Katatapos lamang maligo at magpahinga ni Felissa. Kababa lamang din ng kanilang grand staircase at ngayo’y papunta sa living room. “Manang, huwag ninyo na pong tapusin iyan ngayon. Magpahinga na po kayo. Ipagpabukas na lang po ninyo iyan,” pahayag ni Felissa sa kanilang nag-iisang katulong. Abala pa rin kasi si Manang Fe sa pag-aayos ng kanilang gamit mula nang makauwi sila sa mansiyon mula sa two-day vacation. “Kami na po ang mag-aakyat ng ibang mga gamit. Magpahinga na po muna kayo roon.” “Salamat po, Ma’am...” nakangiting tugon ni Manang Fe at bahagyang napayuko rito. “Kayo po? Hindi pa po ba kayo matutulog?” “Nag-iisip-isip lang...” Pagkaalis ni Manang Fe ay naiwan na lamang na mag-isa si Felissa sa living room. Tulog na nang mahimbing ang dalawang anak nang i-check ito kanina at b

