bc

Love Through Pages

book_age12+
414
FOLLOW
1.8K
READ
opposites attract
independent
self-improved
confident
sweet
straight
office/work place
coming of age
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

Ang isang Emma Gutierez ay hindi Naniniwala sa happy ever after dahil sa nangyari sa mga magulang niya.

Ngunit naiba ito nang makilala niya si Alton Gomez o mas kilala bilang Al_Gomez sa Dreame.

Tuluyan kayang mababago ng mga storya ni Alton ang pananaw ni Emma tungkol sa pag-ibig?

O siya mismo ang magbabago nito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“State your name, age and your reason why did you choose our company,” ani ng nag-interview sa akin matapos kong ibigay ang resume rito. Tinitigan ko iyong resume pero masama siyang tumingin sa akin nang hindi ako sumagot agad.  “Um, Emma, Emma Guteirrez, 23 yrs. old and I chose this company because I want to start in a small but reliable publishing house like yours,” sunod-sunod na tugon ko. Huminga pa ako ng malalim matapos magsalita at pinagmasadan ko ang nag-iinterview na punta sa head ng department at nagtagal doon sa loob ng limang minuto. Sa mga oras na iyon ay nalibang ako sa pagtingin-tingin sa paligid ng opisina. Napaka-organize tignan ng paligid kahit na medyo maliit ang espasyo nito. Sa aking palagay ay mayroon lamang humigit-kumulang sampung cubicle ang narito, mayroon ding tatlong printing machine sa isang gilid na may kasamang isang bundok ng iba’t-ibang uri ng papel. “Miss Emma.” Natigil ako sa pagmamasid nang bumalik iyong nag-iinterview.  “Yes po?”  May inabot itong calling card. “We will call you for further notice.”  Matapos no’n ay nagpaalam na akong uuwi. Habang naglalakad ako pauwi ay naparaan ako sa isang maliit na bookstore, sa sobrang liit ng puwesto nito ay hindi mo ito mapapansin sa unang tingin ngunit sa pagkakataong ito ay maagaw nito ang atensyon ng kahit sino dahil sa haba ng pila roon. Dahil sa curiousity ay lumapit ako sa isang nakapila. “Miss.” Hindi niya ako pinansin. “Miss!”  “Ay! Bakit po?”  “Anong meron?” turo ko sa napakahabang pila. “Ah, hindi niyo po alam?” takang tanong nito. Agad naman akong umiling kaya lalo siyang nagtaka. “Si Al po! Nandyan sa loob!” Huh? Sinong Al? “Ah, sige salamat.”  “Hindi ka pipila?” Aalis na sana ako nang bigla akong tinanong no’ng babae. Inosente akong umiling dito at bigla siyang sumimangot kaya nagtaka ako. “Tama na yan Melissa, hindi naman lahat fan ni Al tsaka kung hindi pa siya nakakabasa ng kahit anong kuwento ni Al, eh kawawa siya,” singit nung nasa likod nito. Hindi ko na sana siya papansinin kaso bigla siyang umirap kaya namilog ang mga mata ko. “Hey there!” “Al! OMG ikaw talaga yan!” hiyaw no’ng Melissa kuno. Pumalibot agad ang mga babaeng nakapila rito at agad din akong nataboy palabas ng side walk at muntik-muntikan pa akong mabundol ng kotse! Simanaan ko ng tingin yung mga babae kanina na nakatingin din sa akin dahil sa lakas ng busina no’ng humaharurot na sasakyan. Lahat sila ay nakasimangot sa akin pero yung lalaking kakarating lang ay iba ang tingin. Nakakasama talaga ang masyadong paghanga, muntik na akong masagasaan! Napailing na lang ako at tumuloy na sa pag-uwi. Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko ang kapatid kong nakatutok na naman sa laptop niya.  Bago pa man ako nakalapit dito ay mabilis na tinanggal ni Mama ang headphones nito. “Kanina pa kita tinatawag, nabibingi ka na dahil dito!”  Pabalik na si Mama sa kusina nang Makita ako. “Oh, nandyan ka na pala.” Lumapit siya sa akin at kinuha ang bag ko. “Umupo ka muna doon sa sala at ipapaghain kita ng tanghalian, mamaya ka na magbihis at mukhang naglakad ka na naman pauwi.” Natikom ko ang labi ko nang mapuna iyon ni Mama. Sinunod ko si Mama at nagpahinga saglit habang pinapainit ni Mama iyong sinigang na buto-buto. Habang nag-iiscroll sa sss ay napukaw ng atensyon ko ang isang post. “Sana talaga magkaroon ng collab ang ILY at si Al!” Iyan ang caption ng post at kasama nito ang isang picture ng pinagsama-samang libro ng ILY publishing house at ang isa naman ay litrato no’ng lalaki kanina. Nakasuot ito ng plain white shirt nasakto lang para sa kanya at mayroong hawak nacellphone sa kanang kamay. Ang lakas din pala ng dating ng lalaking to. Nasobrahan lang ang fans. “Anak, kain na,” aya ni Mama nang makalabas siya ng kusina. Dederetso na sana siya sa kapatid ko ngunit pinigilan ko siya. “Ma, ako na po.” Lumapit ako sa kapatid ko habang pinagmamasdan ang mukha niya. Ano na naman kayang ginagawa nito at halos mangiyak-ngiyak. “Rain, sabayan mo na akong kumain,” sabi ko nang tuluyan akong makalapit. Pinagmasdan ko pa ang ginagawa niya at nakita kong nababasa siya ng isang post sa f******k. Anong nakakaiyak dyan? Ilang saglit pa ako naghintay sa kanya ngunit hindi pa rin siya tumatalima. “Rain.” Napabaling siya sa akin nang muli kong siyang tawagin. “Susunod na ako ate, tapusin ko lang po to.” Hindi pa siya nangangalahati sa sinasabi ay muli na nitong binalik ang atensyon sa laptop. Bumuntong-hininga na lang ako at pumunta sa kusina. Nakapaghain na ako lahat-lahat at nakasandok na rin ng sariling kanin ngunit hindi pa rin sumusunod dito si Rain.  “Rain!” sigaw ko mula sa kusina. “Opo!” “Bakit ang tagal mo?” masungit na tanong ko rito nang makarating sa kusina. “Kasi ate...” “Kasi?”  “Ah, wala po. Kain na po tayo,” kamot-ulong tugon niya. “Pagkatapos kumain, umakyat ka sa kuwarto at hanapin mo yung hindi mo natapos kahapon,” dagdag ko bago magsimulang kumain. Lumamya naman agad ang mukha niya ngunit nang tinitigan ko siya ay nagbago agad ang timpla nito. Nanging mabilis ang pagkain namin kaya agad akong nagbihis ay tinulungan si Mama na magsampay ng mga bagong labang damit. “Ma, akyat na po ako ah,” paalam ko kay Mama nang matapos ako sa parte ko. Nang makapasok ako nang kuwarto ay nadatnan ko si Rain na nakatutok sa laptop ko. Hindi pa rin ba siya tapos? “Ano na Rain? No’ng isang araw pa yan ah,” sabi ko nang tuluyan akong makalapit sa kanya. “Wait lang ate! Hindi pa nga ako nagsisimula eh,” reklamo nito. “Anong? Kanina ka pa pumanik ah! Natapos na kami ni Mama lahat-lahat sa labada hindi ka pa rin nagsisimula?” iretableng tanong ko “Eh, kasi naman ate, ang boring-boring nito,” turo niya doon sa manuscript. “Mas ok pa sa akin mga storya ni Al pagpraktisan ko.” Tumayo siya at akmang lalabas ng kuwarto kaya pinigilan ko agad ito. “Rainalyn, pano ka matuto kung yung sa mga bihasang writers din ang ieedit mo? Sige nga? Hindi sisikat ang mga iyon kung puro mali ang manuscript nila. Kaya wala ka nang maeedit kung ‘yon ang pagpapraktisan mo,” pangaral ko rito. “Ate naman...”  “Ang sabi mo sa akin ay gusto mo ding maging editor hindi ba?”  “Opo,” maikling sagot nito. “‘Yon naman pala eh, kailangan mong masanay mag-edit ng mga ganyang storya.” Bumagsak ang balikat niya at napilitang maupo muli sa computer chair ko. Simula no’n hanggang sa matapos ang ineedit niya ay binantayan ko lang siya at tinulungan sa mga bagay na hindi niya maintindihan hanggang sa... “Hala ate! Omg! May update si Al!” biglang hiyaw nito. Para bang nakalimutan na niyang narito siya sa kuwarto ko at may ginagawa pa kami. “Rain...” “Ate wait lang! Five minutes!” hirit niya. “Sige, limang minuto.” Excited siyang umupo sa kama ko at naglagay pa ng unan sa ibabaw ng mga hita niya.  Naghintay ako ng limang minuto ngunit kada tawag ko sa kanya ay nagmamaktol siya kaya naman pinagbibigyan ko ngunit nakaka 30 minutos na siyang nakatutok sa cellphone niy at hindi pa siya tapos. “Ano ba yan Rain? Kanina pa tapos ‘yong limang minuto!”suway ko dito. “Wait lang ate! Ang haba ng update!”  Bumuntong-hininga pa ako bago siya lapitan. “Ano ba ate?!” bulyaw niya nang s*******n kong kunin ang cellphone niya at pinatay ito. “Kanina pa kita hinihintay,” kalmadong tugon ko. “Ate naman! Kanina pa ako tapos sa pinapaedit mo!”  Napasimangot ako nang bigla siyang nagtaas ng boses. “Ano?” maawtoridad na ani ko. Napatikom naman agad siya ng bibig nang marealize ang ginawa. “Tigil-tigilan mo ako sa kakaganyan mo Rainalyn ah.” Inis kong nilapag ang cellphone niya sa kama.  “Oo, tapos ka na sa pinapagawa ko pero hindi pa ako tapos magsalita nang bigla kang maghihiyaw dyan,” inis na dagdag ko.  “Ate...” “Kung gusto mong matapos yang pinaggagagawa mo, patapusin mo muna ako sa sinasabi ko kung hindi, ako mismo ang kakausap kay Mama na kumpiskahin lahat ng gadget mo.” Kinuha ko ang cellphone niya at iniabot iyon sa kanya. Tinanggap naman niya agad iyon ngunit  nakayuko na siya at hindi na kumikibo.  Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at muling binasa lahat ng inedit niya sa laptop ko. Agad ko naman sinave iyon at bumaba na para tulungan si Mama na magluto at maghain ng hapunan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.7K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
309.4K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.3K
bc

Reckless Hearts

read
256.7K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.8K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
198.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook