SUNSET Sinubukan ko muli siyang itulak pero bahagya lang siya umatras kaya nanatili pa rin siya sa harap ko habang nakatukod ang isang kamay sa pintuan. I was about to speak when my phone rang. It was Ate Mercy calling. Sinagot ko ang tawag habang patuloy ang pagtulak ko kay Ryker para lumayo ito sa akin. “Hello, Ate Mercy.” “Nandito ako sa unit mo. Ipapa-laundry ko ang mga damit mo.” “Po? Hayaan n'yo na po iyan dyan. Ako na po ang bahala maglaba.” “Masyado ka ng abala sa pag-aaral at trabaho mo, señorita. Hayaan mo naman na makapag-pahinga ka pagdating mo dito.” Hindi ko na nagawang sagutin ito ng napansin ko na kumilos si Ryker. Nang mag-angat ako ng mukha para sulyapan ito ay namilog ang mata ko dahil palapit ang mukha niya sa ‘kin. Sa gulat ko ay umigkas ang kamay ko at dumap

