CHAPTER 1
Athena
"Athena sorry.. magpapaliwanag ako sa'yo. d-diko sinasadya na saktan kita."- pagkasabi niya sa akin non ay isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa kanyang pisngi .
Ginawa ko yon dahil sa narinig ko. .
"Explain for what huh?."-sabi ko sa kanya.
"Tapos ngayon humihingi ka ng sorry sa akin ha, 'yun lang ba ang sasabihin mo sa aken pagkatapos mo akong lokohin."-dugtong ko. di'ko maiwasan na di tumulo luha ko.
"Sorry Athena!"-sabi niya.
Grabe ang nararamdaman kong galit sa kanya ngayon.
"Five years tayong magkasama Merk. sa lahat ng bagay,lakad at kasiyahan walang kwenta lang ba sa'yo yun kaya pinalitan mo ko.? minahal mo ba talaga ako ha Merk?."- tanong ko sa kanya habang patuloy akong umiiyak sa harapan niya.
"oo minahal kita pero ...."- bigla siyang napayuko .Di niya maituloy ang kanyang sasabihin
"P-pero ano ha .. ano?. sumagot ka."- pasigaw kong tanong sa kanya habang nakatingin lang ako sa kanya. Matagal bago siya nakasagot.
"oo m-minahal kita ng limang taon pero .. hindi mo naibigay ang mga pangangailangan ko bilang isang lalake."- sagot niya pagkatapos tumingin siya sa aken na may halong lungkot sa kanyang mga mata .
"Y-yon lang ba ang dahilan mo kaya naghanap ka ng iba para lang mailabas mo yang nararamdaman mong init sa katawan!?.. dahil ba diko kayang ibigay sa'yo ang kailangan mo at hinanap mo sa iba ang pagkukulang ko?! Ganun kana ba kadesperado at pumatol ka sa iba ha."-sigaw ko sa kanya habang lumuluha ako sa harapan niya na halos diko na kayang itago ang sakit na nararamdaman ko.
Oo sa tagal namin mag jowa diko pa rin naibibigay sa kanya ang iningat-ingatan ko,dahil gusto ko muna maiharap ako sa Altar ng malinis .. Yes virgin pa ako.
"s-sorry Athena kung naging marupok ako.Hinanap ko sa iba ang pagkukulang mo na hindi mo kayang ibigay sa aken dahil sa ....."- malumanay niyang sabi. Diko na siya pinatapos magsalita .
Di'ko na narinig ang kanyang huling sinabi dahil sa bigla kong pag-alis sa kanyang harapan . Tinatawag niya ako pero di ko na nilingon pa .
Umiiyak ako habang naglalakad sa gitna ng daan di alintana ang mga sasakyan na dumadaan.
Sa di inaasahan na pangyayare mukhang nakikisama sa akin ang madilim na kalangitan. ilang sandali pa bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.
Nakisabay na rin ako sa buhos ng ulan habang ako'y umiiyak.
Tumingin ako sa kalangitan habang ang mukha ko'y napapatakan ng ulan. inilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa taong binigyan ko ng halaga at pagmamahal. Yun pala siya rin ang magiging dahilan ng ikasasakit ng puso ko.
Pinagpalit niya ako sa iba para lang sa kasiyahan niya at sa kagustuhan niyang mailabas ang tinatagong libog sa katawan
Almost 5years kaming mag boyfriend/girlfriend. pero ni minsan hindi ko binigay sa kanya ang p********e ko .. Kahit alam kong gustong-gusto niya na ako galawin ..
Sa tagal kong paglalakad sa gitna ng ulan ay diko alintana ang sakit na nararamdaman ko . basta alam ko lang sarili ko na tapos na lahat sa pagitan naming dalawa.
Sa di inaasahan bigla na lang ako natumba. Nakita ko na lang ung heels ko,sira na pala ito . ikaw ba naman lumakad ng naka high heels at malayo eh tignan ko lang kung di masira..
"baket ngayon pa!!"- sigaw ko.
Tatayo na sana ako kaso di ako makatayo dahil sa pagkakatumba ko .. tinignan ko ang aking mga paa, puro paltos .
Ngayon nag aantay ako ng pwedeng makatulong sa aken habang nakasalampak sa gitna ng daan.
Tumagal ng ilang minuto wala pa ring dumaraan na tao o kahit na mga sasakyan .
Di'ko na kaya sa ganong pwesto ko, sumasakit na rin buong katawan ko dahil sa lamig na nararamdaman ko . Lumalabo na ang aking mga paningin.Anumang oras babagsak na ako.
May naaaninag akong ilaw ng sasakyan papalapit sa akin.
"salamat naman may tutulong na sa akin."- mahinang sabi ko. pagka bigkas ko bigla na lang ako bumagsak.
[ May humintong sasakyan sa kanyang tapat.Lumapit ito sa kanya para tulungan siya.Pinipilit niya itong ginigising,pero ayaw magising.
Binuhat niya ito at dinala sa kanyang sasakyan. Inihiga niya ito sa passenger seat.
Saka siya sumakay sa kanyang sasakyan. Mataman niya ito tinitigan at napangisi.
At pinaandar na niya ang kanyang sasakyan.]