PIGIL ni Resen ang hininga nang sumandal sa kanya si Winston. Amoy na amoy niya ang alak mula sa hininga ng binata. Malapit kasi ang mukha nito sa mukha niya na para bang gusto siyang halikan. Gano'n na lamang ang pagpipigil niya para tumayo at tumakbo palabas ng apartment ng binata. Alam niyang hindi siya dapat sumama kay Winston, pero kailangan niya 'yong gawin para sa plano niya. Hindi naman siya nakipagbalikan kay Winston. Sumama lang siya dito para "pag-usapan ang tungkol sa relasyon" nila para makuha niya ang ebidensiyang magpapatunay sa ka-inosentehan ni Snicker. Alam niyang delikado ang ginagawa niya, pero wala siyang hindi gagawin para masigurong wala nang sisira uli sa buhay ni Snicker. Huminto na ng dalawang taon noon sa pag-aaral si Snicker dahil sa kontrobersiyang dinulot n

