Society #1
"MAGNANAKAW!"
Napalingon si Natasha sa isang babaeng sumigaw niyon at nakita itong hinahabol ang isang lalaking may hawak ng bag ng babae. Kasalukuyan siyang nasa isang palengke sa Cebu ng mga oras na iyon.
Napabuntong-hininga siya at iniwanan ang mga pinamiling gulay para habulin ang magnanakaw na iyon. Sanay na siyang tumakbo dahil matagal niya ng hinasa ang katawan sa mga mahihirap na gawain.
Kanina pa tumigil ang babaeng ninakawan sa paghabol pero nagpatuloy pa rin siya. Hangga't nakikita niya pa ang anino ng magnanakaw na iyon ay hindi siya titigil sa paghabol para makuha ang ninakaw nitong hindi naman nito pinaghirapan.
Binilisan ng lalaki ang pagtakbo at ganoon din ang ginawa niya. She was about to reach the thief when a black Porsche turned up all of a sudden. Hindi niya iyon napansin kaya muntik pa siya niyong mabangga. Mabuti na lamang at nakapag preno ito.
Tiningnan niya ng masama ang driver niyon pero hindi niya na pinag-ukulan ng pansin at nagpatuloy sa paghabol sa magnanakaw. Nagpasalamat naman siya dahil hindi ito gaanong nakalayo at agad niyang naabutan. Tumigil ang lalaki at hinarap siya. Napatingin siya sa kamay nito nang maglabas ito ng isang pocket knife.
"Huwag kang lalapit," banta pa nito. Napaismid siya.
Sanay na sanay na siya sa ganitong pagkakataon. Ilang magnanakaw na ba ang nahuli noya sa buong buhay niya? Hindi na niya maalala.
Humakbang siya palapit dito at mabilis pa sa kidlat na inagaw dito ang hawak na kutsilyo. Malinaw na malinaw ang pagkagulat at takot sa mukha ng lalaki.
Akmang lalapit pa siya dito nang bitawan nito ang hawak na bag at kumaripas ng takbo palayo. Napailing na lang niyang pinulot ang bag at muling bumalik sa pinanggalingan.
Ganito na lang ba talaga ang takbo ng buhay niya sa lugar na ito? Taga-huli ng mga magnanakaw? Nag-pulis na lang dapat siya. Kailan kaya magkakaroon ng excitement at saya ang buhay niya?
LUMABAS ng sasakyan niya si Zeki at sinundan ng tingin ang dinaanan ng babae - the woman who just turned up in front of his car out of the blue. Mukhang nagmamadali talaga ito at hindi na nagawang hintayin na makalabas siya.
Napangiti siya at napailing. Kung naging mas mabilis sana siya sa paglabas ay nahabol niya sana ito. Muli siyang pumasok sa loob ng sasakyan at muling pinatakbo iyon.
Hindi niya alam na may makakasalubong pala siyang diyosa dito sa Cebu. Damn, the woman was beautiful with those glaring eyes. His type of beauty actually. Nagkibit-balikat na lang siya. Baka naman dalawin siya sa panaginip ng diyosang iyon. At doon ay hinding-hindi na niya talaga ito pakakawalan hangga't hindi ito nagpapalipas ng gabi sa kama niya.
Napatawa siya sa naisip. Really, nababaliw na yata siya nitong mga nakaraang araw dahil sa sobrang dami ng trabaho. Idagdag pa ang pagpapatawag sa kaniya ni Angelo sa lugar na ito dahil sa mga kontrata ng pagbili nito sa ilang lupain dito sa Cebu.
Si Angelo Reyes ay isa sa mga kabarkada niya at member sa society nila - ang The Bachelor's Society. Isa iyong society para sa mga lalaking negosyante at kumikita ng milyun-milyon sa isang taon, mga lalaking madalas hindi magseryoso sa mga relasyon. The society's intention is to help each other in terms of business while we are still bachelors. Once married, the member has the option to withdraw from the society or keep the membership and will be ranked down.
Napatingin siya sa cell phone na nasa compartment nang tumunog iyon. Isinuot niya ang earpiece at sinagot ang tawag. Si Angelo iyon.
"Pare?" sagot niya. "Nasa daan na ako papunta diyan sa hacienda niyo," tinutukoy niya ang Hacienda Reyes na pag-aari nito.
"May ipapasundo ka? Babae?"
Nakinig lang siya nang sabihin nitong nais nitong ipasundo ang isang babaeng nagngangalang Solene na pansamantala raw na nakikitira sa hacienda nito. Gagabihin raw kasi ito ng uwi dahil nasa kabilang hacienda ito at kausap ang may-ari niyon.
Pumayag na rin siya dahil wala rin naman siyang gagawin kung wala ito at dahil babae rin naman ang susunduin niya. Sana kasing ganda ito ng diyosang muntik niya ng mabangga kanina.
Pagkatapos ng tawag ay tinawagan niya naman ang caretaker ng rest house niya sa Matutinao, Kawasan. Gusto niyang magbakasyon doon ng ilang araw para makapag-relax.
NAPATINGIN si Natasha sa Nanay Sylvia niya nang marinig ang pagtawag nito sa pangalan niya. Isinukbit niya ang backpack sa likod at lumapit sa kinahihigaan nito sa ibabaw ng papag.
"Nay, pasensiya na kung nagising ko kayo," wika niya dito.
Ngumiti lang ito at umiling. "Ayos lang iyon, anak," sagot nito sa mahinang tinig.
Ilang taon na nang maparalisa ang mga paa ng ina niya dahil sa isang sakit. At simula noon ay malimit na lang itong nakahiga sa papag. Siya na rin ang nagsimulang bumuhay sa pamilya niya dahil matagal na ring pumanaw ang kanilang ama.
Tatlo silang magkakapatid. Siya ang panganay at sumunod ang isa pang babaeng si Natalia na nasa ika-anim na baitang sa elementarya. Kasunod naman ang bunso nilang lalaki na si Asher na dapat ay nasa Grade Two na kung wala lang itong sakit sa puso.
Kahit ilang beses sabihin ng kaniyang ina na nais nitong bumalik sa pagtitinda sa palengke ay hindi niya na pinayagan. Alam niyang mpapagod lang ito doon at wala namang makapaghahatid dito palagi sa lugar na iyon dahil wala pa siyang perang pambili ng wheelchair para dito. Halos lahat ng kinikita niya sa mga sideline na pinapasukan niya ay nauubos sa pagkain nila at sa gamot ng kapatid na si Asher.
Tapos siya ng kursong Education pero hindi niya naman magawang humanap ng trabaho kung saan makapagtatagal siya. Hindi rin kasi siya nakapag take ng licensure exam. Isa na rin sa dahilan ang dami ng intindihin sa tahanan.
Pinilit ng ina niyang umupo. Mabilis siyang lumapit dito at tinulungan itong makaupo at sumandal sa dingding.
"Saan ka pupunta?" tanong nito. "Madaling araw pa lang, ah?"
Sinulyapan niya ang mga kapatid na mahimbing na natutulog sa banig na nasa sahig at ngumiti.
"Maghahanap-hanap ako ng maaaring pagkakitaang sideline sa bayan. An early bird catches the worm, hindi ba po? Gusto ko rin kasing maka-ipon para makalipat na tayo sa Maynila. Mas maraming trabaho doon at mas mapagtutuunan ng pansin ang sakit ni Asher sa mga hospital doon."
Tumango-tango ito. "Pasensiya ka na, anak, ha? Kung nagiging pabigat na kami sa'yo. Dapat ay nakakapag enjoy ka sa buhay mo pero dahil-"
"Nay," putol niya dito. "Ilang ulit ko bang sasabihin na ni minsan ay hindi kayo nagiging pabigat sa akin?" napabuntong-hininga siya. "Huwag kayong mag-alala, Nay. Gagawin ko lahat para maiayos ang buhay natin."
Ngumiti ito at hinaplos ang buhok niya. "Salamat, anak."
Napatingin sila sa may pinto nang makarinig ng pagkatok doon. Lumapit siya doon at napagbuksan ang pinsan niyang si Tyler. Ilang araw din itong hindi umuuwi dito. Pag-aari ng pinsan niyang ito ang bahay na itong tinutuluyan nila dito sa Cebu. Dito na sila napunta dahil wala na rin naman silang matutuluyan simula ng namatay ang ama niya. Kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi ang pakisamahan ito.
Pumasok ito sa loob at dumiretso sa kusina para maghanap ng makakain. Parang wala itong nakitang tulog kung makapag-ingay.
"Bakit walang pagkain dito?" sigaw pa nito.
Humugot siya ng malalim na hininga at lumapit dito. "Hinaan mo nga ang boses mo, Kuya Tyler. Natutulog pa ang mga kapatid ko," pagalit niya dito. Wala ba itong kinakain sa mga pinupuntahan nito? O puro inom lang talaga ng alak ang alam nitong gawin?
"Wala akong pakialam," sagot nito. "Pamamahay ko ito kaya puwede kong gawin ang kung anumang gustuhin ko."
Itinikom niya na lang ang bibig at tinalikuran ito. Ito ang isa sa dahilan kung bakit nais niya ng humanap ng sariling matutuluyan. Ayaw na niyang magkaroon ng utang na loob dito at patuloy na marinig ang mga sumbat nito.
Palabas na siya ng pinto nang muli itong magsalita.
"Gusto ka nga palang makausap ni Ace," sabi nito. "Lumuwas ka na ngayon at importante daw ang sasabihin niya."
Bumuntong-hininga siya at hindi na ito sinagot. Pagkalabas ng bahay ay napatingin siya sa kalangitan. May ilang bituin pa ang naroroon. Kailan ba magbabago ang takbo mg buhay niya?
Pagod na pagod na siyang sumunod sa ibang tao.
:)