SA ISANG coffee shop inaya ni Resen si Snicker. Lunatics Café. Doon siya tumatambay noon kapag nag-aaway sila ni Winston. Pero ngayon, sinama niya ro'n si Snicker para magkaro'n naman siya ng happy memory sa coffee shop na 'yon. Isa pa, iyon ang pinakamalapit na café. Kailangan niya ng caffeine sa katawan niya para kumalma siya. "Are you okay now, Resen?" nag-aalala pa ring tanong ni Snicker. Tumango si Resen. Ngayong kalmado na siya, saka niya naalala ang mga gusto niyang itanong kay Snicker. "Anong nangyari? Bakit kasama ka nina Lawrence? Ang alam ko, sila lang ni Rowelie ang nag-aabang sa'kin sa labas ng apartment ni Winston." Oo, kasabwat ni Resen sina Lawrence at Rowelie sa plano niya. Pagdating nila ni Winston sa apartment kanina, lumabas siya saglit para sunduin sina Lawrence at
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


