Kabanata 1
Ginising niya
"Ba't ang tagal mo mag-ayos?" Pumasok si Mickaela na basa ang kaniyang buhok. Ang tanging saplot lang ng kaniyang katawan ay ang kaniyang tuwalya. Nagtatanong akong tumingin sa kaniya at lumabas sa kuwarto upang makapagpalit muna siya.
"Masama ang pakiramdam ko. Hindi muna ako papasok sa klase ngayon." Sabi ko sa kaniya dahil hindi naman soundproof ang inuupahan namin.
"Ang sabihin mo ay magtratrabaho ka na naman sa midnight club."
"Oo. Anong magagawa ko? Wala na akong savings. 500 na lang yung natitirang pera ko. Kulang 'yon para sa dalawang linggo kong allowance." Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa baba ng hagdan nang may marinig akong yapak galing sa baba at nakita ko si Glen na papalapit sa akin. Si Glen, isa siyang nangungupahan sa boarding house na ito. Hindi ko siya kaibigan pero pag nagkikita ay nag-uusap kami kahit papaano.
"Ano bang pinag-iipunan mo at nagtitipid ka? Kasi kung yung 500 okay na din siguro 'yon. Diba may part-time job ka pa?" Tanong niya habang umiinom ng kape. Halatang pagod siya dahil puno ang kaniyang buong katawan ng pawis. Nag work-out siguro.
"Oo pero presentation na naman namin. Kailangan ko ng laptop eh kaya nag-iipon ako." Sagot ko sa kaniya at agad namang lumabas si Mickaela sa pinto.
"I can help you to make powerpoint. Tutal wala kang laptop, hiramin mo na lang yung luma kong laptop. Oks na oks 'yon walang sira."
"Hindi, okay lang. Nakakahiya naman sa'yo." Ngumiti ako sa kaniya pero umiling naman si Mickaela at pinangunahan na naman ako.
"Kuya Glen, sinungaling 'yan. Sobrang kailangan niya ng laptop this sem. Required 'yon sabi pa nung professor namin. 'Ang walang laptop mag drop out na lang.' ganoon yung sinabi nung major subject professor namin." Mahabang paliwanag ni Mickaela at tumawa si Glen sa kaniya. Pinasadahan niya ang buhok niya gamit ang palad niya.
" 'wag ka na mahiya Ayara. 'pag 'di mo 'yon tinanggap itatapon ko lang naman 'yon. Sayang lang. Ilalagay ko na lang dito sa tapat ng pintuan niyo. 'wag mo na palang hiramin, sa'yo na lang." Ngumiti siya sa'min bago tumalikod.
Ilang oras na rin ang nakalipas at tapos na rin ang klase ko. Pumasok na lang ako dahil sa pamimilit ni Mickaela. Si Mickaela, ang kaisa-isang kaibigan ko. Simula pa noong highschool days ko.
"Ba't ayaw mo tanggapin yung laptop na binibigay ni kuya Glen?" Nagsimula na naman siyang magdada habang nagtutusok ng fishball.
Nandito kami ngayon sa mga food stall sa labas ng campus para makatipid. Ang mamahal kasi ng mga pagkain sa cafeteria. Akala mo naman gawa sa gold sa sobrang mahal.
"Nakakahiya. Hindi ko naman gaano kaclose yung tao para tanggapin agad yung binibigay niya."
Tumango tango siya, sumasang ayon sa mga sinasabi ko. "Feel ko nga gusto ka niya eh. Masyado kasing mabait sa'yo at sa sobrang yaman nung isang 'yon p'wede ka ng makabili ng isang laptop. Hindi lang isa kundi isang dosena pa." Tumatawa siya kahit na andaming nakalagay sa bunganga niya. Chismosa nga naman oh.
"Mayaman pero nag uupa sa isang boarding house?"
"Ay jusko baka nga siya yung may-ari ehh. Nakita mo ba yung perfume niya? Perfume pa lang Dior na. Tapos yung beanie na gamit niya kahapon alam mo kung magkano 'yon?"
Hindi ko siya sinagot kaagad dahil kumakain ako pero napaisip ako. Mukha nga siyang mamahalin manamit pero bakit nag istay lang siya sa boarding house? Tapos hindi kami masyado malinis sa bahay. Ni hindi nga namin alam kung sino yung landlord basta nagbabayad kami sa mail niya na naka address din sa mismong bahay. Pag 'di kami nagbayad, nagtetext siya na parang alam na alam niya ang mga galaw namin.
"Malay mo imitation lang yung mga gamit niya." Nagkibit balikat siya dahil may point ako.
Pagkatapos naming maglakad lakad dumiretso na kami pauwi para iready ang presentation ko para bukas. Si Mickaela naman ay tutulungan lang daw ako sa pagkakalikot sa bagong laptop ko. Nahihiya man ako ay nagpapasalamat pa rin ako kay Glen.
Nakita ko ang laptop niya sa harap ng pintuan namin. Nakalagay ito sa isang designer shopping bag. Binuksan ko agad ito at ipinasok sa room namin. Mas masaya pa nga yata si Mickaela kesa sa'kin dahil tumitili tili pa siya. Napansin ko din kasi ang apple logo nito. Macbook pala 'to eh.
"Hoy! Ang ingay mo baka maka istorbo tayo sa kabilang kuwarto." Suway ko sa kaniya at sinubukang iopen ang macbook. Bagong bago pa lang ito. May dents lang konti at stickers sa case pero ang linis. Maraming guitar shaped stickers sa case nito.
Musician ba siya? Ang akala ko kasi ay engineering student siya.
"Hala ka te. Ang mahal nito." Tinignan niya ang mga files na naka save dito habang ako ay pinapanood siya kasi inagaw niya sa'kin! "Halos 70k yata 'to. Ganyan ka kamahal ni kuya Glen." Tumawa siya na parang inaasar ako kaya siniko ko siya.
"Wag ka ngang assuming diyan. Ba't parang sa'yo na yan?! Bilhin mo na nga sa'kin 'yan, 60k lang with discount pa." Kumindat ako sa kaniya at inagaw ang macbook sa kamay niya.
"Gago ka ba? Discount ka diyan. Muntik mo ngang 'di kinuha eh. Pasalamat ka sa'kin."
"Maya na yan. Tara libre kita, gala tayo libre kita bente." Ibinalik ko ito sa shopping bag at itinago sa kabinet. Nagpalit na din ako gaya ni Mickaela.
"Ang kuripot mo talaga. Libre mo ako kahit singkwenta lang." Pagrereklamo niya.
Tumango ako dito at sabay kaming lumabas sa pinto. Pagkababa pa lang namin sa hagdan ay bumungad sa'min ang isang bagong mukha. Isang lalaki na naka bomber jacket ang nakaupo sa sofa na laging ginagamit ni Glen. Sobrang naninibago ako sa kaniya na may nararamdaman akong hindi maganda. May parang kakaiba sa aura niya. Kitang kita ang maraming piercings sa tenga niya. Masungit din ang mga mata niyang nakatingin sa'min.
"Hi!" Bati ni Mickaela sa kaniya kaya napatingin siya sa gawi namin.
Hindi siya sumagot pero tumingin siya sa'kin. Hindi lang tingin, kundi titig talaga. Umiwas ako nang tingin at hinila si Mickaela palabas. Hindi naman sa tingin ko ay masama siyang tao pero kakaiba yung mga titig niya. Sa akin pa talaga? Dahil siguro dugyutin ako.
"Ano ba? Ang pogi niya." Pauna ni Mickaela.
"Mukha namang masungit. Titigan ba naman ako na parang jinajudge niya na 'yung buong pagkatao ko."
" 'yan ka na naman. Ang bitter mo talaga kahit kailan. Nandoon na yung pogi tapos hinatak mo'ko palabas."
"Bahala ka diyan pag babalik ka pa. Iiwanan na kita." Pinandilatan ko siya at tumakbo.
Pagkatapos naming magwalwal sa kapitolyo ay umuwi kaming pagod. Alas-nuwebe na nga yata ehh. Kahit marami kaming ginastos ay marami pa rin akong pera dahil naglaro kami ng sugal. Panalo kami at ni isang beses 'di kami natalo. Ang suwerte ko nga naman ngayon. Kala ko mamamalas ako dahil sa lalaking 'yon. Mukhang nakakatakot eh.
"Timpla muna ako kape ah." Nagpaalam ako kay Mickaela na nagtatype sa laptop niya.
"Gege. Timplahan mo rin ako."
Hindi ko na siya sinagot at bumaba na lang. Wala ng tao sa sofa kaninang umuwi kami pero pagpasok ko pa lang sa kitchen ay nadatnan ko na naman yung lalaki kanina. Nagluluto yata siya kasi ang bango nung amoy ng kaniyang linuluto.
"Hey." Pauna niya.
"Hmm." Sagot ko sa kaniya.
Kanina hindi siya sumagot kay Mickaela ah?
"Wanna eat?" Tanong niya kaya tumingin ako sa likod ko pero wala namang ibang nandito kundi siya at ako lang.
"Ako ba kinakausap mo? Kain tayo?" Nagtataka kong tanong at kumuha ng mainit na tubig sa thermos.
"Oo. Kain tayo." Pag-aaya niya sa'kin kaya naupo ako sa isang upuan.
Hindi para kumain kundi irelax muna ang utak ko. Naninibago ako sa paggamit ng macbook na 'yon. Mas sanay ko kasi na gamitin yung laptop ni Mickaela. Masyado tuloy ako naguguluhan sa paggawa ng powerpoint presentation.
"Hindi na uupo lang muna ako."
"I cooked a lot of stuff. I can't finished it alone. I didn't put any poison in it. Don't worry." Inilapag niya ang sweet and sour chicken sa lamesa at nagsimula muna siyang mag pray. Pagkatapos niya ay saka ako sumagot.
"Okay lang ba talaga?" Tumango siya bilang sagot kaya kumuha na rin ako ng plato para sabayan siyang kumain. Hindi ko maipagkakaila na masarap siyang magluto. Tama lang yung pagkakatimpla.
"How's the taste?" Tanong niya pagkatapos niyang kumain
"Masarap." Bitin na sagot ko dahil nahihiya akong makipagdaldalan sa kaniya. Masyado kasi siyang englishero. Mukha ngang hindi pilipino eh pero nakakaintindi naman.
"To be honest, that's not a chicken." Nakangiti niyang sabi at umupo ulit sa harap ko. "That's a human." Humalakhak siya.
Bigla kong nabitawan ang kutsarang hawak ko dahil tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya.
"Just kidding. That's a freaking chicken." Tumawa siya at pinakita yung packaging nung meat.
"Yung totoo? Ginagago mo ba ako?" Inirapan ko siya at inayos ang pinagkainan ko.
"Oh relax. That was a joke." Binigyan niya ako ng strawberry juice.
"Hindi naman kasi nakakatuwa muntik ko na ngang isuka lahat eh."
"Sorry. I just want to make you happy. You look like stress."
"Naiintindihan mo ako pero puro ka pa rin english." Kinuha ko yung strawberry juice sa kamay niya at ngumiti. "Thanks for the meal and this."
"I'm not that fluent. By the way, I'm Roch." Pinunasan niya ang kamay Niya bago makipagkamay sa'kin kaya tinanggap ko naman ito. Mukha naman siyang mabait at napakainosente ng mga mata niya. Kala ko kanina masungit eh. Mas bata siya sa'kin. Sa mukha, sa kutis at sa pakikitungo niya.
"I'm Ayara."
"Pretty name." Ngumiti siya sa'kin at tumayo. "I'm looking forward to know you more, Ayara." Tumalikod siya at umalis na.
Naiwan akong nakatulala sa sulok at iniisip kung ano ang ibig niyang sabihin? Know me more? Diba pag ganoon sa'yo yung lalaki parang interesado siya sa'yo? Bakit naman magiging interesado sa'kin yung lalaki 'yon? Mukha siyang mamahalin na 'pag nagkatabi kami mukha akong katulong o errand girl niya.
"Nasaan yung kape ko?" Matamlay na tanong ni Mickaela. Kung saan saan talaga sumusulpot tong gaga na 'to.
Bigla kong naalala yung mug na linagyan ko ng mainit na tubig. Hindi ko pa pala nalalagyan ng kape.
"Nakalimutan ko." Pagsisinungaling ko dahil aasarin na naman ako nito pag sinabi kong inaya ako ni Roch na kumain.
"Halos bente minutos ka na dito ah? Anong ginawa mo?" Nakataas ang isang kilay niyang tanong.
"Wala." Tumawa ako dito at hinila siya pabalik sa room namin. Hawak niya ang isang mug habang ako masayang linalagyan ng 3-in-1 coffee ang mga mug namin.
Hindi ko maipaliwanag pero may kakaibang epekto si Roch. Para bang ginising niya ang nakatulog kong mga paro-paro. Hindi ako mapakali at napapangiti na lang bigla habang gumagawa ng powerpoint slides.