bc

Blind Love

book_age18+
2.5K
FOLLOW
8.9K
READ
murder
love-triangle
possessive
suicide
manipulative
drama
tragedy
twisted
bxg
serious
like
intro-logo
Blurb

Si Colt Everett Villin ay nabulag dahil sa isang aksidente na ikinamatay ng kanyang fiancee na si Britta Fernsby na isang modelo.

Naging mainitin ang ulo ni Colt hanggang sa makilala niya si Alora Camari na siyang magbibigay ulit ng kulay sa madilim niyang mundo at ang magbubunyag ng madilim at masamang pinakatago tagong lihim ni Britta.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
    It is already 5:14 pm, pag tingin ni Alora sa kanyang wristwatch. Napabuntong hininga na lamang siya at ramdam niya ang pagod at gutom na kanina niya pa iniinda. Nagmamadali niyang ginawa ang kanyang trabaho dahil may pasok pa siya sa call center kaya minadali na niyang diligan ang lahat ng bulaklak na pinapaalagaan sa kanya ni Mrs. Villin “You f@nk!ng b!tch hahatiran mo lang ako ng pagkain itatapon mo pa, kaya ka nga nagtatrabaho diba para magkapera pero nanira kapa ng gamit. Ang mahal ng binasag mo!! Mas mahal pa sa sahod mo. Lumayas ka!!! Wala kang kwenta!!! Layas!!!”. Alam na alam ni Alora na kay Sir Colt na naman ang boses na iyon, malamang sa malamang ay natatakot sa kanya ang katulong kaya siguro nakagawa ng pagkakamali. Napailing na lamang siya at inayos lahat ng ginamit niya syaka pumasok sa loob ng tahanan ng pamilya Villin at doon nga'y nakita niya ang binata at ang ina nitong umaawat sa kanya dahil baka masaktan nito ang kaawa-awang katulong na nakaluhod sa harapan nito at humihingi ng paumanhin. “Sir parang awa niyo na ho may sakit po ang anak ko kailangan ko po ng pambayad sa ospital, kailangan ko po ng pera." Umiiyak na pagmamakaawa ng ginang. "Manang pumunta ka muna sa office ko okay, doon tayo mag-uusap sige na manang," kalmadong utos ni Mrs. Villin sa katulong habang hawak-hawak ang galit na anak. Tumawa lamang ng malademonyo ang binata. "Wala akong pakialam, kasalanan mo yan dahil tanga ka. Hindi mo ginawa ng maayos ang trabaho mo," saad ng binata at piniksi ang pagkakahawak ng ina sa kanya at nag simula ng mag lakad habang hawak hawak ang isang tungkod para sa gabay niya sa pag lalakad. “Hayop ka!!! Wala kang awa!!! Kaya ka siguro nabulag at nawalan ng minamahal dahil wala kang puso napakamanhid mo! Pinaparusahan ka ng diyos dahil sa kademonyohan mo!!!" Nagulat si Alora sa sinabi ng ginang, alam niyang mapapahamak ito lalo dahil sa sinabi nito. Nanggalaiti si Colt at nagsimulang mag lakad pabalik sa kinapupwestuhan ng ginang, nataranta na si Alora kaya pumagitna narin siya ang inawat ang katulong. "Sir ako na po ang humihingi ng paumanhin, please po ako na po bahala sa kanya. Wag niyo po siyang sasaktan," malumanay ngunit kinakabahang sabi ni Alora kay Colt. "Colt anak, tama na pwede ba? Lagi ka na lang gumagawa ng gulo kahit kaunting pagkakamali lang, pwede ba Colt ayusin mo naman sarili mo? Nandito ako, si Fleur, narito kami para sa'yo kaya please lang Colt bumalik ka na sa dati," umiiyak na nagsusumamong sabi ng ina. "Mom, ito na ako ngayon at hindi na maibabalik ang dati, you know that we can never bring back the past. I can't. You can't. We can't." Mariing sabi ni Colt. Tumingin si Alora kay Mrs. Villin na sumisenyas na ilayo ang katulong kaya tumango na lamang siya. Nang makalayo ay kinausap niya ang matanda. "Manang pasensya na po, may pinagdadaanan po kasi yung tao, pasensya na po kayo," naaawang paumanhin ni Alora sa ginang ngumiti lamang ito ng mapang-uyam at sinabing "Gusto mo siya 'di ba, kahit noong buhay pa ang nobya niya. Magdiriwang ka na dahil may pagkakataon ka na," sabi ng matanda at syaka tumawa ng malakas "At isa pa hindi mo kasalanan kung bakit ganyan kagaspang ang ugali ng amo mo," sabi nito at nag lakad na palabas ng mansyon. Napalunok si Alora, parang biglang kinabahan kahit wala naman siyang ginagawang masama, oo totoo yun at hindi niya ipagkakaila yun pero nakakapangilabot lamang ang sinabi ng matanda. Nagka gusto siya sa binata pero hanggang doon lang yun, kaunting paghanga lang at wala ng iba, nalungkot din siya sa balitang namatay ang nobya nito dahil mabait ang taong iyon. Parang bigla siyang nakaramdam ng konsensya sa sinabi nito, pero sa totoo lang ay hindi niya hiniling na mamatay ang nobya ng amo kahit pa gusto niya ito. Gusto niya ang amo pero ang mamatay ang nobya nito ay hindi niya hiniling kahit kelan. "Oh hija, aalis kana ba agad?" naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang sumulpot si Mrs. Villin. Ngumiti siya ng kaunti at tumango. "Hay naku, napakasipag mo namang bata ka. Oh siya sige mag-iingat ka ha mag-isa ka nalang," malungkot na sabi ng ginang at hinaplos ang buhok niya. Nakikita ni Alora ang sakit sa mga mata nito dahil maging ito rin ang naapektuhan ng mamatay ang nobya ni Sir Colt. Gumaan ang pakiramdam ni Alora dahil matagal na siyang hindi nakakaramdam ng pag-aalaga ng isang ina. "Maraming salamat po, pakisabi nalang po kay Fleur na umalis na ako." Tumango ang ginang at ngumiti. "Oh sige mag-ingat ka sa daan gabi na Alora." Tumango lamang siya at kinuha na ang gamit niya sa loob ng mansion. Naglalakad na si Alora ng maramdaman niyang may tao sa paligid niya, nakita niya si Colt sa may puno na nakatulala. Nanikip ang dibdib niya sa itsura nito. Ang dating Colt ay malusog, laging nakangiti at magalang hindi katulad ngayon na nangayayat at naging masama ang ugali. Naglakad siya papalapit dito habang bitbit ang isang roses na bagong pitas at inilagay sa tabi nito ng hindi niya nararamdaman na may tao sa paligid niya. Alam niyang mahilig din sa bulaklak si Colt kahit lalaki ito, namana nito iyon sa ina kaya umaasa siyang kahit papano ay gagaan ang loob nito. "Bakit ang hilig mo mangialam?" malamig na turan ng binata. Nanigas si Alora dahil ang akala niya ay hindi siya mahuhuli nito. Tumikhim siya syaka nag salita. "Yung tungkol ho doon sa katulong, ayos na po nakaalis na siya at naibigay na ng mayordoma ang sahod niya," nakayukong tugon ni Alora. Kinakabahan siya dahil baka bigla na naman itong magalit kapag mayroon itong hindi nagustuhan. "Wala kang pakialam kung ano ang pinagdadaanan ko, hindi ako humihingi ng tulong sayo at mas lalong hindi ko kailangan ng tulong mo. Napaka pakialamera mo, wag mo na akong pakialaman pwede ba," galit na sabi nito. Napabuntong hininga siya syaka umupo sa tabi nito at sumandal sa puno. "At sinong nagsabi sayo na pwede kang pumitas ng bulaklak, pinapaalala ko lang sayo na pinapaalagaan yan sayo hindi pinapipitas," masungit nitong sabi sa kanya. "Alam ko pong hindi mo kailangan ng tulong, hindi po tulong ang ginawa ko. Ginawa ko po iyon dahil gusto ko, hindi ko po kayo maintindihan. Alam ko pong masakit mawalan ng minamahal sa buhay pero ang masama po doon ay sinisira niyo ang buhay niyo imbes na ipagpatuloy ang buhay dahil ito ang inyong pangalawang buhay. Kung ano man ang nangyari sa nakaraan na alam kong mahirap kalimutan pero maaaring gawing aral" madamdaming saad ni Alora habang nakatingin sa kalangitang walang bituin na wari mo ay malungkot din. Napangiti siya dahil minsan ay hindi siya naging totoong masaya simula ng mawala ang magulang niya. "Ibawas niyo na lang po sa sahod ko ang bulaklak na pinitas ko," kalmado niyang sabi rito. "Anong alam mo sa buhay ko, anong karapatan mong mag salita ng ganyan! You're not in my shoes to say such things without experiencing the same thing I've been through," nakakuyom na kamaong sabi ni Colt. Ramdam na ramdam ni Alora ang pighati nito. Ngumiti si Alora at sinabing, "Dahil mag-isa lang ako, wala akong kahit ano o sino pero ikaw may pamilya kang nag-aalala at nag-aalaga sa'yo," huminga nang malalim si Alora at pumikit ng madiin ng sa ganon ay hindi tumulo ang nagbabadya niyang luha. "Mauna na po ako Señorito, pasensya na po kayo." Nagmadaling umalis si Alora dahil alam niyang magagalit lamang ito lalo. Tumagos sa puso ni Colt ang sinabi ng dalaga parang mayroon ding mabigat na pinagdadaanan ang babae pero nananatili itong matatag at nagpapatuloy sa buhay. Tumulo ang luha ni Colt at nag simula na namang alalahanin ang mga ala-alang kasama niya ang minamahal niyang nobya. “I'm sorry babe, I'm really sorry I'm sorry I'm sorry," paulit-ulit na sabi ni Colt habang umiiyak at dinadamdam ang sakit ng kanyang puso. Nong araw na iyon ay tumatak sa kanya ang sinabi ni Alora. Alam ni Colt na habang buhay na siyang magluluksa sa pagkamatay ng nobya at habang buhay na siyang hindi makakadama ng sayang dati niyang ninanamnam habang nabubuhay pa ang kanyang namatay na nobya. Habang buhay na siyang maninirahan sa kanyang bagong mundo na madilim na puno ng kalungkutan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

Just A Taste (SPG)

read
894.9K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.0K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

My Son's Father

read
583.3K
bc

Payment of Debt

read
88.1K
bc

The Young Master's Maid

read
749.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook