MASAKIT na masakit ang ulo ni Resen nang magising siya. Pakiramdam niya, binibiyak iyon. Hindi nakatulong na ang istriktong mukha ng mommy niya ang sumalubong sa kanya pagmulat niya ng mga mata.
I'm so doomed.
Bumangon si Resen sa kabila ng p*******t ng ulo niya. Kailangan niyang magpaliwanag sa mommy niya bago pa madamay si Snicker sa magiging parusa ng ina sa kanya. "Mommy, walang kasalanan si Snicker sa nangyari kaya huwag mo sana siyang pagalitan. Ako ang pumilit sa kanya na payagan akong uminom ng alak." Itinaas pa niya ang kanang kamay. "Promise."
Tumaas ang kilay ng mommy niya na nakaupo sa gilid ng kama niya habang nakataas ang kilay. "Alam mo ba na nang iuwi ka ni Snicker kagabi na lasing na lasing, sinabi niya sa'kin na huwag kitang pagagalitan dahil kasalanan niya't pinayagan ka niyang uminom ng alak?"
Sa kabila ng takot ni Resen sa magiging parusa sa kanya ng mommy niya, hindi pa rin niya napigilang mapangiti. "What can I say, Mom? Partners in crime kami ni Snicker eh, kaya hindi kami naglalaglagan."
Pabirong piningot siya ng mommy niya na ikina-"aray" niya. "Ikaw talagang bata ka. Nang magpaalam ka na pupunta ka ng party, hindi ko in-expect na uuwi ka ng lasing." Nang bitawan siya ng mommy niya, natawa ang ina at niyakap siya. "You're a big girl now! Congratulations, my precious daughter!"
Nagulat si Resen sa reaksyon ng ina. "Mommy, hindi ka galit?"
Ngumiti ang kanyang ina at hinawakan ang kamay niya. "Nag-alala, oo. Pero hindi ako galit. Ito ang unang pagkakataon na umuwi kang lasing. Nagpapasalamat na nga lang ako at dahil iyon sa nag-enjoy ka sa party at hindi dahil nabigo ka sa pag-ibig. Saka teenager ka, anak. Natural lang siguro na gustuhin mong maranasan ang mga bagay na 'to. At alam ko namang kung pipigilan kita ay tiyak na magrerebelde ka lang."
Napangiti si Resen sa pagiging maunawain ng mommy niya. "That's so sweet, Mom. Thank you. And I'm sorry kung hindi ko nadala ang sarili ko nang nalasing ako. Promise. Sa susunod na mag-party ako, hindi ako iinom ng marami."
Tumango ang kanyang ina. "Iyon lang ang hihilingin ko sa'yo, anak. Kapag nag-party ka, sana ay huwag mong kalimutan ang mga limitasyon mo. Papayagan kitang uminom ng alak, pero 'yong kaya mo lang dalhin. Kung posible, huwag ka nang uminom at all. Pero ang hindi puwede sa'kin ay ang drugs, paninigarilyo, at s*x, okay?"
Nag-init ang mga pisngi ni Resen. Nailing siya sa tinatakbo ng usapan nila ng kanyang ina. "Mommy naman..."
"Dalaga ka na, anak. Kaya kailangan na nating pag-usapan ang limitasyon mo," marahang sabi ng kanyang ina. "Pinayagan kitang mag-boyfriend nang mag-eighteen ka na. Pero sana, huwag mong kalilimutan ang mga values na tinuro ko sa'yo pagdating sa pakikipagrelasyon. Hangga't nag-aaral ka pa, ang gusto ko ay mag-focus ka muna sa school, okay?"
Tumango si Resen. "Yes, Mom."
Hinaplos ng mommy niya ang pisngi niya. "Mabuti na lang at mapagkakatiwalaan ang best friend mo kaya panatag akong walang masamang mangyayari sa'yo kapag siya ang kasama mo. Alam mo bang sising-sisi siya kagabi na sinama ka niya sa party ng kaibigan niya? At ngayon ka, nagprisinta ang batang 'yon na linisin ang sasakyan natin para makabawi raw sa'tin."
Nanlaki ang mga mata ni Resen. "Nandito si Snicker, Mom?"
Nakangiting tumango ang kanyang ina. "Napakaaga niyang dumating, anak. May dala pang mainit na sabaw at aspirin para sa'yo. Speaking of which..." Iminuwestra ng mommy niya ang night table kung saan nakapatong ang mainit na sabaw, aspirin, at isang baso ng tubig. "Si Snicker ang naghanda niyan. Napaka-sweet talaga ng kaibigan mong 'yon. Malayong-malayo sa dating Snicker na una mong inuwi sa bahay noon."
Napangiti si Resen sa alaala. When she first brought Snicker home to meet her mom, he was like a savaged beast. Iyon ang dahilan kung bakit gaya niya ay mabilis gumaang ang kalooban ng ina niya sa binata. "Mommy, ang dami nang friends ni Snicker ngayon."
"I'm happy for him," sinserong sagot naman ng kanyang ina. "After all he went through, he deserve to have good things in life such as friends."
And Resen could only agree more.
***
NAPANGITI si Resen nang makita sa garahe si Snicker. Mukhang katatapos lang nitong linisin ang sasakyan nila dahil huminto na ito sa ginagawa at pinupunasan na nito ng face towel ang mga braso nitong nabasa marahil kanina.
Unti-unting nawala ang ngiti niya at napalunok siya habang pinapanood ang pag-flex ng muscles ng binata sa bawat pagkilos nito. Kahit simpleng puting T-shirt lang ang suot nito ngayon, para pa rin itong modelo. Hapit kasi sa katawan nito ang damit kaya na-emphasize ang malalapad na balikat nito at namutok din ang muscles sa mga biceps nito. Higit pa ro'n, dahil nabasa ang damit nito sa bandang tiyan, bumakat ang abs nito.
Ang aga-aga, uminit agad ang pakiramdam niya.
Nang mag-angat siya ng tingin sa mukha ni Snicker, nagulat pa siya nang makitang nakatingin sa kanya ang binata habang nakataas ang kilay na para bang sinasabi nitong nahuli siya nito.
Nakakahiya, pero hindi maalis ni Resen ang tingin kay Snicker. Ang guwapong mukhang iyon ang minsang kinabaliwan niya. He once had a wild look on his face and a dangerous glint in his eyes that haunted her waking and sleeping hours before. Pakiramdam kasi niya noon, isa itong mabangis pero sugatang hayop na kailangan ng pagmamahal at pagkalinga.
Inisip din niya noon na siya ang makakapag-tame kay Snicker. 'Yong pag-aalala siguro na naramdaman niya para sa binata ay naipagkamali niya sa pag-ibig kaya nagawa niyang magtapat dito ng damdamin dalawang taon na ang lumilipas.
Ng gabing nagtapat siya kay Snicker, sinabi nitong kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Pagkatapos, nabalitaan na lang niyang kung sino-sinong babae pala ang dine-date nito. Mga babaeng malalayo sa kanya na para bang sinasabi ng binata na hindi siya pasado sa panlasa nito. Napahiya at nasaktan siya kaya lumayo siya.
Pero hindi rin naman niya natiis si Snicker. Sa tuwing nakikita niya itong mag-isa noon, nadudurog ang puso niya para sa binata. No'n niya naisip na kailangan siya nito bilang kaibigan. Kaya kahit masakit pa noon, kinalimutan niya ang damdamin niya para rito.
Hindi naman nagtagal ay naging malapit sila ni Winston na kaibigan na ni Snicker no'n pa man. Salamat do'n, nasalba ang pagkakaibigan nila ng best friend niya.
"What's with that look?" tanong ni Snicker na pumutol sa pagmumuni-muni ni Resen. "Pinagsisihan mo na ba na sumama ka sa party ni Law?"
Umiling si Resen. "Hindi, ah. Actually, I had fun last night." Sinapo niya ang ulo niya. "Hindi ko lang gusto ang hang-over na 'to. Parang binibiyak ang ulo ko."
Pumalataktak si Snicker habang iiling-iling. Lumapit ito sa kanya, pagkatapos ay hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Sorry, baby girl. Dapat binantayan kitang mabuti kagabi para hindi ka nalasing ng husto."
Napangiti si Resen sa pagiging malambing ni Snicker. Noon ay puro galit ang lumalabas sa bibig ng binata sa tuwing nilalapitan niya ito, kaya nakakatuwa ngayon na natuto na uli itong maging mabuti sa kapwa. Malaki na nga ang in-improve nito.
She closed her eyes and wrapped her arms around his waist as she remembered a certain event of their lives that probably started their friendship...
"Ni-record ni Mia ang P.E class nila kahapon para mapag-aralan natin ang steps. Madali lang naman kaya sa tingin ko, makakahabol tayo para mamaya," paliwanag ni Resen kay Snicker na nakaupo lang sa bench habang nakasalpak ang malaking headphones sa mga tainga.
Napabuntong-hininga na lang siya. Nagkataon na pareho silang absent ni Snicker sa P.E class nila kung saan pagsasayaw ng waltz ang itinuro. Dahil walang pasabi ang pagliban nila, nainis daw ang teacher nila kaya silang dalawa ng binata na parehong walang alam sa naging lesson ang pinagpares ng guro.
"Maki-cooperate ka naman, Snicker," frustrated na sabi ni Resen, saka tinapik sa balikat si Snicker.
Biglang tumayo si Snicker matapos tapikin ang kamay niya. "Don't touch me!"
Nabigla si Resen. Napahawak siya sa kamay niya na nasaktan dahil sa malakas na pagtapik ni Snicker. Napaatras siya nang makita ang matinding galit sa mukha ng binata. Gayunman, pinigilan niya ang tumakbo. Ewan ba niya pero hindi niya maiwan ang lalaking ito.
Tinapunan siya ni Snicker ng masamang tingin. "Huwag ka na uli lalapit sa'kin, kuha mo?"
Umiling si Resen. "Hindi puwedeng hindi kita lapitan. Magkaklase tayo, dance partners sa P.E class, saka magka-grupo rin tayo sa–"
"Hindi mo ba naiintindihan?" frustrated na tanong ni Snicker. "Sa tuwing magkasama tayo, parating iniisip ng mga tao na may gagawin akong masama sa'yo gaya ng ginawa ng daddy ko sa estudyante niya noon! Na ang tingin din sa'kin ng lahat ng tao sa buwisit na school na 'to ay r****t din! Na para bang kapag may malapit na babae sa'kin ay aatakihin ko agad!"
Nabigla si Resen. Alam niya ang tungkol sa daddy ni Snicker na isang convicted r****t dahil kalat na kalat iyon sa school nila. Akala niya, nahihiya lang ang binata kaya hindi ito nakikipag-usap sa ibang tao.
Iyon pala, may mas malalim na dahilan.
Talaga bang iniisip ng mga tao sa school nila na magagawa ni Snicker na manakit ng babae dahil lang sa kasalanan ng ama nito? Hindi iyon patas. Sa buong durasyon na naging kaklase niya ang binata, ni hindi niya ito nakitang mag-umpisa ng gulo. Kapag may nam-bully dito, saka lang ito lumalaban.
Pero ramdam niya, mabait na tao si Snicker, sa kabila ng galit at sakit nito.
"I'm sorry," sabi ni Resen, sumasakit ang lalamunan sa pagpipigil umiyak. Awing-awa siya kay Snicker ng mga sandaling iyon. Pero kung mas lalo itong mapapahamak kung lalapitan niya, lalayo na lang siya. "Hindi ko alam na ganyan pala ang iniisip ng mga tao kapag nilalapitan kita. Pero Snicker, sa tingin ko, wala ka namang dapat ipag-alala sa sasabihin ng iba."
Kumunot ang noo ni Snicker, bakas sa mukha ang pagtataka.
"You're not your father, Snicker," malumanay na sabi ni Resen. "Hindi ka masamang tao. Huwag kang maniniwala sa ibang tao. Patunayan mo na hindi ka katulad ng daddy mo."
Tumakbo si Resen no'n. Akala talaga niya ay hindi na siya makakapasok sa mundo ni Snicker, kaya nagulat siya nang pigilan siya ng binata. Kahit nagulat siya, hindi siya nagpakita ng reaksyon. Kung tumili kasi siya sa gulat, siguradong mamasamain iyon ni Snicker o ng mga tao sa paligid nila.
"Sorry," mabilis na sabi ni Snicker, namumula ang mukha, saka binitawan ang braso niya.
"May kailangan ka ba?"
Nag-iwas ng tingin si Snicker, nakahawak sa batok. "Ahm... 'yong dance steps. Puwede mo kayang ituro sa'kin?'
Napangiti si Resen, saka tumango. "Oo naman."
Habang inaalala ni Resen ang palpak nilang pagsayaw sa P.E class noon dahil sa makailang ulit na pagtapak ni Snicker sa mga paa niya, hindi niya napigilang matawa. "That was awful."
"Ang alin?" tila nagtatakang tanong ni Snicker na magaang lang ang mga braso sa katawan niya habang yakap din siya nito, na parang natatakot itong madurog ang buto niya kapag niyakap siya nito ng mahigpit. Parati nga nitong sinasabi sa kanya na ang liit daw niya.
Tumingala si Resen, saka umiling. Ayaw ni Snicker na pinag-uusapan ang nakaraan nila, lalo na 'yong mga panahong nasaktan nito ang damdamin niya kaya hindi na niya 'yon uungkatin. "Naalala ko lang na hindi tayo nakapagsayaw kagabi. I miss dancing with you, big guy."
Snicker just chuckled while shaking his head. To her surprise, he held her hand and gently twirled her around. "I miss this, too, baby girl."
Napangiti si Resen pero nang saluhin siya ni Snicker pagkatapos niyang umikot at ipalupot nito ang mga braso sa baywang niya, bigla siyang natigilan. Pakiramdam niya, bumalik sa dating ritmo ang puso niya– 'yong ritmo na mayroon iyon no'ng panahong gusto pa niya si Snicker ng higit sa pagiging kaibigan.
That's impossible. Nagugutom lang siguro ako.