga kamay dito. “Hindi ko alam ang sinasabi m—”
Hindi niya naituloy ang sasabihin nang sa isang kumpas ng kamay nito ay biglang lumutang sa ere ang tubig na nasa malaking aquarium kasama ang mga isdang naroon. Nanlaki ang mga mata niya at halos malaglag ang panga sa nasasaksihan. Hindi niya alam kung dinadaya lang ba siya ng kanyang mga mata o nasa loob siya ng isang panaginip.
“This . . . isn’t real.” Umiiling na turan niya habang paatras na naglalakad.
“It is real,” pagdidiin nito.
Napasigaw siya nang tumunog ang doorbell, nilingon niya iyon at nagtataka siya nang makitang sarado iyon gayong nakabuka lang iyon kanina.
“I have costumers,” sabi nito at muling ikinumpas ang mga kamay, bumalik sa aquarium ang tubig saka muling kinumpas nito ang kamay sa ere at bumukas ang pinto.
Sindak na sindak siya sa mga nasaksihan, hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya ang mga nakita.
“Hello, welcome to Mermaid’s Shop! What can I do for you?” masiglang bati ng babaeng kaharap niya sa mga bagong dating.
“Zev, andito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap,” narinig niya ang boses ni Sam kaya ilingon niya ito at mabilis na lumapit dito.
“L-Let’s go, a-akala ko kasi makahahanap ako ng maganda d-dito,” sabi niya at hinawakan ito sa kamay at mabilis na hinila palabs ng shop.
“Wait, hold on,” ani Sam na pinigilan siya sa pag-alis at nilingon siya. “The’re your favorite things! Huwag ka nang mahiya,” natatawang turan nito sa kanya. “Go on, pick something, my treat.”
Umiling siya at tumingin sa babaeng nakangiting nakatingin din sa kanya. “Marami akong souvenirs na magugustuhan niyo, bibigyan ko pa kayo ng discount since you’re special,” sabi nito sa kanya.
“Yon, oh!” tuwang-tuwa na wika ni Sam at wala na siyang nagawa nang hilahin siya nito, nagpunta sila sa isa sa mga shelf na naroon at hindi niya napigilang hindi mamangha dahil sa magaganda at iba’t ibang klase ng kabibe. May mga perlas din siyang nakita na ginawang paamuti sa katawan.
“This one,” ani Sam at ipinakita sa kanya. Isa iyong headband na yari sa maliliit na kabibe at perlas. Isinuot niyo iyon sa kanya at nang tumingin siya sa salamin ay natuwa siya dahil bumagay iyon sa kanya.
“Ang ganda!” manghang turan niya.
“Yeah, you’re beautiful,” usal nito.
“T-Thanks,” sabi niya at nginitian ito. Saglit na nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila at ramdam niya ang awkward na atmosphere sa kani;a.
Tumikhim si Sam at napahawak sa batok nito habang siya naman ay nag-iwas ng tingin. Gusto niyang kausapin ito ngunit hindi niya alam kung iyon ang tamang lugar para sabihin dito ang totoo niyang nararamdaman para dito.
Tumunog ang cellphone niya kaya agad niya iyong sinagot.
“Hello?”
“Magkasama ba kayo ni Sam?” tanong agad ni Maddie sa kanya.
“Ahm . . . yeah.” Tumingin siya kay Sam na nakatingin di pala sa kanya.
“Sinagot mo na?” diretsang tanong nito sa kanya.
“What? No! Ano bang pinagsasasabi mo?” tanong niya rito at bahagyang lumayo kay Sam.
“Well, sinabi niya kasi sa akin na balak na raw niyang magtapat sa’yo,” sagot nito sa kabilang linya.
“Ha? Kailan niya sinabi iyon?” Nagsalubong ang kilay niya at nilingon si Sam na kausap na ang babaeng may-ari ng shop na iyon.
“Kanina, kaya nga nagpresinta siyang hanapin ka,” sagot nito sa kabilang linya.
Marahas siyang napabuga ng hangin.
“Anong ibig sabihin niyan? Wala talagang pag-asa?” tanong nito sa kanya.
Magsasalita pa sana siya nang mapadako ang tingin niya sa malaking painting ng sireno, para bang nakatingin iyon sa kanya at unti-unti niyang naalala ang dalawang pares ng mga matang nakatingin sa kanya nang nakaraang gabi.
“Close your eyes, and when you open your eyes again you’ll forget everything that happens tonight.”
Natutop niya ang kanyang bibig at nanlalaki ang mga matang nilapitan niya ang malaking painting.
“Zevyl? Are you okay?” tanong ni Maddie sa kanya.
“I’ll call you later, bye!” Ibinaba niya ang kanyang cellphone at pinagmasdang mabuti ang larawan.
Hindi siya puwedeng magkamali, ito ang lalaking nakita niya no’ng isang gabi. Ang ipinagtataka niya lang ay bakit isa itong sireno gayong nang makita niya ito ay may mga paa naman ito. Hindi kaya isa itong modelo at natipuhang gawing sireno sa painting dahil sa taglay itong kakaibang karisma at kakisigan.
“Zev . . .” tawag sa kanya ni Sam. Nilapitan siya nito kasama ang babae na makahulugan siyang tiningnan.
“Uhm . . . tumawag si Maddie at hinahanap na tayo,” sabi niya. “Puwede bang mauna ka nang lumabas? Susunod na ako, may itatanong lang ako kay . . .”
“Mystic,” anang babae na nakangiti sa kanya.
“Right, kay Mystic,” sabi niya.
Alanganin pang tumango si Sam, naguguluhan man ay sinunod siya nito. Paglabas nito ng pinto ay kaagad na kinumpas ni Mystic ang kamay nito at muling na-lock ang pinto. Gulat pa rin siya sa ginawa nito at hindi pa rin makapaniwala sa kaya nitong gawin. Hindi siya naniniwala sa mga pinapakita nito, posible kasing pinagti-tripan lang siya nito.
“Nakikita kong may gusto kang itanong tungkol sa nasa painting na iyan,” sabi nito na tila nabasa ang nasa isipan niya.
“I-I saw him,” sabi niya sabay turi dito. “Is he a popular model around here?”
“What?” napatingin siya rito nang maulinigan sa boses nito ang takot. “Where did you see him? May mga kasama ba siya?”
“T-Teka lang,” napaatras siya nang hawakan nito ang kanyang braso.
“Kailangan mong sabihin sa akin kung saan mo siya nakita at anong ginawa niya sa’yo. Alam na ba niyang isa kang Prinsesa?” sunod-sunod na tanong nito sa kanya.
“Are you crazy? Anong pinagsasabi mo?” singhal niya rito.
Huminga ito ng malalim at muling hinawakan ang kanyang braso. “Makinig ka sa akin, Zevyl. Kapag muli kayong nagkita ng lalaking iyan ay lumayo ka na agad. Mapangananib siyang—” Hindi niya pinatapos ito sa pagsasalita at muling inagaw ang mga brasong hawak nito.
“Aksidente lang ang pagkikita naming iyon at tingin ko naman ay hindi na mauulit pa ‘yun,” sabi niya rito at humakbang paatras, palayo rito. “Hindi ko alam ang mga sinasabi mo at hindi rin kita kilala . . .”
“Alam kong nabibigla ka sa mga sinasabi ko sa’yo, pero patunay ang kuwintas na iyan na suot mo. Isang makapangyarihang sea witch lang ang makagagawa ng isang protective spell na tulad niyang suot mo. At ngayon lang din ako nakaengkuwentro ng ganyang klaseng kapangyarihan. Tell me, saang angkan ka ng mga sirena galing?”
Natawa siya at umiiling-iling na tumingin dito. “Wala akong alam sa sinasabi mo. Bigay sa akin ng Lola ko ang kuwintas na ito at matagal ko nang suot. Wala naman akong nararamdamang kahit na ano sa katawan ko—”
“Sinubukan mo na ba’ng hubarin iyan sa’yo?” Natigilan siya sa tanong nito Ni minsan ay hindi niya naisip na hubarin iyon sapagkat iyon ang kabilin-bilinan sa kanya ng Lola niya. Isa pa, ayaw niya rin itong hubarin dahil mahalaga iyon sa kanya at sabi ng Lola niya ay galing pa iyon sa kanyang pumanaw na ina.
“Why don’t we try to take it from you, and you’ll see what I meant—” Humakbang ito palapit sa kanya ngunit lumayo siya rito. Hinawakan niya ang kanyang kuwintas upang protektahan ito sa babae, alam na niya ang mga ganitong modus at hindi lang ito ang unang beses na nangyari iyon sa kanya. May nakapagsabi sa kanya na napaka-espesyal ng kuwintas niya at kung ibebenta niya raw iyon ay magiging instant milyopnaryo siya dahil sa uri ng perlas na pumapaloob sa hugis-pusong pendant.
“Sinasabi ko na nga ba at ang kuwintas ko lang ang gusto mo,” sabi niya rito. “Hindi mo ako malilinlang, marami nang nag-attempt na kunin ito sa akin pero lahat sila ay nabigo.” Tinalikuran niya ito at tinahak ang papunta sa pinto. Nagbukas iyon mag-isa pero bago pa man siya makahakbang palabas ay may sinabi itong ikinasindak niya.
“Mag-iingat ka, sa oras na lumubog ka sa dagat ay lalabas ang tunay mong anyo at kapag nangyari iyon huwag mong hayaang mahuli ka ng pinakawalang pusong sireno sa ilalim ng karagatan.”
Hindi niya pinansin ang sinabi nito at nagtuloy-tuloy nang umalis, hindi niya alam kung baki pero bigla siyang kinabahan sa sinabi nito.