It\'s my favorite thing to play things with my imagination. I am free to settle every ending with the choice that I wanted. That\'s why, creative writing is my favorite thing! ✨
Every partnership begins with terms and conditions.
Every love story begins when someone breaks them.
Pero paano kung ang pinakamahalagang kontrata sa buhay mo... ay ang kontratang hindi mo kailanman kailangan pirmahan?
Alysson Marie dela Cruz has spent years proving that perfection is earned through preparation. As the brilliant CEO of AM Luxe Creation, she doesn't believe in risks—especially when it comes to people.
Hunter Dominic Enriquez, heir to one of the country's most prestigious hospitality empires, has always hidden behind an effortless smile, carrying responsibilities that were never truly his choice.
Their partnership was supposed to end after one contract.
Instead, it ended with one unforgettable night in Singapore... and six months of silence.
When business forces them together once again, Alysson drafts new terms to ensure history never repeats itself. But love has never respected contracts. Paano kung ang bawat kundisyon ay ang mismong maging dahilan para mas mahulog sila sa isa't isa?
As every rule begins to crumble, they'll discover that the hardest agreement to honor isn't the one written on paper...
It's the promise they never dared to make to each other.
Natasha applied as a personal assistant/bodyguard of the famous lawyer- Ezekiel Vera. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito.
She had to stay near him to know his every move. Ito ang lawyer na target ng grupong kinabibilangan niya.
Kailangan niyang pakisamahan ito para mapasok ng grupo niya ang buhay ni Aron Isaiah Mendoza at ang society na itinatag nito - The Bachelors' Society. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang atraso ng lalaking ito sa leader ng grupo nila, sumusunod lang siya sa mga utos nito para mabuhay.
Pero kaya niya pa bang tapusin ang misyon na ibinigay sa kanya kung nalabag niya na ang isa sa mga batas ng grupo? It was, never to fall in love with the target.
For eight years, Jade Villanueva and Jaxon Reyes mastered the art of almost.
Almost confessing. Almost choosing each other. Almost becoming more than friends.
When they first met as co-workers, Jaxon already belonged to someone else. By the time he was finally free, Jade had fallen into another relationship. Whenever fate opened a door, timing slammed it shut.
Years later, life reunites them once more.
Jaxon is determined to prove he's no longer the reckless playboy everyone remembers. Jade wants to believe him—but trusting him could cost her everything she's worked so hard to protect.
Then, in front of everyone at a beach wedding, Jaxon asks the one question Jade never expected.
"Will you marry me?"
She says no.
What follows is a journey through years of buried emotions, impossible choices, and a love that refuses to disappear.
Because sometimes, the greatest love story isn't about finding the right person.
It's about finding them at the right time.
“You spent years trying to protect my future… habang ako naman, buong buhay kitang hinintay.”
Hindi na inakala ni Anya Jahzari Garcia na muli pa niyang makikita si Aron Lienzo Rodriguez — ang lalaking minsan niyang minahal at kusang iniwan noong college.
Ngayon, isa na itong cold at powerful CEO ng RGC… at siya naman ay isa lamang empleyadong pilit na bumabangon mula sa isang nakaraang matagal na niyang tinakasan.
Pero isang business proposal ang muling magtatali sa kanila: isang kasal kapalit ng shares, pangalan, at kapangyarihan.
Habang pilit nilang ginagampanan ang papel bilang mag-asawa, unti-unting bumabalik ang mga alaalang pilit nilang kinalimutan —
mga gabing puno ng pangarap, mga lihim na hindi nasabi, at ang pagmamahalang hindi kailanman nawala.
Ngunit paano kung ang dahilan ng paghihiwalay nila noon ay hindi simpleng paglayo?
Paano kung may taong sinadyang paghiwalayin sila?
At paano kung ang pinakamalaking hadlang sa pagitan nila…
ay ang mga bagay na ginawa nila para protektahan ang isa’t isa?
Sa kwentong puno ng corporate politics, unfinished love, trauma, at second chances, matutuklasan nina Ali at Zari na minsan, ang pinakamahirap balikan ay hindi ang nakaraan—
kundi ang taong hindi mo kailanman nakalimutan.
Dalawang beses nang nakunan ang reyna ng Joseon.
At sa bawat dugong tumutulo mula sa silid ng reyna, mas lalo lamang nagiging desperado ang kaharian para sa isang tagapagmana.
Kaya nang dumating si Han Seo-rin sa palasyo para sumali sa pagpili ng magiging babae ng hari, walang sinuman ang nag-akala na siya ang magiging pinaka mapanganib na babae sa buong Joseon.
Minahal siya ng hari.
Kinatakutan siya ng korte.
At nang isilang niya ang prinsipe na maaaring maging susunod na hari, nagsimula ang tahimik na digmaan sa loob ng palasyo.
Ngunit walang ina ang ligtas sa Joseon.
Nang manganib ang buhay ng kaniyang anak na prinsesa, gumawa si Seo-rin ng kasalanang magpapabago sa buong dugong maharlika ng kaharian—ipinagpalit niya ang sariling anak sa anak ng pinaka makapangyarihang ministro ng Joseon.
Pagkalipas ng maraming taon, ang batang minsang ipinasok niya sa palasyo bilang isang kasinungalingan ang magiging hari.
At ang anak na pilit niyang iniligtas mula sa trono—
ang siyang magbabalik bilang magiging reyna ng Joseon.
Nanganib ang buhay ni Zylene sa kamay ng mga taong pinagkatiwalaan niya kaya tumakas siya mula sa kanilang hacienda. Napadpad siya sa katabing hacienda. At sa gitna ng taniman ng mga tubo ay natagpuan siyang marungis at sugatan ni Angelo Reyes.
Zylene knew she had found her safe haven in Hacienda Reyes. Umisip siya ng paraan para hindi mapaalis doon. Nagtago siya sa ibang pangalan at sinabing nagdadalang-tao siya.Tutol si Angelo sa pananatili niya sa hacienda pero wala itong nagawa sa pakiusap ng mabait nitong ina. Gayunman, hindi nangingimi ang binata na ipakita kay Zylene na hindi siya welcome doon. Palaging masungit at arogante si Angelo sa kanya.Pero isang gabi, natagpuan ni Zylene ang kanyang sarili na nakapaloob sa mga bisig ng guwapong binata at ginagawaran siya ng mainit na halik sa mga labi. Dala ng bugso ng damdamin, ipinagkaloob ni Zylene ang sarili kay Angelo - hindi alintana na sa ginawa niya ay mabubulgar ang mga itinatago niyang lihim ...