Chapter Eight

2350 Words
"JAKE, hindi ko gusto ang tingin at ngiti ng lalaking 'yon kay Resen. Get him out of here," mariing bilin ni Snicker sa kaibigan na kausap niya sa kabilang linya, saka niya nilipat ang contact niya sa isa pa niyang kasamahan. "Adrian, may papalapit na dalawang kumag kay Resen. Ilayo mo ang mga 'yon sa kanya ngayon din." Nagpalit uli siya ng contact, nakakunot ang noo sa eksenang nakikita niya. "Tan, that creepy asshole is sniffing Resen. Pasimple mo ngang sikmuraan, saka mo paalisin ng party. Siguraduhin mo lang na walang mapapansing kakaiba si Resen kapag ginawa mo 'yon..." Nagpatuloy si Snicker sa pagtawag sa mga kaibigan niya na malapit kay Resen para maprotektahan ang dalaga mula sa mga lalaking gustong pumorma sa dalaga. Hindi naman tataas ng ganito ang pagiging protective niya kay Resen kung hindi nalasing ang babaeng 'yon. Nang malingat kasi kanina si Rowelie na siyang nagsisilbing "bar tender" ng party ay tinungga ni Resen ang bote ng tequila. Ang katwiran ni Resen, wala naman daw lasa ang alak. Ngayon ay umeepekto na sigurado ang ininom nito dahil panay na ang bungisngis ng dalaga at iniindak na rin nito ang baywang habang sumasayaw. Damn, she's so beautiful and so sexy. Hindi tuloy niya masisi ang mga lalaking nagtatangkang lapitan si Resen. Pero dahil nakainom ang dalaga, hindi siya papayag na malapitan ito ng ibang mokong kaya mahigpit niya itong pinapabantayan sa mga kasamahan niya. "Kung ganyan ka nag-aalala kay Resen, bakit hindi ka na lang dumikit sa kanya? Siguradong walang magtatangkang lumapit o tumingin man lang sa direksyon niya kapag kasama ka niya," iiling-iling na sabi ni Lawrence na kasama niya sa balkonahe ng mga sandaling iyon. Mula sa puwesto nila ni Lawrence ay kitang-kita ang buong pool area kaya nababantayan ni Snicker si Resen. "Hindi ako puwedeng maging clingy kay Resen pagkatapos ko siyang sabihang huwag maging clingy sa'kin." Natawa si Lawrence. "Nakainom na ang baby girl mo. Hindi na niya maaalalang sinabi mo 'yon sa kanya." Pakiramdam ni Snicker ay bumigat ang paghinga niya habang pinapanood si Resen na sumayaw– umiindak ang baywang nito sa ere kasabay ng pagbagsak ng malakas na musika. May hawak itong baso ng "alak" (pero ang totoo, seasoned juice na lang 'yon na pinagawa niya kay Rowelie) habang nakataas pa ang isang kamay at nakikihiyaw sa mga tao sa paligid nito. Napako ang tingin niya sa payat na baywang ni Resen. s**t, he didn't know that she could dance so sexily like that. She was giving him a hard-on! Tinungga niya ang bote ng beer na hawak para kalmahin ang sarili. Pumalataktak si Lawrence at tinapik-tapik ang balikat niya. "Sa lagkit ng tingin mo kay Resen, nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin niya napapansin na patay na patay ka sa kanya. Gano'n ba siya kamanhid?" Snicker gave Lawrence a disbelieving look "Tingin mo ba titingnan ko ng ganito si Resen kapag magkasama kami, o kung may ibang tao sa paligid namin? Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit parati kong pinipilit na sumimangot at magmukhang walang emosyon?" "Point taken," natatawang sabi ni Lawrence, itinaas pa ang mga kamay. Sa kaliwa nito at may hawak itong bote ng beer. Sa kanan naman ay may nakaipit na stick ng yosi sa mga daliri nito. "Pero sa dami ng ginawa mo para sa kanya, imposibleng hindi niya mapansin 'yon." Bumuntong-hininga si Snicker at bumaba ang tingin sa bote ng beer na hawak niya. Siguro, umeepekto na rin ang iniinom niyang alak dahil natagpuan niya ang sarili na nagkukuwento kay Lawrence. "I turned her down two years ago." Nagmura si Lawrence. "Seryoso, pare? Binasted mo si Resen noon? Si Resen na nilagay mo sa pedestal?" Binigyan ni Snicker ng iritadong tingin si Lawrence. "Natakot ako, okay? Natakot ako na baka kapag naging kami ni Resen at hindi naman nag-work ang relasyon namin ay mawala siya sa'kin. Kaya mas pinili kong isipin niya na hindi ko siya gusto nang higit pa sa isang kaibigan. At least, if we're friends, I could keep her forever. I can't afford to lose her, you know." Damn, the memories of that night two years ago came rushing back at him. He was dancing with Resen during their acquaintance party when she suddenly said that she liked him as a guy, and not just as a friend. And he said he saw her as a sister. Para gumawa ng punto, pagkatapos ng gabing iyon ay nakipag-date naman siya sa iba't ibang babae na kabaligtaran ni Resen. Alam niyang nasaktan niya ng husto ang dalaga dahil ilang buwan din siya nitong iniwasan at hindi kinausap. I was a jerk, I know. Pero gaya ng sinabi ni Snicker kay Lawrence kanina, natakot siya. Resen was only seventeen then. Mas matanda siya ng dalawang taon sa dalaga pero same level lang sila dahil huminto siya ng dalawang taon sa pag-aaral. Kahit gano'n, alam niyang mas mature pa rin siya mag-isip kaysa kay Resen na gaya ng ibang spoiled rich kid ay mabilis magbago ang isip. Natakot siya na baka curious lang si Resen sa kanya. Na baka isa lang siyang phase sa buhay ng dalaga na kapag pinagsawaan nito ay iwan na lang siya bigla. Hindi niya kakayanin 'yon, kaya minabuti niyang isipin nito na hanggang magkaibigan lang talaga sila. Pero nang lumayo si Resen sa kanya, nagsisi agad siya. Handa na sana siyang humingi ng tawad at magtapat ng nararamdaman niya para sa dalaga, pero huli na ang lahat. Nang matauhan siya, naging malapit na si Resen kay Winston. Inatake si Snicker ng insecurity no'ng mga panahong iyon. Winston was his total opposite. Di hamak na mas matino ang lalaking 'yon kaysa sa kanya. Higit sa lahat, nagmula ito sa disente at respetadong pamilya. Hindi tulad niya na may tatay na convicted r****t. Naisip niya na mas bagay ang isang tulad ni Resen kay Winston kaysa sa tulad niya na kahihiyan lang ang puwedeng ibigay sa dalaga. Kahit mabait sa kanya ang mommy ni Resen, hindi naman gano'n ang trato sa kanya ng ibang kapamilya ng babae. Do'n pa lang, alam niyang hindi rin sila magtatagal kung sakali mang naging sila ni Resen. Mas okay na ganito sila. Magkaibigan. Iyon ang araw-araw niyang sinusuksok sa kukote niya simula nang tanggihan niya si Resen para kahit paano ay mabawasan ang pagsisising nararamdaman niya. Because damn, he was so in love with her yet he was so afraid to take their relationship to the next level. Mas gugustuhin na niyang tumayo sa sideline kaysa mawala si Resen sa kanya. "Pare, huwag mong mamasamain ang tanong ko, ha?" tila nag-aalangan na sabi ni Lawrence na pumutol sa pagmumuni-muni ni Snicker. "Pero bakit nga ba ganyan mo kamahal si Resen?" Napangiti si Snicker, naglalakbay na sa nakaraan ang diwa niya. "Dahil bukod sa mommy ko, siya ang nag-iisang taong tumanggap sa'kin ng buung-buo at hindi ako tiningnan ng may takot o disgust sa mukha sa kabila ng eskandalong kinasangkutan ng pamilya namin noon." He was stuck in the school's elevator in his first day and he was near hyperventilating. Great. Pinilit ni Snicker na pakalmahin ang sarili, pero nanatiling naninikip ang dibdib niya. Ikinuyom niya ang mga kamay kanina, pero hindi na niya mabuksan ang mga kamao niya ngayon. Pakiramdam niya, mawawalan na siya ng ulirat anumang sandali. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng estudyanteng sumasakay sa lintik na elevator na 'yon ay siya pa ang minalas na abutan ng pagkaka-stuck niyon. Hanggang ngayon ba, hindi pa rin tapos ang kamalasan sa buhay niya? Humugot siya ng malalim na hininga, at napaungol sa isipan niya nang masamyo ang matamis na amoy na 'yon ng kasama niyang na-stuck sa lintik na elevator na 'yon. "Just think of happy thoughts." Nilingon ni Snicker ang babaeng kasama niya sa elevator. Sa kabila ng kadiliman sa loob ng elevator ay kitang-kita pa rin ang maputi at makinis nitong mukha na parang ang sarap haplusin. Bagay sa maamo nitong anyo ang malambing nitong boses... Shit. Did she just talk to me?"Excuse me?" paniniguro ni Snicker na kinakausap nga siya ng babae. Pagkatapos makulong ng daddy niya dalawang taon na ang lumilipas, wala na ni isa sa mga kaibigan o kaklase niya ang kumausap sa kanya. Kaya nga napilitan siyang huminto na lang ng pag-aaral. Dalawang taon lang siyang nagkulong sa bahay dahil araw-araw lang siyang napapaaway sa tuwing may nagbabanggit sa kaso ng ama niya. Pero ngayon, pinagbigyan niya ang mommy niya na tapusin ang high school. Hindi siya lumipat ng school kaya sigurado siyang kahit naka-graduate na ang batchmates niya, alam pa rin ng mga lower batch na ngayon ay kaklase na niya ang tungkol sa history niya. After that horrendous turning point of his life, he had been referred to as "the r****t's son." "Take a deep breath and think of happy thoughts," sabi ng babae na pumutol sa pagmumuni-muni ni Snicker. Biglang nanlamig ang katawan ni Snicker sa realisasyong sumampal sa kanya. Alam ngbabaeng ito na malapit na siyang mag-hyperventilate dahil sa sitwasyon nila! Malamang ay napansin nitong kanina pa siya hindi komportable. Napamura na lang siya sa isipan. "If it doesn't work, I have paperbag," pagpapatuloy ng babae. In fairness to her, she sounded sincere. "Kailangan mo ba?" Kumunot ang noo ni Snicker. "Bakit may dala kang paperbag?" "I just like being prepared for emergencies like this," kaswal na sagot ng babae na para bang normal lang s na may bitbit itong paperbag "for emergencies." "I have cute band-aids din, biscuit and bottled water. Oh, are you thirsty? Hungry? We can share naman my snacks, eh." "No, thanks," iritadong sagot ni Snicker. Sigurado siyang paglabas nila ng elevator at nakita siya ng babaeng ito ay kakaripas ito ng takbo palayo sa kanya. "Don't worry. I'm pretty sure na by this time, may nakapansin nang na-stuck tayo dito sa loob. Maybe some people are already working to get us out of here," ayaw paawat na sabi ng babae. "For the meantime, just forget about the dark. Mind over matter, you know. Think of happy thoughts–" "Paano ako makakapag-isip ng "happy thoughts" kung ang ingay mo?" Mabilis namang tumahimik ang babae. Gusto nang iumpog ni Snicker ang ulo sa pader. Hindi naman niya gustong ipahiya ang babae, pero matagal na siyang hindi nakikipag-usap sa ibang tao maliban sa mommy niya nang hindi siya sumisigaw sa galit. Kaya naninibago siya na may nagpapakita ng kabaitan sa kanya ngayon. Noon kasi, panay pang-iinsulto lang ang binabato sa kanya o sa pamilya niya. "Sorry. I just want to help," tila nahihiyang sabi ng babae mayamaya. Napilitan si Snicker na lingunin ang babae. Deretso lang ang tingin nito sa harapan, pero naaninag pa rin niya ang malungkot na mukha ng dalaga. She looked dejected and she reminded him of his puppy who had gone missing three years ago. Okay, hindi magandang comparison iyon. But the point was, he felt guilty. "I can't think of happy thoughts," sabi ni Snicker. "Care to share yours?" Nang lumingon kay Snicker ang babae, maaliwalas na ang mukha ng dalaga at nakangiti pa. "I'm actually thinking about rewatching my favorite Tinkerbell movie right now. Nakaka-GV iyon, promise." Kumunot ang noo ni Snicker. "Tinkerbell movie?" Nilabas ng babae mula sa bag nito ang iPad nito. Pagkatapos ay umupo ito sa sahig at tinapik ang espasyo sa tabi nito. "Sit here. Let's watch the movie together." Nag-aalangan man, umupo pa rin si Snicker sa tabi ng babae. Nagulat pa siya ng talagang Tinkerbell movie nga ang pinapanood nila. At ang madaldal na babae, patuloy pa rin sa pagkukuwento. Nakakatawa man, pero himbis na mairita ay natahimik pa ang kalooban niya sa kabila ng ingay ng dalaga. Unti-unting kumalma ang pakiramdam niya. Sa sobrang kalma, natagpuan na lang niya ang sariling naghihikab sa antok. Nang itakip niya ang kamay sa bibig, no'n lang niya napansin na naibuka na niya muli ang kanina ay sarado niyang mga kamao. Nawala na rin ang paninikip ng dibdib niya. Wow. It's effective. Napatitig si Snicker sa mukha ng dalaga na wala pa ring awat sa pagkukuwento kahit pa pinapanood naman na nila ang movie. Ngayon lang niya napansin na maganda pala ito... "... all's well that ends well," pagtatapos ng babae. Pagkatapos ay binigyan nito ng sulyap na buong pag-asa si Snicker. "How's my story? Gumaan ba ang pakiramdam mo?" Napakurap-kurap si Snicker, hindi pa rin maalis ang tingin sa magandang mukha ng babae. "Uh, sure. Thanks for the... uhm, wonderful story. Thanks." Ngumiti ang babae. "Napuno ka na ba ng happy thoughts?" "Oo," nakangiti nang sagot ni Snicker. Pero walang kinalaman sa blonde fairy ang "happy thoughts" niya. "Kalmado ka na?" Kumunot ang noo ni Snicker, pero hindi pa rin nawala ang ngiti. "Oo." "Bumalik na ba sa normal ang paghinga mo?" Tuluyan nang nawala ang ngiti ni Snicker. "Alam mo?" Ngumiti lang ang babae. Akmang may sasabihin ito, pero may narinig na silang ingay mula sa labas ng elevator.Tumayo ito at kinalampag nito ang pintuan ng elevator. "May tao po ba d'yan? May mga students po na na-stuck dito sa loob!" Tumayo na rin si Snicker. Ngayong nakatayo na sila pareho, biglang naumid ang dila niya. Gusto sana niyang magpasalamat sa ginawa nitong pagpapakalma sa kanya, pero inaatake na naman siya ng katorpehan. Pagbukas ng pinto ng elevator ay nauna agad na lumabas ang babae. Nakangiting nagpasalamat ang dalaga sa mga staff na naglabas sa kanila ro'n. Pagkatapos ay nilingon siya nito, nakangiti pa rin. "Thank you." Napakamot ng batok si Snicker. Ngayong nasa liwanag na sila, lalong naging matingkad ang ganda ni Resen lalo't nakangiti ito. "Wala naman akong ginawa. Ako ang dapat magpasalamat sa'yo sa gina–" "Wait. Isn't he Snicker Lagdameo, the r****t's son?" Napaderetso ng tayo si Snicker, nagtatagis ang mga bagang. No'n lang niya napansin na pinagtitinginan na pala siya ng mga estudyante sa paligid niya. Great. It was only his first day as a returning sophomore student in high school and here he was, tampulan agad ng tukso. "Resen, na-stuck ka with him? Are you okay? Wala ba siyang ginawang masama sa'yo?" tanong ng isa sa mga lalaking estudyante sa babaeng nakasama ni Snicker sa elevator. Ah, Resen pala ang pangalan niya. Nang dumako kay Snicker ang tingin ni Resen, nakaramdam siya ng pagkapahiya. Ngayong alam na nito na siya ang anak ng convicted r****t na laman ng lahat ng balita sa Pilipinas dalawang taon na ang lumilipas, siguradong matatakot na ito sa kanya. Bago pa niya makita ang pagguhit ng disgusto sa mukha ng dalaga ay tumakbo na siya palayo. Only for him to have Resen follow him around, again and again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD