CHAPTER 3

954 Words
Athena Nakauwi na rin ako sa wakas. Nagbihis na ako at nahiga . Iniisip ko pa rin yung nangyare sa amin ni Merk . Baket ganon? sa tagal naming magkasama baket niya ko pinag palit sa iba.Tumulo luha ko,diko mapigilan ang pag agos ng mga luha ko. Salamat na lang at di ko pa rin naibibigay ang p********e ko kung nagkataon wala ng natira sa akin. Kinuha ko yung phone ko na nasa tabi ko. Tinawagan ko yung nag-iisang kaibigan ko. Si Mara. matagal bago niya nasagot. Matagal ko na siyang kaibigan kaso nasa probinsya siya. "Hello beshie !!"-sabi ko. "Hello din beshie!"- sabi naman ni mara. "May sasabihin ako sa'yo!"-ako. Napaiyak na ko nung sabihin ko sa kanya ang buong nangyare sa amin ni Merk. Nilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa kaibigan ko,dahil bukod tangi lang siya ang nakikinig sa akin.wala naman akong ibang mapagsabihan. wala na rin akong pamilya. Lumaki akong ng mag isa lang.. Diko alam kung nasaan ang mga magulang ko.Sinabi lang sa aken ang isa kong kamag anak na patay na sila. namatay sila sa isang aksidente. "okay lang yan beshie, darating din yung taong magmamahal sayo ng totoo."-sabi ni mara. "sana nga."- maikling sagot ko. Naikwento ko rin kay mara tungkol sa taong tumulong sa aken na di ko man lang nakilala at din rin man lang ako nakapag pasalamat. "Baka beshie siya na yung The One mo!."-Sabi ni Mara na tuwang-tuwa. "Di'ko nga alam kung lalake ba un o babae eh! kase pag-gising ko wala na siya."- sagot ko sa kanya. "Malay mo lalake pala yon . 'tapos siya na pala ung tinadhana sa'yo."- mara. "Hay nakuu beshie, tigilan mo na nga ko.Sige na mamaya na lang at baka may work kapa."- sabi ko. "okay sige! bye!!" pagkasabi non .binaba ko na yung phone. Naglinis ako ng bahay inabala ko ang aking sarili para di ko maisip ang mga nangyare saken kahapon. Hapon na ko nakatapos sa aking mga gawain. Nagpahinga na rin ako. Araw-araw lagi kong naiisip ang mga nangyare kahit sa pagtulog ko siya pa rin ang nasa isip ko .Hanggang sa panaginip ko siya pa rin . Lungkot at sakit ang nararamdaman ko. After two weeks napag desisyunan ko ng pumasok sa aking trabaho. Mahaba-haba na rin ang pag leave ko . Baka pagpasok ko puro sermon ang aabutin ko .haaayyy!! ***** Kinabukasan Pumasok na ako sa work. wala namang pinagbago .Yon pa rin naman. Umupo na ako sa aking desk.Nakita ko sa ibabaw ng lamesa,tambak na pala ako ng mga files. Napa-buntong hininga na lang ako . Ano pa ba magagawa ko, syempre gagawin ko. May lumapit sa aken na ka workmate ko.. "Athena, After Lunch may meeting tayo ah, 1pm okay!."- sabi niya habang naka-ngiti. "okay Chelsea."- sabi ko naman sa kanya. At umalis na siya. Lunch Break Kumain akong mag-isa sa canteen . Madalang ko kase makasabay kumain ang mga ka work ko.. Mas nauuna kase sila kumain kesa sa aken. Umorder na ko ng kakainin ko then deretso upo na . Kumain na ko. Pagkatapos kong kumain dumiretso na ako sa meeting place . Five minutes bago mag start. So lahat kami andito na .kanya-kanyang usapan sila .May tumapik sa akin. Si Ella isa ko ding ka workmate . "Alam mo ba kung bakit tayo pinatawag?"- ella "H-hindi, baket? About saan ba ang meeting?"- tanong ko. "May papalit na raw kay Mr.Marquez!"-sabi niya ng pabulong. "Bagong Boss!?"- tanong ko ulit. "Oo, kaso mukhang istrikto. Gwapo nga raw eh kaso may pagka libog."- marites din pala tong si Ella "Ah okay."- maikling sagot ko. Biglang bumukas ang pinto.Iniluwa niya ito ang isang matangkad at matipunong lalake. Baka siguro ito na yung bagong boss namin sabi ko sa sarili ko. Pumunta ito sa harap at nagsalita. "Good Afternoon Everyone! from now on ako na ang magiging New Boss niyo dito sa company."- sabi niya na may baretonong boses. Akala mo galit. " I'm Primitivo San Miguel. The only one son of Rafael and Bella San Miguel."- sigaw niya. Eh ano naman . Tinatanong ba namin. "Sa isang company, may rules akong pinapatupad."- tumingin ulit siya sa amin. "First, lahat ng pinapagawa kong mga files be sure na completed and walang kulang. Exact due date at maayos kapag pinasa sa akin.Second ayokong nakakarinig ng mga reklamo about dito sa company. And last ayoko ng bobo at tanga dito sa kompanya ko! It's that clear!?"-sabi niya pagka haba-haba. magsasalita na nga lang galit pa. "YES SIR SAN MIGUEL!!"- sigaw nilang lahat. pero dina ko sumabay sa pagsasalita. Natapos na rin sa wakas ang meeting. Siguro isang oras din ang naubos namin sa meeting. Nakakaboring .Palabas na ko ng room ng may tumawag sa likod ko. "Athena Sanchez!"-sigaw na nasa likod. Humarap ako at nakita ko si Sir San Miguel na lumalapit sa kinaroroonan ko. "Yes po Sir?"- tanong ko .nakalapit na siya sa tapat ko. Binaba niya ang kanyang mukha sa tapat ng mukha ko para pumantay siya sa height ko. Napaka lapit niya sa akin at naiilang akong titigan siya. "Wala kapa rin pinagbago,Since nung huli kitang nakita. .maganda at sexy kapa rin."-sabi niya sa akin. napaka bango ng hininga niya. "H-huh.? B-baka po nagkakamali lang po kayo sir . First time ko lang po kayo nakita."-sabi ko sa kanya. Kahit kelan ni anino niya nga eh diko pa nakita yan . "Okay sabi mo eh."- pagkasabi niyang yon bigla niya na lang kinurot pisngi ko at tsaka umalis. naiwan akong mag-isa na may halong pagtataka. "Baliw ba yon? 'sa tanang buhay ko ngayon ko lang siya nakita eh."-nasabi ko na lang sa sarili ko. [ Di alam ni Athena na ang kanyang bagong Boss ay siyang tumulong sa kanya.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD