Chapter 10: Demand

2016 Words
Yannie Ace Ruiz “Nag-chat siya, Yannie!” sambit ni Veron saka niya ibinalik sa akin ang cellphone ko. Marahang kinuha ko naman iyon mula sa kanya saka ako nagpatikhim. “Anong sabi?” usisa pa ni Veron sa akin. Wala na tuloy akong nagawa kung ‘di ang buksan at tingnan ‘yong chat ni Josh Rain sa akin. Josh Rain: Hi! (smiley emoji) Bahagya naman akong nagulat ng tumili si Veron at Ivory sa tabi ko. “Ang gwapo naman niyan, Friend! Pero para mas makasiguro tayo, i-video call mo!” ani Ivory sa akin. “Ay, tama! I-video call mo, Yannie. Para makita natin kung siya talaga ‘yang nasa profile picture niya!” segunda naman ni Veron. “A-Ano ba kayo…” “Uy, anong mayroon?!” Nagulat kaming tatlo nina Veron at Ivory sa biglang pagdating naman ni Jenny. Kasabay niyang pumasok ng classroom si Jomar na deretsyong nakatingin sa akin. “Friend, ang gwapo no’ng textmate ni Yannie!” masiglang pagbabalita ni Veron kay Jenny. Narinig iyon ni Jomar kaya naman mas lumalim ang tingin nito sa akin. Umawang ang mga labi ko na para bang may gusto akong sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung ano iyon. “Oh? Talaga? Patingin!” ani Jenny saka nila muling kinuha sa akin ang cellphone ko at tiningnan ang social media account ni Josh Rain doon. Sa huli ay nag-iwas na lamang ng tingin sa akin si Jomar saka ito dumeretsyo ng lakad patungo sa kanyang upuan. I know that I don’t owe him an explanation. Pero bigla akong nabahala dahil isa siya sa pumupuna sa akin noong una tungkol sa pakikipag-text ko kay Josh Rain. “Yayain natin ito ng video call, Yannie!” nakangiting sabi ni Jenny sa akin. “Akin na nga iyan. Kayo talaga,” saad ko sa tatlo saka ko kinuha mula sa kanila ang cellphone ko. Sakto naman na biglang dumating na ang professor namin. Hindi ko na din tuloy nagawang replyan pa ang text message at chat ni Josh Rain sa akin. Maingat na itinabi ko na lamang ang cellphone ko hanggang sa lumipas na ang ilang oras. Vacant time namin after ng first class namin. Nagyaya si Jenny sa amin nina Veron at Ivory sa kanila. Deretsyo lunch break na din kasi namin after ng vacant time namin. At tuwing Monday ay ganoon naman talaga ang nakagawian namin. Malapit lang kasi ang bahay nina Jenny sa school. Walking distance lang kaya madalas kaming tumambay sa kanila sa tuwing may vacant time kami para doon magpahinga at kumain. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko. Nakita ko ang three unread messages doon mula kay Josh Rain kaya binasa ko kaagad iyon. From Josh Rain: Busy ka na? Bakit hindi ka na nag-reply? May nangyari ba? From Josh Rain: Pwede ka naman magsabi kung may gagawin ka na or what. From Josh Rain: Nakakainis naman. Mabilis akong nag-type ng reply kay Josh Rain dahil sa mga text messages niya na nabasa ko. To Josh Rain: Pasensya ka na. Hindi na ako nakapagsabi kanina. Bigla kasing dumating ‘yong prof namin. Nakagat ko ang ibabang labi ko pagka-send ko no’n. Hindi ko alam pero bigla akong nabahala dahil parang nagalit yata siya sa akin. “Ka-text mo na ulit si Gwapo?” nakangising tanong sa akin ni Veron. “Huh?” “Alam mo, Yannie, makipag-meet up ka na sa kanya para makita agad natin kung gaano siya kagwapo sa personal, ‘di ba?” nakatawang sabi pa ni Veron sa akin. “Tama si Veron. Tapos, isama mo kami kapag magkikita na kayo. Promise sa malayo lang kami. Hindi kami magpapakita sa kanya para naman hindi siya mailang sa first date niyo,” saad naman ni Jenny. Napailing na lamang ako sa kanila dahil sa mga kung ano-anong sinasabi nila. Sabay-sabay kaming naglakad nina Veron, Jenny at Ivory palabas ng classroom. Muli kong tiningnan ang cellphone ko pero wala pang nagiging reply si Josh Rain sa akin. Pagkalabas namin ng classroom ay nakasalubong namin si Jomar kasama ang classmate naming si Chelle. “Uy, Jomar! Sama ka sa amin. Pupunta kami kina Jenny,” nakangiting yaya ni Veron kay Jomar. Veron and Jomar have been friends since junior and senior high school. Classmate kasi sila noon at pareho ang circle of friends nila. Iyon din ang isa sa dahilan kung bakit naging kaibigan ko na din si Jomar. Dahil iyon kay Veron. Sumulyap sa akin si Jomar saka siya nakangiting sumagot kay Veron. “Sige. Kukunin ko lang ‘yong bag ko sa loob,” anito saka ito naglakad papasok sa loob ng classroom. “Jenny, next week na kasi ‘yong group presentation natin sa Events Management natin. Mas mabuti siguro kung ma-finalize na natin ‘yong report natin,” pagkuwan ay sabi naman ni Chelle kay Jenny. May groupings kasi kami sa Events Management at kagrupo ni Jenny si Chelle at Jomar doon. Habang kami namang tatlo nina Veron at Ivory ang magkakasama sa grupo. “Oo nga pala ‘no. Okay lang ba kung sa bahay na lang natin gawin?” tugon at tanong ni Jenny kay Chelle. Nakangiting tumango si Chelle kay Jenny. “Oo naman,” masayang sambit pa nito saka ito mabilis na pumasok din sa loob ng classroom para siguro kunin ang gamit at bag nito doon. Maya-maya pa ay naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Mabilis ko iyong tiningnan at nakita ko ang text message ni Josh sa akin. From Josh Rain: It’s fine. Napakurap-kurap ako nang mabasa ang matipid na reply ni Josh sa akin. Mas lalo akong nabahala kaya muli akong mabilis na nag-reply sa kanya. To Josh Rain: Ano nang ginagawa mo? Vacant time namin tapos deretsyo lunch break na din. Pupunta kami ng mga classmate ko sa bahay ng isa naming classmate. Tatambay lang and doon na din magla-lunch (smiley emoji) “Let’s go,” nakangiting biglang sulpot naman ni Jomar sa tabi namin. Kasama nito si Chelle na masiglang nakangiti din. Nagsimula na kaming maglakad pababa ng building. Habang abala sa pagkukwentuhan ang mga kasama ko ay abala naman ako sa paghawak sa cellphone ko. From Josh Rain: Ingat. Umawang ang mga labi ko sa reply ni Josh sa akin. Ito ‘yong unang beses na ganito kaiksi ang reply niya sa akin. Ang haba ng text message ko sa kanya pero napakatipid naman ng reply niya sa akin. Dahil doon ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na magtanong sa kanya. To Josh Rain: Galit ka ba? Wala pang ilang segundo ay mabilis na itong nag-reply ulit sa akin. From Josh Rain: Hindi ako galit. To Josh Rain: Kung ganoon, bakit ganyan? From Josh Rain: Anong bakit ganyan? To Josh Rain: Parang galit ka (sad emoji) “Uy, Yannie! Okay ka lang?” tanong ni Veron sa akin. Nauuna sa paglalakad sina Ivory at Jenny na masayang may pinag-uusapan. Habang si Jomar at Chelle naman ay nahuhuli sa paglalakad. Kasunod namin ni Veron. “Huh? Oo naman okay lang ako,” tugon ko kay Veron. “Ka-text mo pa rin si Josh Rain? Tama ‘di ba? Josh Rain ang name niya?” pag-usisa ni Veron sa akin. “Anong sabi niya? Kailan ba daw siya makikipagkita sa iyo?” Napatikhim ako bago nakasagot sa tanong ni Veron sa akin. “Hindi pa namin ulit napag-uusapan ang tungkol diyan.” “Bakit naman hindi? Alam mo kung ako sa iyo makikipagkita na ako agad diyan,” ani Veron. Siguro kung si Veron talaga ang textmate ni Josh ay baka nakipagkita na talaga ito agad dito. Malakas at matapang ang personality ni Veron. Hindi tulad ko na madalas na pinanghihinaan ng loob sa kahit na anong bagay. Bukod doon ay maganda din si Veron kaya hindi talaga ito magdadalawang isip na magpakita kay Josh. Hindi tulad ko na mas lalong nawalan ng self-confidence dahil nakita ko na ang itsura ni Josh Rain. Totoong gwapo ito. Para siyang isang perfect prince charming. At malayong-malayo ang isang tulad ko sa isang tulad niya. Ilang sandali lang nang muli kong maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Mabilis kong tiningnan at binasa ang reply ni Josh sa akin. From Josh Rain: Hindi naman. I don’t have right para dyan. I mean… sorry kung ang o.a ko. Yeah, I know that I don’t have the right to demand. Pero sana sabihin mo sa akin kung may gagawin ka na. From Josh Rain: I’m just being worried lang kasi. Natigilan ako sa paglalakad nang mabasa ang mga mensaheng iyon ni Josh sa akin. Bukod doon ay nakaramdam ako ng kakaibang kung anong paghaplos sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag ‘yong nararamdaman ko. “Uy, Yannie!” “Huh?” wala sa sariling napaangat ako ng tingin kay Veron pero nagulat ako nang bigla na lang may mga kamay ang mabilis na humila sa akin hanggang sa maikulong ako nito sa kanyang mga bisig. Kasunod no’n ang malakas na sigaw nina Veron at ang malakas na pagtama ng bola sa pwestong inalisan ko. Napalunok ako at marahan na nag-angat ng tingin. Nakita ko si Jomar na siyang humila sa akin para hindi ako tuluyang matamaan ng bola mula sa mga estudyanteng naglalaro ng volleyball. “Ayos ka lang?” punong-puno ng pag-aalala na tanong ni Jomar sa akin. “O-Oo,” nauutal na tugon ko dito saka ako nito tuluyang binitiwan. “Sorry po! Pasensya na po kayo!” lapit naman sa amin ng isang babae saka nito kinuha ang bola sa lupa. Naiilang na tinanguan ko na lamang ito saka ito tuluyang umalis. “Uy, Yannie, okay ka lang?” tanong ni Ivory sa akin. “Buti na lang nahila ka agad ni Jomar,” saad naman ni Jenny. “O-Oo nga eh.” Bumalin ako ng tingin kay Jomar. “Thank you huh,” saad ko dito saka ako ngumiti kahit na nakaramdam ako ng kaunting pagkailang. “Yannie, mas mabuti kasi siguro kung magpe-pay attention ka sa paglalakad kaysa unahin mo ang paggamit mo ng cellphone,” sabi naman ni Chelle sa akin. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko ngayon, pero nakikita ko sa mga mata nito ang matalim at pagkainis nito sa akin. “Pasensya ka na…” saad ko dito. Mabilis naman akong inakbayan ni Veron. “Okay lang iyan. Ang importante ay walang nasaktan. Tara na!” ani Veron saka ako nito hinila na sa paglalakad. Dahil sa pangyayari ay hindi na naman ako nakapag-reply kaagad ulit kay Josh. Ilang minuto ang lumipas nang makarating kami sa bahay nina Jenny. At pagkadating na pagkadating namin sa tapat ng bahay nina Jenny ay kinuha ko na agad ang cellphone ko para i-text si Josh. Pero nagulat ako sa mga text niya pa sa akin. From Josh Rain: Tulad ngayon. Wala na naman. From Josh Rain: Sorry for being demanding. Mabilis akong nag-type ng reply sa kanya pero bigla namang nag-cut ‘yong unlimited text subscription ko kaya hindi na ako makapag-send sa kanya. Mabuti na lang at may internet connection kina Jenny kaya naki-connect na lang muna ako sa kanya. Saka ako nag-online sa social media account ko at nag-chat kay Josh. Me: Sorry, Josh. Nag-cut ‘yong text subscription ko. Agad na nag-seen si Josh sa chat ko at mabilis din naman itong nag-type ng reply niya sa akin doon. Josh Rain: It’s okay. Me: Sorry talaga. Okay, I get it. Naiintindihan ko ‘yong sinabi mo kanina. Josh Rain: Okay lang, Yannie (smiley emoji) huwag mo nang isipin ‘yon. Magta-type pa lang sana ulit ako ng reply sa kanya nang bigla na ulit siyang mag-chat sa akin. Josh Rain: Mamaya na lang ulit. Ingat kayo ng mga kasama mo (smiley emoji) Me: Sige, hihintayin ko na lang ang text or chat mo. Ingat ka din. Hindi na niya na-seen ‘yong reply ko sa chat niya dahil bigla na siyang nag-offline. Nakaramdam naman ako ng mumunting guilt at lungkot dahil doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD