[FRANCELI] Akala ko magiging bitter ako dun sa flash mob. Akala ko masasaktan ako o maiinggit nang bongga. Kasi naman 'di ba, buti pa sina Xander at Lacie na kailan lang naman nagkakilala ay sila na. Pero masaya ako. Totoo. Genuine iyong sayang nararamdaman ko para sa kanila. Syempre, successful kami. Sinong hindi matutuwa dun? Basta, masaya akong nagkagustuhan na nga talaga sila Xander at Lacie. Hinanap ko si Luthan matapos ang flash mob dahil gusto kong itanong sa kanya kung nakuha niya na ba ang liwanag mula kay Xander ngunit hindi ko siya makita. Tinanong ko na rin siya kay Steph at sa iba pa pero hindi rin daw nila napansin si Luthan. Medyo kinabahan pa ako kasi baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Asan na kaya yun? Nakaramdam ako ng kalabit sa likuran ko. Akala ko si Luthan.

