
Nagsimula ang lahat sa napaka gandang bansa ng France nang madukot si Gabrielle Ellieson Armstrong Flores labing walong taong gulang mula sa mayamang angkan ng mga Armstrong at Flores sa London sa hindi malamang dahilan. May kulay tsokolateng buhok ng babae. May maliit na matangos na ilong, mahabang pilikmata, pantay na kilay, manipis na pink na labi, at hugis pusong muka. Muka itong Dyosa. Hindi niya kilala kung sino ang dumukot sakanya. Danielle Raphael Salvatore ang guwapong tagapagmana ng mga Airlines at iba pang business. Ito rin ang lider ng kilalang banda sa buong mundo--ang Dark Deimos Society. Siya ang nagpadukot sakanya dahil nagustuhan niya ito unang beses niya palang makita ang dalaga. Kilala siyang walang awa at babaero pero iba ang nararamdaman niya sa dalaga kahit anong gawin niyang pag iwas ay gusto niya talagang maangkin ito. Hanggang sa hindi na niya natiis ang kanyang pagkabaliw sa babae at ipinadukot ito sakanyang mga tauhan. Nang dalhin sakanya ng mga tauhan niya ay nagpakilala siya rito matapos niyang kunin ang pagkabirhen ng dalaga. Hindi naman iyon makalimutan ng dalaga dahil kahit na lumipas na ang ilang araw at buwan. Hindi niya matanggap na ibinigay niya rito ang kanyang puri at nagbunga pa iyon. They have a child. Nagalit naman ang pinsan ni Ellie na si Lance sa nangyari sa kanya. Kalaban ito ng banda nila Raphael. Kaya hindi magawang sabihin ni Ellie kung sino ang gumawa noon sakanya. Dahil alam niyang magkakagulo lamang ang dalawang magkabilang grupo. Magkalaban kasi ang dalawa pagdating sa Musika. Parehong sikat at kilala ng lahat. Alam ni Onyx ang nangyari sa kanya kahit na nagdadalang tao siya ay willing itong akuin ang bata. Pero hindi niya iyon tinanggap dahil ayaw niyang makasakit kahit na nagustuhan niya ito noon. Kahit galit siya kay Raphael ay hindi niya maikakaila na gusto niya itong nakikita kung kaya't andami niyang larawan ng lalaki sakanyang cellphone at kwarto. Akala ni Ellie ay gumanti lamang sakanya si Raphael dahil iniwanan ni Lance at Onyx si Raphael at sumali sa Light Hedone Society ang bandang kalaban ng kinabibilangan ni Raphael. Magkakaibigan sila noon nagbago iyon ng mang iwan ang dalawa. Akala ni Ellie ay kasintahan ni Raphael si Lucy McQuaid kaya nasasaktan siya. Nagdalang tao siya at inilihim iyon sa lalaki. Hanggang sa maipanganak niya si Dionysus Rage Flores ang anak nila ni Raphael. Hindi niya ipinagamit ang surname ng ama sakanyang anak. Lumipat sila sa London para doon palakihin ang kanyang anak. Nalaman ng pinsan niya kung sino ang gumalaw sakanya at ama ni Rage kaya sinugod niya si Raphael at binugbog. Hindi naman lumaban si Raphael. Inasar pa ni Raphael ang pinsan niya laya lalo itong nagalit. Hindi naman sinabi ni Lance na nabuntis ito. At kahit na gusto niya si Raphael ay pinili na niyang layuan ang lalaki dahil may kasintahan na ito. At nasasaktan siya sa mga nakikita at nababalitaan niya. Mabilis na lumaki naman ang kanilang anak at naging carbon copy ito ng kanyang ama. Pati mga hilig at gusto nitong gawin ay kapareho ng sakanyang ama. Nakahiligan rin nito ang pakikinig sa boses ng kanyang ama kahit hindi iyon sinasabi ni Ellie. Nanatiling lihim ang katauhan ng ama ng bata. Nang maglibot sila sa Camden Town mag ina ay doon naman nagkita ang mag ama. Ang bagay na kinatatakutang mangyari ni Ellie. Tinanong siya ng bata kung may ama siya. Hindi naman nakasagot si Ellie at nalungkot ang bata. Bigla nalang itong nawala kaya natataranta niya itong hinanap. Nakita niya itong karga ng lalaki. Tuwang tuwa naman ang bata ng makita ang idol niya. Narinig naman nila ang bulungan ng mga tao tungkol sa pagkakahawig ni Raphael at ni Rage. Kaya sinamaan ng tingin ni Raphael si Ellie. Tinanong siya nito kung anak niya ang bata. Tinawag naman siyang mama ni Rage. Doon narealize ni Raphael na kaya pala wala na ito sa France ay nasa London na ang babae at may anak na ito na kamuka niya. Nabalita rin iyon sa News TV kaya sobra ang kabang nararamdaman ni Ellie. Doon na nagsimula ang paglalapit ng mag ama. Hanggang sa ginawa ni Raphael lahat para sa anak at para makuha ang puso ng nanay ng anak niya. Hanggang sa maging sila.

