“Jonathan is not yours! Wake up! Kahit kailan, hinding-hindi ka niya pipiliin! He loves me!” “Ako ang mahal niya! We had been together for years! Ako ang legal na asawa! Tinikman ka lang ng asawa ko, feeling mahal ka na?” “He promised me! Pakakasalan niya ako!” “Naniwala ka naman? Jonatan will never do that! Isa kang ilusyunadang kabit! Huwag ka nang umasang magpapatuloy pa ang kung anumang baboy ninyong relasyon! He’s mine!” “Ang kapal talaga ng mukha mo!” Mas lalong naging seryoso ang mukha ni Entice at napaayos ng upo nang magsimulang magsabunutan at magsakitan ang dalawang babaeng kaniyang pinanunuod ngayon sa telebisyon. Napangisi pa si Entice dahil habang tumatagal, mas intense ang eksena. Napakalakas ng volume ng kanilang 128 inches na flat screen. Nanunuod si Entice ng kabit-

