Chapter 3

1595 Words
Kimberly Marquez NAKATUNGO ang aking ulo sa lamesa rito sa loob ng classroom. Hanggang sa isang tomato juice ang nakita kong nilapag sa ibabaw ng lamesang niyuyukuan ko. Sa pagtaas ng aking tingin upang malaman kung sino ang nagbigay nito, nakita ko ang classmate kong babae na nakangiti sa akin. Ano nga ba ang pangalan niya? "O. Ayan, pampalamig ng ulo," saad niya sabay ngiti. Hinila niya ang upuan na nasa tapat ko saka rito umupo. "Hindi naman mainit ang ulo ko." Tinaas ko ang aking ulo mula sa pagkakayuko, saka ko kinuha ang juice at ininom ito. "Hindi mo naman sinabi sa akin na crush mo pala si Seven." Muntik ko nang maibuga ang juice mula sa aking bibig nang marinig ko ang bagay na sinabi ni Denise. Mabuti na lang at napigilan ko ito. "What? Anong crush ang pinagsasasabi mo riyan?" Lumapit siya nang kaunti sa akin saka tiningnan ako sa aking mata na tila naghihinala. "Huwag ka nang mag-deny d'yan, dahil kitang-kita ng dalawa kong mata kung pa'no mo s'ya titigan kanina." Nilapit ko rin ang aking mukha at nakipag-eye to eye sa kanya. "Alam mo, ikaw. Mas malala pa pagiging chismosa mo sa'kin." Pinitik ko ang kanyang noo dahilan upang mapahawak siya rito dahil sa sakit. "Hindi ko siya type. At kahit kailan, hindi ko siya magugustuhan," mariin kong saad sa kanya. "Talaga lang, ha?" Matapos sabihin ang katagang iyon, tila nagdududa pa siyang sumulyap sa akin bago tumayo mula sa pagkakaupo, saka lumakad pabalik sa kanyang upuan. Umiling-iling na lang ako saka inubos ang iniinom kong tomato juice, saka bumalik sa pagkakayuko. Makalipas ang ilang minuto dumating na ang aming guro sa next subject. At tulad ng dati, tahimik lang akong nakinig sa kanya. Ngunit mayamaya lang, naramdaman ko ang vibration ng aking cell phone mula sa bulsa. Hindi ko ito pinansin at patuloy lang na nakinig. Pero mayamaya pa ay nag-vibrate na naman ito. May halong inis kong kinuha ang aking cell phone mula sa bulsa at nakita ko ang pangalan ni mama na naka-flash sa screen. Bakit kaya? Alam naman ni mama na oras ng klase ko ngayon, ah. Palihim kong sinagot ang tawag ni mama. "Hello, ma? Nasa klase ako, baki-" Kim, nasusunog ang bahay natin. Nanlaki ang aking mata nang marinig ko ang sinabi ni mama. "Po?!" Dahil sa gulat, agad akong napatayo na kumuha ng atensyon ng aking mga kaklase. Kinuha ko ang backpack na nakasabit sa aking upuan, saka nagmamadaling lumabas ng classroom. "Ms. Kim, saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang klase ko." Hindi ko na pinansin ang sinabi ng professor ko. Basta ang alam ko kailangan ko nang makauwi agad. *** "Saan na tayo titira ngayon?" umiiyak na saad ni mama. Marahan kong hinaplos ang kanyang likod saka sinandal sa aking balikat. Maging ako ay nalulungkot sa biglaang pangyayari. Ang sabi nila, nagsimula raw sa kandila ng kapitbahay ang sunog. Bakit naman kasi nagsisindi sila ng kandila sa tanghaling tapat? Walang natira sa aming gamit, halos lahat natupok ng apoy, kaya ngayon, heto kami sa isang malaking tent na tinayo ng mga opisyales ng aming barangay sa loob ng covered court. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami rito. Pero sana naman may malipatan kami agad. "Ma, wala ba talaga kayong kamag-anak dito sa Quezon City?" tanong ko kay mama na ngayon ay nagpupunas ng luha. "Wala, anak. Matagal nang yumao ang mga lolo't lola mo at nag-iisa lang akong anak." Napayuko ako at nakaramdam ng matinding lungkot. Kung ganoon, dito talaga kami titira? Pero hanggang kailan? Tiningnan ko si papa na ngayon ay naghahanap ng mga bagay na puwede pa naming magamit sa kaunting naisalba. Mayamaya lang ay nasulyapan niya ako at tila alam na niya ang nais kong itanong. "Anak, alam mo naman na galing ako sa Cebu hindi ko naman kayo agad-agad maililipat doon." Malalim na buntong hininga ang aking ginawa. So wala talagang pag-asa, wala talaga kaming mapupuntahan. Nilingon ko ang aking ulo sa paligid, nagbabakasakaling may kakilala ako rito. Pero sa pag-ikot ng aking paningin, napansin ko ang cell phone ni mama na nag-riring sa ibabaw ng bag niya. "Ma, may tumatawag yata sa'yo," saad ko sabay turo sa cell phone niya. Agad naman itong nakita ni mama at tiningnan. "Si Martha, bakit kaya?" nagtataka niyang saad. Nagkibit-balikat muna si mama bago niya sagutin ang cell phone. "Hello, Martha?" Mars, Kumusta? Okay lang ba kayo? Nasaan kayo ngayon? Sabihin mo sa akin. Pupuntahan ko kayo! Dahil sa lakas ng boses ng kaibigan ni mama, rinig na rinig ko ito kahit hindi siya naka-loud speaker. "Okay lang kami, mars. Nandito kami sa covered court na malapit sa barangay." May matutuluyan ba kayo? "Iyon na nga, mars. mukhang dito nga kami matutulog." Gusto mo ba rito muna kayo sa amin? "Naku! 'wag na, mars. Nakakahiya." Ano ka ba? Mag-best friend tayo. Maluwag ang bahay namin para sa pamilya mo, mars "P-Pero." Tiningnan ko si mama at nakita kong nakatingin siya sa amin ni papa. Kung ako ang tatanungin, ayos lang sa akin kahit saan basta kasama ko sila. Matipid akong ngumiti kay mama upang ipakita sa kanya na kung ano ang desisyon niya, doon ako. Isang buntong hininga ang ginawa ni mama bago siya tuluyang sumagot sa kanyang kaibigan na nasa kabilang linya. "S-Sige, mars. Pero pangako, kapag nakahanap kami ng lilipatan—" Pupunta na ko d'yan, mars. Agad na binaba ng kaibigan ni mama ang telepono at hindi na siya pinatapos sa sasabihin. Nakatutuwang isipin na mayroong kaibigan si mama na maalalahanin sa kanya. Ilang beses ko na rin nakita si Tita Martha at talagang napakaganda niya. Ang kuwento sa akin ni mama noon, likas daw na mahiyain si Tita Martha noon at si mama lang ang naging kaibigan niya. Si mama rin ang naging tulay sa pag-iibigan ni Tita Martha at ng kanyang businessman na asawa ngayon. Ang alam ko pa, talagang mayaman ang kaibigan na 'yon ni mama. Pero kahit kailan, hindi ito naging matapobre. Lumipas ang ilang minuto, nakita na namin ang kaibigan ni mama na si Tita Martha. Kumakaway siya sa amin habang tumatakbo palapit sa tent kung saan kami naroroon. Nakasuot siya ng isang simpleng t-shirt at skinny jeans. Napakasimple lang niya manamit. Kitang-kita ko ang pag-aalala ni tita sa mama ko. At medyo kinilig ako nang sulyapan niya ako at ngitian. Ang ganda talaga niya, saad ko sa sarili. Matapos ang kuwentuhan, sumakay na kami sa kanyang kotse at dumiretso sa kanyang bahay. Sa labas pa lang ng gate namamangha na ako. Automatic ang gate nila, kusa itong bumubukas. At pagpasok mo sa loob, may pintuan doon palabas ng parking lot. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang labas ng mala mansion nilang bahay. May fountain sa gitna at bermuda grass sa paligid. Mapayapa rito at napakasariwa ng hangin. Nasa Quzon City pa ba ko? May ganitong lugar pala rito? Pakiramdam ko nakanganga lang ako buong oras habang naglalakad at tumitingin sa paligid. Pumasok kami sa kanilang bahay at nakita ko ang napakalaking chandelier na nakasabit sa kanilang kisame. Teka, palasyo ba 'to? "Tuloy kayo, lagay nyo na lang ang gamit nyo sa guess room," saad ni Tita Martha sabay sa pagturo sa pinto ng guess room. Naglakad kami nila mama at pumasok sa loob ng silid na iyon. Malaki ang espasyo ng kwarto at may tatlong kama. Mapapansin mo rin ang split type na aircon na nakadikit sa pader. Para siyang mga kwarto sa hotel kapag trip mong mag staycation. May sarili rin itong CR sa bandang kaliwa. At isang malaking bintana na tinatakpan ng puting kurtina. Lihim kong sinulyapan ang mukha nila mama at papa, at hindi ako nagkamali, maging sila ay namamangha rin sa kanilang nakikita. Mayamaya lang ay tinawag kami ni Tita Martha upang kumain sa dining table. Tamang-tama gutom na ako. Lumabas kami sa guess room at nagsimulang maglakad. Kaso lang bigla naman ako nakaramdam ng tawag ng kalikasan, medyo malayo na kami sa kwarto namin para doon pa ako mag CR, kaya agad na akong nagsalita. "Tita, saan po ang malapit na washroom?" tanong ko. "Ah, diretsuhin mo lang 'yang hallway, tapos kumaliwa ka sa kanan." Ano raw? Kumaliwa sa kanan? Tumango na lang ako kahit ang totoo ay hindi ko ito naintindihan. Kasi talagang ihing-ihi na ako. Mabilis akong tumakbo at pagdating ko sa dulo, hindi ko alam kung kanan ba o kaliwa. Sa laki naman kasi ng bahay na 'to e. Bahala na, Pumunta ako sa kaliwa at jackpot! May comfort room sign doon. Nagmadali akong tumakbo. Ngunit sa pagpihit ko ng pinto, nagtaka ako dahil ang luwag ng doorknob, kaya hinila ko na ito agad. Pero bigla na lang akong nauntog sa isang matigas na bagay. "Aray ko, palaka ka!" sigaw ko sabay himas ng noo kong nauntog. "Sinong palaka?" Nanlaki ang aking mata nang marinig ko ang pader na nagsasalita. Saka ko napagtanto na hindi pala ako nauntog sa pader, kundi sa katawan ng isang nakahubad na lalaki. Nakabalandra sa aking mukha ang nagsusumigaw niyang abs. Marahan kong inangat ang aking ulo at mas lalong nanlaki ang aking mata nang makita ko ang kanyang mukha. "Ikaw?" sabay naming sigaw. "O. Kilala mo ba siya, Seven?" Sabay singit ni Tita Martha sa amin na ngayon ay nasa harap naming dalawa. Sinundan pala nila ako. Lumapit siya kay Seven at saka inakbayan ito. "Siya nga pala ang napakagwapo kong anak, si Seven." Nananalangin ako sa mga naggagandahan at naggwagwapuhang Diyos ng Greek Mythology na sana ay panaginip lang ito. Bakit? Bakit naman gano'n? Anak ng pitong put pitong puting tupa naman, oh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD