CHAPTER 5

963 Words
ATHENA Panibagong araw na naman. Maaga ako nagising. Naligo na at nagbihis. Tinignan ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto,nagulat ako. Nakita ko si Ivo na nakaupo sa may sofa. "P-paano ka nakapasok sa bahay ko?. b-baket andito ka?.-tanong ko sa kanya. "Iniwan mo lang naman yung pinto mong hindi naka lock kaya pumasok na ko and nandito ako para sunduin ka!."-sabi niya sa aken na naka ngisi. Inisip ko naman ang kanyang sinabi. Baka nga nakalimutan kong i-locked sa sobrang pagod ko maghapon sa trabaho. "Hindi mo naman ako kailangang sunduin pa eh."-sabi ko ng mahinahon sa kanya. Lumapit siya sa akin,tumingin ako sa kanya.nagtama ang aming mga mata. Mga titig niya sa akin para akong natutunaw. di'ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Kumakabog ang aking dibdib sobra. Di naman siya nagsasalita puro titig lang ginagawa niya. Lumipas ang limang minuto diko namalayan na hawak niya na pala ang kamay ko. "Sa kakatitig mo sa aken siguro kanina pa ko natunaw sa kinatatayuan ko."- sabi niya. "Huh!?"- yun lang ang naging sagot ko sa kanya. Nakasakay na pala kami sa sasakyan niya. Napagtanto ko na lang na nakaupo na ako sa tabi niya. Tumingin ako sa kanya na may halong pagtatanong sa aking isip. "Ahmm, p-pwede ba ako magtanong?"-tanong ko kay Ivo. "Yeah sure, ano yon!?- sabi niya sabay tingin sa akin. "B-baket ba ginagawa mo sa akin to Ivo?."- tanong ko ng hindi humaharap sa kanya. Nahiya tuloy ako sa kanya. Bigla niyang tinigil ang sasakyan sa gilid ng daan. Narinig kong nag buntong hininga muna siya at sabay tingin sa akin. "Kase ikaw na ang New assistant ko!"- sabi niya na naka-ngiti. "A-ano? New assistant mo?! Ako!?"- sabi ko na patanong. Nagulat ako sa sinabi niya. Napaka pilingera ko talaga . Hay naku!! Akala ko ba naman sasabihin niya na gusto niya ako. "Yupp! kaya from now on Assistant na kita! Maliwanag ba sa'yo yon Ms.Athena?!"- sabi niya na may halong pilosopo. "B-baket ba kase ako? . Ang lakas din ng trip mo eh!"- sabi ko ng pasigaw sa kanya. "Hey, hinaan mo nga yang boses mo,para kang megaphone! Sakit sa tenga!"- sabay takip ng kanyang tenga.Diko na lang siya pinansin. Pinaandar niya na ang kanyang sasakyan. Dumaan ang kalahating oras,sa kakaisip ko ng kung ano-ano di'ko namalayan na ibang daan na pala ang aming binabagtas. "W-wait lang . B-baket iba ang dinadaanan natin ngayon? di naman ito yung daan papuntang trabaho ah??"- tanong ko sa kanya. "May importanteng tao tayong pupuntahan."- sabi niya. "Ah okay!"- sabi ko naman sa kanya. Tagal pala ng byahe. napaka tahimik sa pagitan naming dalawa. nakakaramdam na din ako ng antok. Makatulog muna nga tutal mukhang malayo-layo pa naman yung pupuntahan namin. **** IVO Tahimik namin sa loob ng sasakyan. Nakatulog pala siya. Ang cute niyang tignan,parang batang walang kaalam-alam. Malayo din yung pupuntahan namin.Siguro gigisingin ko na lang siya kapag malapit na kami sa pupuntahan naming tao. Isang oras na mahigit ang naging byahe namin. malapit na sa pupuntahan namin. May nakita akong mini store huminto muna ako saglit. Nakaramdam ako ng pagka-uhaw.Tinignan ko muna si Athena bago ako bumaba ng sasakyan. Makabili muna. Bumili muna ko ng makakain . Ilang minuto lang bumalik na ako ng sasakyan .nakita kong gising na siya.Pumasok na ko. "Gising kana pala."-sabi ko. "Napahaba yata tulog ko. Pasensya na."-sabi niya,habang naghihikab pa siya. "it's okay, kumain ka muna."- inabot ko sa kanya ung nasa maliit na paper bag . Juice in can at isang sandwich ang binili ko sa kanya. Sa akin inumin lang dahil nauuhaw lang ako. "Thank you Ivo."-pasasalamat niya. "kainin mo na yan at malapit na tayo sa pupuntahan natin."-sabi ko sa kanya. Pagtingin ko sa kanya kumakain na pala . Akala mo hindi babae kung kumain . ang laki ng kagat niya sa sandwich. "Ganyan kaba talaga kumain?"-tanong ko "Hah! Oo b-baket may problema ba?"- sabi niya habang ngumunguya at tumingin sa akin. Napangiti na lang ako nung nakita kong puno pa bibig niya .Hindi man lang siya nahihiya sa akin. "baket ka ngumingiti jan?"-tanong niya sa aken. "wala naman, cute ka pala kapag sa malapitan"- tinapat ko mukha ko sa kanya. "w-wag mo nga ko titigan ng ganyan nakakailang."- sabi niya. Nakita kong nag blush siya sabay iwas niya sa aken. "Tara na nga."- sabay andar ko ng sasakyan. Ilang minuto lang nakarating na kami sa paroroonan namin. Bumaba na kami . Dumiretso na kami kung saan kikitain namin yung importanteng tao na makakasama namin sa kompanya. Tumagal ang meeting dahil sa aming kliyente . Sobrang mausisa,akala naman kase scam yung company namin. Ilang oras din bago natapos . "Hayy salamat at natapos din. Thank God kase napapayag din natin siya."- sabi ni Athena. "Kaya nga eh."-sabi ko. Tumayo na si Athena sa kanyang kinauupuan. "Tara na! Uwi na tayo. Nakakapagod din pala kahit nakaupo ka lang habang nagsasalita."- sabi niya ng mahinahon. "okay." tumayo na rin ako at sumunod na sa kanya. Nandito na kami ngayon sa sasakyan. Ginabi na kami sa pag-uwi. Binabagtas namin ang daan ng biglang ... .. "Shit."- pagkasabi ko. Tumingin sa akin si Athena . "b-baket Ivo? A-anong nagyayare??"-pagtatakang tanong ni Athena. "N-nawalan tayo ng preno."- sabi ko na may halong takot. "a-ano? 'anong gagawin natin Ivo."-sabi niya sa akin na takot na takot. Hindi ko alam kung paanong gagawin. Nandito kami ngayon sa mahabang daan na puro puno ang makikita. Nagpalinga-linga ako baka sakaling may makatulong pero wala. Tinignan ko si Athena, mababakas sa kanya ang malaking takot at nakikita ko rin na umiiyak na siya. Wala akong magawa para sa kanya.Hinawakan ko ang kanyang isang kamay para maibsan kahit konti ang kanyang takot. Nag aalala din ako sa anumang mangyari sa amin. Nabunggo ang sinasakyan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD