Chapter 2

1290 Words
Kimberly Marquez KULAY itim at mahabang medyas, maikling palda, itim na sapatos, mahabang blouse, itim na necktie na may logo ng Wilson University, at isang maliit na backpack, ito ang aking suot papasok sa eskwela. Bago makarating sa school, madalas akong sumakay sa bus at ang mga bus dito sa amin ay may oras, point to point kasi sila, kaya naman kapag hindi ka nakasakay sa unang bus o hindi mo alam ang oras ng dating ng mga ito. Bahala kang ma-late. Nang makarating ako sa bus stop, umupo ako sa upuan nito. Thirty minutes akong advance para hindi ko ma-missed ang darating na bus. Madalas akong ganito dahil iniingatan ko ang scholarship ko, kaya para sa akin bawal ang late at absent. Dahil wala pa naman ang hinihintay kong bus, nilabas ko ang aking earphone at nag-play ng magandang tugtugin galing sa aking cell phone, saka ko sinandal ang aking ulo sa haligi ng bus stop at pinikit ang aking mata. Habang nakikinig sa musika ay hindi ko napapansin na sinasabayan ko na rin pala ito ng pag-awit. Why do birds suddenly appear, every time you are near? Just like me, they long to be, close to you. Ang magandang kanta na Close to You ng Carpenters ang nagbibigay sa akin ng magandang mood. Paborito ko ang kantang ito at nakakapagpa-relax siya para sa akin. Hindi ko na maalala kung kailan ko ito nasimulang magustuhan, siguro noong bata pa ako. Dahil sa magandang kanta na tumutunog sa aking tainga. Hindi ko na napansin na may taong umupo sa tabi ko, ang alam ko lang nilalasap ko ang magandang tunog na naririnig ko. Ngunit mayamaya lang ay dumating na ang bus. Agad kong tinanggal ang earphone sa tainga ko at saka pinasok sa aking bag. Nang huminto ang bus sa tapat ko, agad akong tumayo. Hahakbang ko palang sana ang aking mga paa nang may lalaking na una sa akin umakyat ng bus, dahilan upang kumunot ang aking noo. Tingnan mo 'tong tao na 'to. Kalalaking tao, hindi gentleman. Dahil nakaakyat na ang lalaki, wala naman akong magagawa kaya sumunod na lang ako. At sa aking pag-akyat, nag-tap ako ng beep card upang ma-credit ang bayad sa bus. Pero paglingon ko sa loob, puno na ang ang upuan bus at isang upuan na lang ang available. Naglakad ako patungo rito pero hindi ko akalain na 'yung lalaking antipatiko kanina ay mauunang umupo sa bakanteng upuan na iyon. Sa kanyang pagharap, saka ko lang napagtanto na siya pala ang schoolmate ko na si Seven. Tila nag-flashback naman sa isip ko 'yung nangyari noong nakaraang araw. Mabilis na tumayo ang aking balahibo. Naku! Kasabay ko pa sa bus ang manyak na 'to. Tila napansin naman niya ako, tiningnan niya ako gamit ang malamig niyang mata, saka nilipat ang tingin sa bintana. Antipatiko talaga, bwisit! Nanatili akong nakatayo at humawak sa safety handle ng bus. Tumalikod ako sa kanya at sa opposite side ako tumayo. Nagsimulang dumagsa ang mga tao sa bus at sa isang iglap lang, para kaming sardinas na siksikan sa loob. Buti na lang malamig ang aircon, kung hindi, baka hindi pa ako nakararating sa school, amoy pauwi na ako. Habang umaandar nang mabilis ang bus, nararamdaman ko ang isang lalaki sa aking likuran. Ewan ko kung imagination ko lang ba iyon, pero paulit-ulit niya kasing kinikiskis ang kanyang kamay sa aking hita. Kung hindi lang siguro masikip, baka natadyakan ko na siya. Pero habang tumatagal, napapansin ko na sinasadya na niya ang kanyang ginagawa. Kaya naman dahan-dahan kong binaba ang aking kamay upang hawakan at pigilan ang kamay ng lalaking ito. Hanggang sa. "Aray! Ano bang problema mo?" sigaw ng lalaking manyak. Napatingin ako sa kausap niya at nanlaki ang aking mata nang makita kong nakatayo si Seven sa likod ko, hawak-hawak niya ang kamay no'ng lalaki at nakataas ito. "Kung hindi mo titigilan ang ginagawa mo, baka makita mong putol na ang isa mong daliri." Ito ang mga katagang sinabi ni Seven bago pa niya padabog na binitiwan ang kamay no'ng lalaki, saka siya dumaan sa gitna namin dahilan upang matulak ang lalaki at matumba sa upuan na kanyang inalisan. Natulala ako dahil sa kanyang ginawa. Niligtas niya ba ako? Mayamaya pa, naramdaman kong gumalaw ang bus, saka ko lang napagtanto na nandito na pala ako sa lugar na pupuntahan ko. "Wait lang, manong driver. Bababa ako!" sigaw ko, sabay pindot ng pulang button sa tapat ko. Mabilis akong bumaba sa bus at nagmadaling maglakad papasok sa malaking gate ng Wilson University. "Hay... grabe! Parang ang haba ng byahe ko ah." Nang matanaw ko ang guard sa entrada ng gate, mabilis kong kinuha ang aking ID sa bag saka ito sinuot. "Good morning po," saad ko kay manong guard. Kasabay kong naglalakad ang mga estudyante ng school. Tumingin lang ako sa aking paligid. Lumingon ako sa kanan at nakita ko ang isang babae, nakasuot siya ng itim na sapatos na may mataas na takong. Ayos na ayos ang kanyang hitsura at mukha siyang elegante tingnan. "Siguro, BS HRM ang course nito," bulong ko sa aking sarili saka mahinang tumawa. Lumingon naman ako sa kanan at nakita ko ang isang lalaki na may dalang samurai. Actually, samurai kasi ang tawag ko sa daladala niyang staedtler tube case, iyon 'yung lalagyan ng mga architect ng kanilang blueprint, kaya alam kong architect o engineer ang course ni kuya. Umandar na naman ang pagiging chismosa ko. Isang buntong hininga ang aking ginawa bago binilisan ang aking lakad. Napansin ko pang nagtitilian at nagsisigawan ang mga kababaihan sa aking likuran pero hindi ko na ito nilingon, diretso akong naglakad patungo sa room. *** "Good morning, Kim," bati sa akin ng aking mga classmate. Ngumiti lang ako at tumango sa kanila. Ang totoo, medyo mahiyain kasi ako at ang gusto ko lang ay mag-aral nang tahimik. Umupo ako sa aking upuan. Binuksan ko ang aking bag saka kinuha ang libro at notebook ko. May ilang minuto pa ako para mag-review habang wala pa ang guro namin. Nagsimula akong magsulat, ngunit mayamaya lang. "Ayan na siya, kyah!" "Oh my gee! Ang gwapo talaga ni Seven." Seven? Inangat ko ang aking ulo nang marinig ko na naman ang pangalan ng lalaking iyon. At laking gulat ko nang makita ko siyang papalapit sa aking kinaroroonan. Tila slow motion ang paligid habang nakatulala ang aking mga mata sa kanya. Ang malamig na hangin galing sa nakabukas na bintana ay unti-unting dumadampi sa aking mukha. Habang palapit siya nang palapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang naisip na gwapo nga talaga siya. "Mis, upuan ko 'yan." Parang nabasag na salamin ang imagination na kanina'y nakikita ko. "Ah. Ha?" wala sa sarili kong saad. "Bingi ka ba?" Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang aking mga classmate na nakatingin sa akin. Mabilis na namula ang aking mukha dahil sa hiya. Saka ko tiningnan ang aking inuupuan. Nakaupo ako sa silya kalapit ng bintana. Napakagat na lang ako sa aking labi, kinuha ko ang aking bag, tinakip ito sa ulo ko saka lumipat sa upuan na kalapit ng inuupuan ko. At niyuko ang aking ulo sa lamesa. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa. Nakanganga ba ako kanina? Ano ba kasing iniisip mo, Kimberly? Unti-unti kong inangat ang aking ulo, natamaan ng aking mata si Seven na ngayon ay nakatingin sa akin habang nakapalumbaba. Kumunot ang aking noo at tiningnan siya nang masama. Nakita ko ang pagtaas ng kanan niyang labi na tila nakangiting nang-aasar sa akin. "Bleh!" saad ko sabay labas ng aking dila, saka ko binaling ang aking atensyon sa dumating naming guro. Classmate ko pala ang lalaking ito? Bakit ngayon ko lang nalaman? Kung tatamaan ka naman talaga ng kamalasan. Hay... naku!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD