Chapter 1: A Glimpse of Hope
(Zylene's POV)
WALA na akong pakialam kung magkasugat-sugat man ang binti ko sa mga bali-baling sanga ng puno at malalaki nitong ugat pati na rin sa matatalas na d**o sa aking dinaraanan. Kailangan ko lang makalayo sa kinamumuhian kong tao na ngayon ay humahabol sa akin.
"No," pahikbi kong sabi habang patuloy ang walang patutunguhang pagtakbo. "God, please help me...please...I don't want to go back in that hell!" Alam kong hindi ko na kakayaning tumakbo pa ng malayo pero kailangan kong magpatuloy, kailangan kong mabuhay, kailangan ko din iligtas ang nag-iisang tao na pinaka pinahahalagahan ko sa mundo pagkatapos mamatay ng mga magulang ko sa isang aksidente, kung aksidente nga bang matatawag iyon.
"Akala mo ba makakalayo ka?!" narinig kong sigaw ng lalaking tinatakasan ko. "Maghiwa-hiwalay kayo, nandiyan lang 'yan. Hindi yan makakalayo!" patuloy nitong utos sa mga tauhan.
Madilim na madilim ang gabi, mukhang nakikisama sa akin ang panahon dahil bigla na lang nawala ang liwanag ng mga bituin at buwan, at bumuhos ang malakas na ulan. Naghanap ako ng mapagtataguan subalit maliban sa isang malaking puno ay natataniman na ang buong paligid nang nagtatayugang mga tubo.
Hindi ko na alam kung kakayanin pa ko pang tahakin ang tubuhang iyon at tiisin ang hapdi ng mga dahon nito, pero wala na akong mapag-pipilian.
"Wala ka ng mapagtataguan!" papalapit na sigaw ng lalaki. "Kaya mabuti pang lumabas ka na ... alam mo namang hindi kita sasaktan!"
Narinig ko ang kaluskos ng mga d**o papalapit kaya hindi na ako nagdalawang-isip at pikit-matang tinakbo ang tubuhan.
"I'd rather die here than in your hands, bastard," bulong ko sa sarili at hindi na ininda ang talim ng mga dahon na sumusugat sa aking buong katawan at unti-unting sumisira sa damit pantulog ko.
Hindi ko alam kung hanggang saan ako umabot, bigla ko na lang naramdaman ang panghihina ng katawan at tuluyang nawalan ng malay sa kung saan mang parte ng tubuhang iyon.
(Austin's POV)
"BOSS, wala talaga siya sa paligid, nahalughog na naming lahat," sabi ng isa sa mga tauhan ko.
Hindi maaaring makatakas ang babaeng iyon. Matagal ko nang pinlano ang lahat, hindi ko papayagang masira iyon ng basta-basta. Kung bakit ko pa kasi pinanatiling buhay ang babaeng iyon, gayong napakatagal na panahon ko na dapat itong pinatay. At ngayon nga, narito ako at pinaghihirapang hanapin ito sa gitna ng kadilimang bumabalot sa lupaing ninakaw ko sa pamilya nito.
"Imposible namang pumasok siya sa loob ng tubuhan. Bukod sa hindi siya makakalayo dahil sa putik, tiyak na hindi noon kakayanin ang talim ng mga dahon niyan."
Tiningnan ko nang masama ang tauhang nagsalita. "Kahit gaano pa kapanganib ang lugar na iyan, susuungin pa rin niya iyon magawa lang niyang makatakas," sigaw ko sa mga ito.
Yumuko lamang ang lalaking nagsalita.
Isa-isa kong dinuro ang mga ito. "Sa susunod, huwag kayong tatanga-tanga! Binabayaran ko kayo! Kung hindi dahil sa katangahan niyo, hindi siya makakatakas sa mansiyon. Ipagpatuloy ninyo ang paghahanap sa kanya, kung kinakailangang hanapin niyo siya sa iba pang mga hacienda, gawin ninyo. Magpakalat din kayo ng mga tao sa bayan, sigurado akong hindi pa siya nakakalayo. Bilisan niyo!" utos ko sa mga ito.
Agad namang nagsunuran ang mga tauhan ko. Hindi ka makakatakas sa akin. Mahanap lang kita, ilalayo na talaga kita. Hindi ko mapapayagang sirain mo ang mga pangarap ko. Ang pagmamahal ko sa'yo ang pumigil sa akin noon na tapusin ka, binigyan kita ng napakaraming pagkakataon na mahalin din ako, pero tinakasan mo lang ako.
(Zylene's POV)
NAPAMULAT ako sa matinding liwanag na tumatama sa mukha ko. Nagulat pa ako dahil nasa kung saang parte ako ng tubuhan at mataas na ang sikat ng araw. Pinilit kong umupo at napangiwi sa sakit ng buong katawan, at hindi lang 'yon, punung-puno pa ako ng putik. Tiningnan ko ang katawan na puro sugat lalo na ang mga paa.
Muling tumulo ang aking luha sa pagkaalala ng lahat ng sakit ng pinagdaanan. Pinilit kong tumayo subalit natigil ako nang makarinig ng kaluskos sa paligid. Pinigil ng kamay ko ang pagsinghap. Hindi, sinusundan pa rin nila ako...
Dahan-dahan kong itinuloy ang pagtayo at muling tumakbo. Patuloy lang ang pagtakbo niya ng walang patutunguhan hanggang sa matanaw ko na ang pinakadulo ng tubuhan. There! Once I get there... my life will change. I'm free... Thank God!
Itinuloy ko ang pagtakbo kahit hirap na hirap na ang katawan ko.
(Angelo's POV)
NAKAHIGA lang ako sa ilalim ng isang malaking puno ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinatamad ko iyong kinuha sa bulsa ng pantalon at sinagot.
"Ano na naman ba 'yan pare?" bungad na tanong ko sa tumawag.
"Easy, dude. Gusto lang naman kitang kumustahin dahil ilang linggo ka na ring hindi nagpaparamdam sa amin," sagot ng kaibigan at pinsan kong si Arkin Reyes, CEO ng kumpanya namin, ang The Reyes Group of Companies, na ipinamana pa ng yumaong ama at tito ko. Magkasabay ang mga itong namatay sa isang plane crash habang patungo sa isang conference meeting sa Singapore noong fifteen pa lang ako at seventeen naman si Arkin. Pagka-graduate namin ay si Arkin na ang humawak ng kumpanya dahil Business Management and Finance ang tinapos nitong kurso samantalang ako ay Agriculture.
Mas gusto ko kasi ang buhay sa hacienda, at ito naman ay maka-lungsod. May hawak pa rin naman akong twenty percent shares sa kumpanya samantalang ito ang humahawak ng majority shares na forty percent. Ten percent ang sa kapatid ko at ang natitira ay pinaghahatian na ng iba't ibang board members. Ako na mismo ang nagbigay ng karapatan ditong humawak ng mas malaking shares dahil ito naman ang nagpapatakbo. Balewala na iyon sa akin dahil sobra-sobra na ang kinikita ko sa farm. Kahit magkalayo kaming magpinsan ay hindi naman nawala ang closeness namin simula pa noong pagkabata. Wala siyang matandaang pagkakataon na nagalit ako dito, and vice versa. At heto nga ito ngayon at mukhang balak na namang mang-abala sa pamamahinga ko.
"Pare, alam mo namang maraming gawain dito sa farm. Wala na akong oras para makaluwas pa diyan sa Maynila."
"Pinsan, alam ko namang bored na bored ka na rin diyan sa hacienda mo. Ginagawa mo lang na dahilan ang pagiging busy para hindi ka pumunta dito, napakarami ng okasyon ang hindi mo nadadaluhan dito, ah. Gusto mo bang ipakilala kita sa mga chicks dito, kakaiba ang mga bagong kakilala ko ngayon," sabi nito na dinugtungan pa ng nakalolokong tawa.
"Alam mong hindi ko kailangan ng kakaiba," bored na sagot ko.
"Dahil ano? Ang gusto mo lang ay si Monica? Pare, ipinagpalit ka niya sa iba, dapat mag-move on ka na."
Hindi ko ito sinagot. Marinig ko lang ang pangalan ng ex-girlfriend kong si Monica ay nawawala na agad ako sa mood makipag-usap. Hindi dahil nasasaktan pa ako kundi dahil naiinis ako na nagawa nitong iwanan ako at ipahiya sa ibang tao. Ang pinaka-ayaw ko sa tao ay ang pagsisinungalingan ako at pagmumukhain akong kawawa.
Bumuntong-hininga ito sa kabilang linya. "Nabanggit ko lang ang pangalan niya natahimik ka na. Ano na? Hanggang kalian ka pa magmu-mukmok diyan sa hacienda mo?"
"Sige, susubukan kong lumuwas diyan para makilala ko iyang mga sinasabi mo," pagsuko ko dito.
"That's it! Sa wakas natauhan ka na rin. Dapat lang na magsimula ka na ulit mag-date, alam mo namang kapag nag-seryoso ka sa relasyon ay masasaktan ka lang."
Napangiti na lang ako at napa-iling. Alam ko na iyon at ni minsan naman ay hindi ko sine-seryoso ang mga babae sa buhay ko.
Pagkatapos kong magpaalam dito ay muli kong ibinalik ang cellphone sa bulsa at itinakip ko ang kanang braso sa mata. I needed to rest first.
_________________________________________________________________________________________________________:)