CHAPTER 2

882 Words
IVO Papunta ako ngayon sa isang Hotel kung saan tutuloy ako ng isang gabi lang .sakay ako ng magarang kotse para makapag pahinga dahil sa byahe. Kanina pa kasi ako nagmamaneho.Sabayan pa ng pagod at malakas na ulan. Bigla na lang ako napahinto sa gitna ng daan .Di ko maaninag kung ano ang na sa tapat ng sasakyan ko. "Isang babae na natutulog sa gitna ng kalsada.?"- sabi ko. Lumabas ako ng kotse para tulungan siya kahit malakas ang ulan. Pati tuloy ako ay nabasa na. Inisip ko baka nakainom lang at nalasing at dito naisipan matulog sa gitna ng daan. Ginigising ko siya kaso ayaw niya talagang magising. Mukhang hindi niya ako naririnig. Kaya no choice ako.tinulungan ko na lang siya. baka kung mapaano pa siya kung iiwanan ko lang siya sa daan . Makonsensya pa ko. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko at doon ko siya nilagay sa may passenger seat . Pagkatapos sumakay na rin ako .Bago ko paandarin ang sasakyan, tinignan ko muna siya. Napaka himbing ng tulog niya . Sinimulan ko nang paandarin ang sasakyan at nagmaneho na ko . After ten minutes nakarating na rin kami ng hotel.Wala pa ring malay ang dalaga . Binuhat ko siya na parang bagong kasal. Dumiretso na kami sa elevator kung saan nasa 9th floor pa ang aking magiging kwarto .. Oo bitbit ko pa siya,isasama ko siya sa aking kwarto . Diko kasi alam kung saan ko siya pwedeng ihatid . kaya isinama ko na lang . Nakarating na kami sa 9th floor. Binuksan ko ang pinto. Dali-dali ko siyang dinala sa kwarto at inihiga ko siya sa kama .Pumunta ako sa may tapat ng cabinet para maghanap ng pamalit .. Mga t-shirt lang na malalaki ang nandoon . Kinuha ko na lang yon dahil wala namang iba. Habang pinupunasan ko ang kanyang mukha,di'ko mapigilan ang titigan siya. Maamo ang mukha, maganda . Napadapo ang tingin ko sa kanyang mga mata. "Mukhang kakatapos lang niyang umiyak."-sabi ko sa sarili ko.maga ang kanyang mga mata sa kakaiyak. Napaisip tuloy ako kung ano ang nangyare sa kanya . Pagkatapos kong mapunasan buo niyang katawan .Pinalitan ko na rin siya ng damit.. Oo, nakita ko ang kabuuan niya .Napangiti naman ako. Sanay ako makakita ng katawan . Dahil may pagka playboy ako. Lahat nakukuha ko. Lahat ng matipuhan kong babae nakukuha ko pero panandalian lang yon. Pag nailabas ko na lahat ng init ng katawan ko, saka ko iniiwanan pag nakatulog na. Ayokong mabungaran nila ako pag gising . Tulog pa rin siya. Ako naman ang nagpalit ng damit. Sa sala ako natulog baka kase magising siya na katabi niya ko. HAHAHA baka ma-rape pa niya ko. Nakatulog rin sa wakas. Nagising ako ng 6am .Tumayo ako at nag shower muna ko then nagbihis .Pumunta ako sa kwarto. tulog pa rin siya . Nakita ko ang kagandahan niya habang natutulog pa siya. mala anghel ang mukha. Sa klase ng mga babae, parang siya ung di mo kayang saktan. Napangiti naman ako. Kinuha ko yung phone ko sa aking bulsa. Pinicturan ko siya ng isang beses. pagkatapos lumabas na rin ako ng kwarto. Palabas na ako ng pinto ng nakakita ako ng isang sticky note.Naisip kong sulatan yon .. Dinikit ko yon sa lamesa. Then umalis na ko. Need kong umalis ng maaga dahil may mga importanteng meeting pa ko. Takot pa naman akong mapagalitan ng Daddy ko . ***** Athena Nagising ako dahil sa sikat ng araw. dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.. Nagulat ako sa mga nakita ko. "Nasaan ako.?"- pagkabigkas ko tumayo na ako,tinignan ko ang buong paligid. Pumunta ako sa malaking bintana,hinawi ko ang kurtina. bumungad sa aken ang malawak na lugar kung saan maraming building nagsisitaasan. Nagtaka ako at napaisip kung nasan talaga ako . Lumapit ako sa malaking salamin na nasa tapat ng kama. Napansin kong iba yata ang suot ko. Nagulat ako. "Sinong nagdala sa akin dito? bakit ganito ang suot ko?"- pagkasabi ko lumabas ako ng kwarto .hinanap ko kung sino ang tumulong sa akin,pero di ko na siya nakita. Natatandaan ko lang ay sinaktan ako ng taong pinakamamahal ko at nag walk out ako. Naiiyak na naman ako pag na iisip ko yon. Natatandaan ko rin na nawalan ako ng malay sa gitna ng kalsada. At may tumulong sa aken. Pumunta ako sa c.r para maligo. After 10minutes tapos na ko maligo nagmamadali na ko lumabas ng banyo nang bigla kong nakita yung dress ko na nakasampay .malinis ito at tuyo . Napangiti ako ng makita ko ito. Sinuot ko ulit ang dress ko. pagtapos hinanap ko heels ko kaso di ko na makita,baka naiwan ko yon sa gitna ng daan. Hinubad ko kasi yon. Palabas na ako ng pinto ng makita ko ang isang sulat sa ibabaw ng lamesa kinuha ko yon at binasa. "Next time wag kang matulog sa gitna ng daan. Maganda at Sexy kapa naman :) 'I hope na makita ulit kita:) Take care!"- Yan ang nakasulat .. Napaisip tuloy na naman ako kung sino yung tumulong sa aken. So nakita niya pala akong naka hubad ?!. OMG !! nagulat ako bigla. Ang iniingat-ingatan kong katawan ay nakita ng isang tao na diko kilala. Pagkabasa ko lumabas na ako ng pinto at dumiretso ng umuwi.. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD