Khalila
Nakahalukipkip kong pinanood si Halley habang isinasara niya ang zipper ng maleta niya. Sayang at imbes na may ilang araw pa kami para magkasama, kailangan na niyang bumalik ng Texas dahil sa biglaang tawag ng kanilang superintendent.
Ayaw ko mang pumayag, ayaw ko ring ako pa ang maging hadlang sa mga pangarap niya. Halley is a big dreamer, probably because he's also pressured by what his father had achieved. Ganoon din naman ako kaya naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling.
Although our dads aren't putting pressure on our shoulders, Halley and I wanted to prove ourselves. Lalo na ako. I came from a family with five successful brothers, at kahit na sabihing wala namang kumpetisyon sa aming magkakapatid, I still want to leave my own mark.
Tumuwid ng tayo si Halley saka siya lumapit sa akin. "Pasensya ka na talaga. Kung sakaling makakuha akong leave, I'll fly to the Philippines just to make it up to you," aniya habang hawak ako sa aking magkabilang braso.
"It's alright. Magiging busy na rin naman ako sa mga susunod na araw. Hahanap lang ako ng bagong matutuluyan tapos aalis na rin ako rito."
Halley sighed. "I hope you won't get tired of our setup."
Hinagod ko ng aking palad ang kanyang dibdib. "I told you, it's okay. Naiintindihan ko ang sitwasyon."
Lumamlam ang mga mata ni Halley. "Paano kung nag-settle down na tayo at ganito pa rin. Will you. . . still manage to understand me?"
Hindi ko nagawang kumibo. Ewan ko ba kung bakit. Ayaw ko na pinakikialaman ako sa mga gusto kong marating at sinabi ko na rin sa sarili kong hindi lahat magiging katulad ng mama at daddy ko, pero bakit noong itinanong niya iyon, naisip ko ang mga magulang ko?
Maybe because deep down inside, I want to be with someone I can be with every single night. Iyong kahit gaano ako kapagod sa maghapon, mayroon akong mayayakap sa gabi at makakakwentuhan.
Halley's profession is kind of complicated. Taon palagi ang bibilangin bago ko siya makakasama sa maikling panahon. Paano kung dumating kami sa punto na hindi ko na kayanin? Will I find warmth on someone else?
Hinagod ni Halley ang aking mga braso kasabay ng paghugot niya ng malalim na hininga. "Kausap ko si Daddy kagabi. He knows we're together right now, and although he isn't against what we feel, what I feel, he's. . . worried about you."
Napakunot ako ng noo. "Me?"
Malungkot siyang tumango. "Nagpunta ka rito hindi lang dahil sa business trip. You went here because you cannot wait two years to be with me again. I appreciate the effort, baby, but Dad worries about our future. Paano kung mag-Mars mission ako gaya ng pangarap namin? Can you wait for me that long?"
Hindi ako makakibo. I thought I can always say I will always wait, but why am I doubting myself now? Hindi ko maintindihan, siguro ay dahil sa pagkakataong ito ay nakikita ko rin ang pangamba sa mga mata ni Halley.
"Lila, I have mad respect towards your parents, and I get daddy's point, too. He doesn't want you to compromise what you truly want just to keep me, at sa totoo lang. . . napaisip din ako ro'n."
Natigilan ako. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
Halley heaved another sigh. "Sa dalawang taon na hindi tayo magkikita, Lila, tapos ay hindi mo makaya o magmahal ka ng iba, sapat na iyon para malaman natin na. . . hindi tayo magtutugma dahil sa propesyon ko. I am hoping that we can surpass this test. Kaya natin, 'di ba? Kahit hindi naman tayo, kaya natin?"
Lumamlam ang mga mata ko. "And if we fall in love with someone else along the way?"
Halley forced a smile. "Then I'll respect your decision, but you have to promise me that you will only choose someone you know can surpass the love I have for you."
"You are making me look for something impossible."
"Exactly." Pinatakan niya ng halik ang aking noo saka niya inilagay ang mga palad ko sa kanyang batok. "No more pressure. I hope two years will be enough for you to decide if you really want to settle down with an astronaut, because once we officially become together, all I could take you in space is my love for you."
Humugot ako ng malalim na hininga't niyakap siya. Two years. We have two years to know if we truly want a future together. May nararamdaman ako para kay Halley, pero parang masyado pa iyong mababaw para tawaging pagmamahal.
Maybe because I grew up knowing what unconditional love means. Iyong klase ng pag-ibig na hindi naluluma ng panahon. Pag-ibig na hindi napapawi sa kabila ng kawalan ng pagkakataong makasama ang isa't isa.
My parents are living proofs of how beautiful and traumatizing love can be, and honestly, I don't really know if I am as tough as them to deserve what they have.
His phone buzzed. Dinukot niya iyon sa bulsa at tiningnan. "My Uber is here. I-update mo ako kapag nakalipat ka na ng hotel."
I nodded. Hindi pa ako makasabay ngayon dahil may Zoom meeting ako within fifteen minutes. Kung wala lang ay hindi talaga ako magpapaiwan dahil siguradong magtatalo na naman kami ni Kalyl.
Speaking of Kalyl, he's been out of my sight since last night. Hindi rin nakasabay ng kain sa amin at halos hindi ko napansing lumabas ng kwarto niya. Wala naman sana akong pakialam, pero gusto kong kunin ang Wifi password niya para sa Zoom call ko.
Noong mga nakaraan ay hindi ko kailangan ng internet connection dahil gusto ko rin munang mag-focus kay Halley, kaya lang ay ngayon kailangan ko na para sa meeting ko.
Hinintay kong makaalis si Halley bago ako nagtungo sa kwarto ni Kalyl. I knocked on his door and called for him, telling him I need the WiFi password but Kalyl didn't answer. Akala ko ay ayaw lamang sumagot dahil galit pa sa akin, ngunit nang akmang aalis na ako ay nakarinig ako ng pagbagsak ng kung anong babasagin sa sahig.
"Kalyl?" I called before I tried to turn the knob.
Dahan-dahan kong itinulak ang pinto, at nang makita ko siya sa kanyang kama na balot na balot ng kumot habang ang isang kamay ay pilit inaabot ang tila lagayan ng gamot, nakalimutan ko bigla ang inis ko sa kanya.
"Diyos ko, anong nangyari sa'yo?" I asked the moment I got next to his bed. Hinawakan ko ang kanyang noo. "Ang taas ng lagnat mo!"
Kalyl swallowed. "Just pass me my meds," he said.
Ibinigay ko ang inaabot niyang lagayan ng gamot saka ako kumuha ng bagong baso para sa inumin. Nang makainom siya ng gamot ay kumuha ako ng bimpo para punasan siya, ngunit nang makabalik ako sa kanyang tabi ay napansin kong napatitig siya sa akin.
"Bakit mo ko tinitingnan ng ganyan? Hindi naman kita papatayin gamit ang bimpo."
Kalyl drew in a sharp breath before he looked away. "I'm sick because of what happened so you owe me."
Tumaas ang kilay ko, ngunit nang mapagtanto kong tama nga naman siya ay pinilit kong ibaba ang pride ko. "Fine. What do you want me to do, Senyorito?"
Kalyl curled in his bed and drew in a sharp breath. "Ipagluto mo ko ng lugaw. Gusto ko ng lugaw."
I rolled my eyes. "What else, hmm?"
Pumikit siya at mas lalong niyakap ang sarili, halatang nilalamig dala ng taas ng kanyang lagnat.
"Be my subject once I get better. . . "