Kabanata 22: The Impostor Among Us

1393 Words

Umahon si Hiro sa tubig at naupo sa dalampasigan na basang-basa ang buong katawan. Napakalayo niya sa kaniyang pamilya dahil gusto niyang mapag-isa lagi. Hilig din ni Hiro ang paglangoy kaya’t hindi man halata ay nasiyahan naman si Hiro. Habang nakaupo sa buhangin ay pumupulot din ng maliliit na bata at malakas iyong inihahagis sa pinakamalayong distansiya ng karagatan sa abot ng makakaya. Paulit-ulit niya iyong ginagawa para libangin ang sarili. Napakataas ng sinag ng haring araw ngunit hindi naman nakapapaso sa maputing balat ng binata. Napakaaliwalas din ng paligid. “Loner ka ba talaga?” Nag-angat ng tingin si Hiro at nakita niyang nakatayo sa kaniyang gilid ang kapatid ng asawa ng kaniyang ate, si Abegail Natasha Castillano. Dahil walang pakialam ang binata ay hindi niya ito pina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD