IVO
Bumaba na ako ng sasakyan, iniwan ko lang yung sasakyan ko sa tapat ng entrance. Pina-assist ko na lang sa guard.
Pumasok na ako then tumuloy na sa elevator. Lahat ng nasa loob ng elevator mga nakatingin sa akin.
Alam kong gwapo ako. Kaya wag nila akong titigan na parang lalamunin ako.
Bumukas na yung elevator. Dumiretso na ako sa may meeting place . Lahat sila mga nakatingin sa akin mapa babae man o lalake.. Well ganon talaga.
Pagpasok ko sa room andoon na silang lahat. Pumunta ako sa harap para mag introduce ng aking sarili.
Napukaw ang tingin ko sa isang babae na nakaupo sa may gilid ko. Nakatingin lang sa may pwesto ko.
Natandaan ko siya. Siya yung babaeng natutulog sa gitna ng daan . Maganda pa rin siya at sexy. Lalo pa siyang gumanda ngayon.
Sinimulan ko na ang meeting. Di mapakali ang aking mga mata na di siya titigan .
Pero ba't ganon na lang yung nararamdaman ko sa kanya. Iba to sa ibang mga babaeng nakakasama ko.
Isang oras mahigit bago ko tinapos ang meeting.
Nagsilabasan na sila. Naiwan siyang mag-isa . Tinawag ko siya sa pangalan niya.Lumingon siya.
Siguro nagtatanong yang isip mo kung paano ko nalaman? .well ganito kase yon. Tinignan ko lahat ng profile nila bago ako magsimula sa work.
Lilingon pa lang siya lumapit na ko sa kanya. Tinitigan ko siya ng malapitan. .Ganda ng mga mata niya kaso bakit ang nakikita ko sa kanyang mga mata ay kalungkutan..
Nginitian ko siya bago magsalita.Pagkatapos kong magsalita ,kinurot ko pisngi niya at umalis na sa harap niya.
*****
Lumipas ang ilang araw na lagi silang nagkikitang dalawa sa trabaho. Si Ivo na laging mainit ang ulo. kapag nakikita niya si Athena nagiging mala-anghel ang kanyang mukha .. Si Athena naman ay wala namang pakialam sa ginagawang pagtingin sa kanya ni Ivo. pasulyap-sulyap lang ito sa kanya,na akala mo mangangain ng tao.
Oras na ng uwian ..
Nag-aantay si Athena ng sasakyan para makauwi na . Nang may biglang may pumarada sa tapat niya ng sasakyan. Bumaba ang bintana nito.
"Sakay na,hatid na kita sa inyo."- boss ko pala na nasa harap ko ngaun.
"No thanks na lang sir."-sabi ko.
"Sige na.hatid na kita."-nagpa cute pa to.
"Ayoko nga po eh, salamat na lang po sa alok niyo"- sabi ko ulit. .talagang napaka kulet naman.
Bigla siyang bumaba at pumunta sa kinaroroonan ko.
"Ihahatid kana nga eh ayaw mo pa."- pag maktol niyang sabi.
"Ang kulit mo rin sir eh no! Sinabi ko na nga po na hindi po ako sasabay sa inyo!"- pagmamatigas ko.
"I'm your boss! Kaya lahat ng utos ko sundin mo .understand?!"- tumingin siya sa aken habang naka ngisi.
"Ayoko po sir!"- pagmamatigas ko ulit.
Pinagbuksan niya ako ng pinto, pinapapasok niya ko sa loob ng sasakyan .
"PLEASE!"- nagulat ako sa sinabi niya. Mga mata niya parang nagpapahiwatig na sumakay na ko.
"Hay, Sige na nga po!"- yun na lang pagkasabi ko.
Baket ganun? baket nadadala ako sa mga mata niya. Anong meron sa kanya .
"Thank you!"- nagpasalamat siya sa aken.
"Para saan?"- tanong ko.
"Sa pagsabay mo sa aken pag-uwi."- Ivo
"Ahh okay lang po yun sir."- sabi ko ulit.
"Don't call me sir or boss kapag tayong dalawa lang."- sabi ni Ivo
"Ha? Di naman po pwede yun . Boss kita no,baka kung anong sabihin pa ng iba pag narinig nila na tinatawag lang kita sa pangalan mo."- sabi ko sa kanya.
"Just call me Ivo pag tayong dalawa lang. okay!"- nakangiting humarap sa akin.
Thirty minutes bago kami nakarating sa apartment ko .
Bago ako bumaba nagpasalamat ako kay Ivo.
"Thank you sir.. ayyy Ivo nga pala!"-sabi ko na naka ngiti.
"Ingat ka ha."-sabi niya sa akin sabay kindat.
At hinarurot niya na ang sasakyan.
Napaka concern niya naman sa aken, siguro may gusto siya sa aken, napaisip tuloy ako ..
Pagpasok ko ng pinto deretso kwarto na ko at umupo sa aking kama. Nagpahinga muna ko and then dumeretso na ko sa banyo at naglinis ng aking katawan..
Pagtapos humiga na ako.napagod ako sa buong maghapon. Nakatulog na pala ako.
*****
Pagkahatid ko kay Athena deretso na ako sa aking condo. Halos trabaho at bahay lang ang nagiging hobby ko ngayon.
Nakakapagod ang maghapong trabaho. Pero okay lang dahil nawawala naman ang pagod ko kapag nakikita ko ang picture niya sa aking phone.
Oo siya ang naka wallpaper sa phone ko. Pinicturan ko siya habang natutulog. ito yung time na nakita ko siya sa gitna ng daan. Ang ganda niya talaga.
Di'ko namalayan nakatulog na pala ako sa kakaisip sa kanya.