bc

Snow White And Seven Hunk (Filipino)

book_age16+
1.8K
FOLLOW
4.9K
READ
family
friends to lovers
brave
drama
comedy
bxg
campus
city
enimies to lovers
first love
like
intro-logo
Blurb

Inakala ni Kimberly Marquez na dahil sa paborito niyang prutas na Mansanas, makikilala niya ang lalaking destined sa kanya, gaya ng paborito niyang childrens book na "Snow White"

Ngunit hindi niya akalain na dahil sa mansanas, makikilala niya ang masungit, matalino, at gwapong si Seven Hunk --- ang campus heartthrob at kinababaliwan ng lahat ng kababaihan. At ang masaklap na nangyari sa kanyang buhay, kailangan nilang tumira sa iisang bahay.

Magkasundo pa kaya ang dalawa? o tuluyan nang maging mortal na magkaaway sina Snow White at Seven Hunk.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Kimberly Marquez NOONG unang panahon, isang reyna ang nanalanging magkaroon ng anak na kasing puti ng nyebe ang balat, at 'sing pula ng dugo ang mga labi. Madalas kong marinig ang mga katagang iyan noong bata pa ako, paboritong-paborito ko ang librong Snow White na paulit-ulit na binabasa sa akin noon ni mama. Kapag nag-umpisa nang magbasa si mama, tahimik na akong yayakap sa aking unan at taimtim na makikinig sa kanya. Sabi niya, kamukha ko raw si Snow White dahil sa maputi kong balat at maitim kong buhok. Dahil doon, naging paboritong prutas ko na rin ang mansanas, kaya hindi mawawala sa aking baon ang prutas na ito. At nang tumapak na ako ng kolehiyo umaasa ako na pagdating ng panahon, ang prutas na mansanas ang maglalapit sa akin sa lalaking meant to be ko. Alam ko naman na dapat ay mag-focus lang ako sa pag-aaral, pero malay mo lang naman hindi ba? dise nuebe anyos na naman ako, top student at academic scholar ng Wilson University, kaya kahit hindi kami mayaman, hindi hirap ang aking mga magulang sa tuition ko. At siyempre hinding-hindi ko pababayaan ang aking pag-aaral. *** Isang bagong araw na naman sa eskwela. Dala ko ang mabibigat na test papers patungo sa faculty room. Pero sa di inaasahang pagkakataon at sa kamamadali kong maglakad, isang lalaki ang bumangga sa akin sa isang blind spot corner ng hallway. Nalaglag ang mga test papers na dala ko at napaupo ako sa sahig. "Aray!" Sabay hawak sa aking puwitan dahil sa lakas ng pagbagsak ko. Marahan kong inangat ang aking ulo at hindi ko akalain na makakikita ako ng isang gwapong anghel. Nakatingin lang siya sa akin, ang kanyang mata ay may hawig sa mga Kpop na napapanood ko. Ang kanyang labi ay mas maganda pa sa labi ng isang babae. Bagsak ang itim at malambot niyang buhok at bangs niyang halos tumatakip sa kanyang noo. Parang may kahawig siyang Korean artist. Ah! Si Cha Eun Wo, saad ko sa aking sarili. Tila napunta sa alapaap ang aking isip. Dahil pakiramdam ko, kaming dalawa lang ang nasa lugar na iyon at naguusap ang aming mga mata. Ang gwapo naman ng lalaking ito, Nakita ko ang paggalaw ng kanyang balikat at marahan niyang pinasok ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa. Saka siya lumakad palayo sa lugar na kinaroroonan ko. Nanatili lang akong nakaupo sa sahig habang hinahabol ng tingin ang matipuno niyang katawan. Saka lang bumalik sa reyalidad ang aking isip nang mapagtanto kong hindi pala niya ako tinulungan. Gwapo nga, antipatiko naman! Mabilis akong tumayo at pinagpag ang aking palda, saka isa-isang dinampot ang mga papel na nagkalat sa sahig. *** "Sir, ito na po ang mga test paper galing sa section namin," saad ko sa aming professor na ngayon ay nakatingin lang sa kanyang Laptop. "Salamat, Kim." Marahan akong yumuko bilang paggalang bago ako umalis sa kanyang harapan. At sa pagsara ko sa pinto ng faculty room, mariin kong hinawakan ang aking balikat at inikot-ikot ito. Ramdam ko pa rin ang bigat ng mga papeles na iyon. Muli akong naglakad sa hallway at sa paglabas ko ng corridor. Napalingon ako sa aking kaliwa kung saan naroon ang bulletin board. Tila nagkakagulo ang mga estudyante at pumasok sa aking isip na ngayon nga pala ang release ng score ng mga top student. Mabilis akong napatakbo patungo sa nagkakagulong mga tao, saka pinilit isingit ang aking sarili sa mga ito. Nang makarating ako sa unahan, agad kong hinanap ang aking pangalan. At sa wakas ay nakita ko na ito. Kasama pa rin ako sa top, pero hindi tulad ng dati. Top 2 na lang ako. Teka, sino ang top 1? Sa pagtingin ko ng pangalan na nasa unahan ng listahan, nakita ko ang pangalang, Seven Hunk Perez. May kumuha na pala ng position ko sa pagiging top? Hay... Naku! okay lang, ang mahalaga kasama pa rin ako. "Si Seven!" Nakuha ang atensyon ko ng isang babae na sumigaw, sabay umingay ang paligid na akala mo ay may artistang dumating. Sa paglabas ng lalaking pinagkakaguluhan nila. Nanlaki ang aking mata nang makita kung sino ito. Siya pala si Seven? 'yung lalaking antipatiko na hindi man lang ako tinulungan kanina. Sinimulan kong ihakbang ang aking paa palayo sana sa lugar kung nasaan ang mga nagkakagulong babae. "Seven, sana tanggapin mo itong regalo ko sa'yo." Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko pero tila umandar ang pagigingchismosa ko, kaya muli na naman akong napatingin sa mga babaeng nagkakagulo. Bigla silang nagtilian nang bigyan no'ng isang binibini si Seven ng kahon na hindi ko alam kung ano ang laman. Ngunit imbes na tanggapin niya ang kahon na iyon, nilagpasan lang niya ang babae at lumakad palayo rito. Diretso lang ang kanyang tingin na tila walang nakita. Napakasama pala talaga ng ugali niya, nasambit ko na lang sa aking sarili. Pero nang madaanan niya ang kinaroroonan ko, tila namalikmata ako dahil akala ko ay tumingin siya sa akin. Mabilis kong iniling ang aking ulo upang matanggal ang iniisip ko. "Nakakakilabot makasalubong ang lalaking iyon," saad ko, Sabay himas sa aking balikat na tila nilalamig. At dahil vacant period ko naman, naisipan kong kumain sa likod ng school kung saan tahimik. Dala ang aking lunch box. Pumunta ako sa bench sa may ilalim ng puno at doon umupo. Napakasarap dito at napakatahimik ng paligid, malayo sa mga taong maingay at walang ginawa kundi ang makipagbangayan. Binuksan ko ang aking lunch-box at nakita ko ang napakasarap na pagkaing hinanda sa akin ni mama. "Ang bait-bait talaga ng nanay ko." Isang impit na tawa ang ginawa ko na tila kinikilig. Lumipas ang ilang minuto at naubos ko na ang kabuuhan ng pagkain ko. At tanging prutas na lang ang natira, ang paborito kong mansanas. Isang malaking kagat ang aking ginawa sa mansanas na ito at ang matamis na katas ay kumalat sa bibig ko. "Hmm... Ang sarap talaga!" malakas kong saad na may halong kilig. Muli akong kumagat sa mansanas. Pero this time, mas malaki na ang kinagat ko. "Ang ingay." Nanlaki ang aking mga mata nang makarinig ako ng isang malalim na tinig. At mas lalo pa akong nataranta nang may biglang tumalon pababa mula sa malaking puno na nasa uluhan ko. Tila slow motion ang pangyayari, isang anghel na mula sa langit ang bumaba — isang gwapong anghel. Pero nang mapagtanto ko kung sino siya, saka ko lang nalaman na si Seven pala ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Nakatayo siya at may masamang tingin sa aking mukha na tila naiinis. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang mansanas na nasa bibig ko ay aksidente kong nalunok. Naramdaman ko na tila nakabara ito sa aking lalamunan. Nagsimula akong umubo pero ayaw lumabas. Tumalikod ako kay Seven dahil nakahihiya na ang aking hitsura at pulang pula na rin ang aking mukha. "What's wrong?" saad niya habang sinisilip ang aking mukha. Winagayway ko lang ang aking kamay at nagbigay ng "Okay" sign. Pero nagsimulang numipis ang hangin na nahihigop ko at tila hindi na ako makahinga. Sh*t! Mamamatay na yata ako. Sinuntok-suntok ko pa ang dibdib ko, nagbabakasakaling makatulong pero, wala. "Hoy, mis! Ayos ka lang?" muling usap ni Seven. Mukha namang natunugan na niya ang nangyayari sa akin, dahil nakita ko ang pagbago ng expression sa kanyang mukha. Nanlaki ang aking mata nang bigla niya akong yakapin mula sa aking likuran. Inipit niya ang aking tiyan saka niya ako sinabihang sumabay sa talon niya. Paulit-ulit niya iyong ginawa hanggang sa maramdaman ko ang paglabas ng malaking piraso ng mansanas mula sa aking bibig. Sabay kaming hingal na hingal dahil sa nangyari. At halos maubos na ang aking laway para lang mailabas ang mansanas na iyon. Pero ang pinakamasaklap, napagtanto ko na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin si Seven sa akin. At ang walang hiya! Nakasapo siya sa dibdib ko na tila feel na feel pa niya. Upang maalis ang pagkakayakap niya sa akin, isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanyang mukha. "Bastos!" sigaw ko saka mabilis na tumakbo. Hindi ko na nilingon kung anong hitsura niya. Basta ang alam ko, nilagyan ko ng latay ang kanyang mukha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

NINONG II

read
619.1K
bc

OSCAR

read
227.0K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook