Chapter 8

1424 Words
Kimberly Marquez MASASABI kong naging payapa ang aking buhay estudyante nang magsimula ang pagpapanggap na ginagawa namin ni Seven. Kung minsan ay hindi maiiwasang makarinig pa rin ako ng masasamang salita mula sa mga fans niyang babae. Tulad ng, may pa-deny pa raw ako, aamin din pala. Sa tuwing nakaririnig ako ng ganitong mga bagay, pinipili ko na lang ang tumahimik at hindi sila pansinin, tutal naman ay mas marami ang nakakaintindi at lumalayo na lang sa amin ni Seven. Ngunit kung mayroon man bagay akong kinaiinisan sa estado namin ngayon, iyon ay madalas ko siyang kasama kahit saan ako pumunta. Kasama ko na nga siya sa bahay, hanggang dito ba naman sa school? Nakakaumay na ang mukha niya. "Kim!" Napalingon ako nang tawagin ako ng isang babae. Kasalukuyan kasi akong naglalakad sa hallway at patungo sa library kung saan kami magkikitang muli ni Seven. "B-Bakit?" tanong ko sa babae. Tumakbo ito palapit sa akin habang may ngiti sa mga labi. "H-Hello, ako pala si Aimee, classmate tayo hindi mo ba naaalala?" tanong niya sa 'kin sabay lahat ng kamay. "H-Ha? Sorry mahina kasi ako sa pag-alala ng pangalan. "Okay lang. May gusto lang talaga akong itanong," aniya na nagpakunot sa aking noo. "Ano 'yon?" "Member kasi ako ng fashion club at nais ko kayon anyayahan ni Seven maging model sa club namin. Kung pwede lang?" pagpapa-cute pa niya ng kanyang mga mata. Napakunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Sa tagal kong nag-aaral dito sa Wilson, kahit kailan ay walang naglakas loob na alukin ako sa pagmomodelo. "Sigurado ka ba riyan?" tanong ko sa kanya. "Oo, kayong dalawa sana ni Seven, please!" pinagdaumpalad pa niya ang mga kamay saka nakiusap sa akin. Napabuntong hininga ako nang ma-realize kung bakit niya ito ginagawa at lahat ng iyon ay dahil kay Seven. Sa tingin ko, hindi naman talaga ako ang gusto nilang sumama sa fashion club na iyon kung hindi si Seven lang. Muli akong huminga nang malalim saka humarap at ngumiti sa kanya. "I can't promise pero ita-try ko. Alam ko kasi na hindi mahilig si Seven sa ganitong klaseng event. Pasensya ka na talaga," sinsero kong pakikipag-usap sa kanya. "Okay lang, Kim. Basta sabihan mo ako agad kapag pumayag siya." Napapangiwi na lang ako dahil sa kanyang sinabi. Masiyadi kasing obvious, eh. Ngumiti akong muli at hindi na sumagot. Ang totoo, wala na rin naman akong balak pang sabihin kay Seven ang nais nila. Matapos ang usapan na iyon, agad na akong nagmadali at pumunta sa library. Sigurado akong mainit na naman ang ulo ng lalaking iyon lalo na kung paghihintayin ko siya nang matagal. *** Marahan kong nilipat ang pahina ng libro na aking binabasa. Kasalukuyan na akong nasa library ngayon at siyempre, tulad ng pinag-usapan namin, kasama ko na namn si Seven na ngayon ay nagbabasa rin sa aking tabi. Maya-maya lang, nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ang palad ni Seven sa aking balikat, saka niya ako kinabig palapit sa kanya. Nababakas ang pagtataka sa aking mukha nang tumingin ako sa kanya, hanggang sa mapalingon ako sa paligid at nakita ko ang mga babaeng nakatingin sa aming direksyon. Doon ko napagtanto ang bagay na ginawa ni Seven. Sinulyapan ko ang kanyang mukha. Wala siyang emosyong nakaharap lamang sa libro habang nagbabasa. Tila patay malisya siya sa mga nangyayari at heto naman ako, tila aligaga dahil hindi ako sanay na may naka-akbay sa aking balikat. Kinikilabutan pa rin ako sa ganitong ideya. Sa katunayan, nanginginig pa ang aking katawan ngayon. Napatingin ako sa kamay ni Seven nang higpitan niya ang hawak sa aking balikat, tila sinasabing kumalma lang ako. "Bakit ka ba nanginginig," aniya. Hanggang sa maya-maya lang, may naramdaman akong namumuo sa aking kalamnan. Nagsimulang mamula ang aking mukha. "B-Bitiwan mo muna ako, Seven," utos ko sa kanya. "Hindi pwede. D'yan ka lang." "Bilis na." "No–" Naputol ang bagay na sasabihin ni Seven nang may marinig siyang isang impit na tunog na nanggagaling sa ilalim ng upuan. Nanlaki ang mga mata ni Seven at tumingin sa akin. Pakiramdam ko ay buong kaluluwa ko ang hinusgahan niya dahil sa tingin niyang iyon. "Excuse me," hiyang-hiya kong tugon sa kanya saka nagmamadaling tumayo at nagtungo sa banyo. Napatakip naman siya ng ilong dahil sa mabahong naamoy at napayuko dahil sa kahihiyan. Ang walanghiya, hindi ba dapat ako ang mas mahiya? "Gross..." wika ng mga babaeng estudyante na nasa loob habang nagpapaypay ng paligid. *** Dahan-dahan akong sumilip sa labas mula sa loob ng banyo. Sinisigurado kong wala na roon ang mga taong nakakita sa akin kanina. Nakahinga naman ako nang maluwag nang mapagtanto kong wala nang tao palabas ng library. "Ano, success?" Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang malalim na tinig ni Seven. Sa paglingon ko sa aking kaliwa, unti-unti kong tinaas ang aking tingin hanggang sa magtama ang aming mga mata ni Seven. Seryoso ang tingin niya sa 'kin na animoy hinuhusgahan ako. Maya-maya lang, isang bagay ang kinuha niya sa kanyang bag at nagulat na lang ako nang pisikan niya ang aking mukha ng alcohol. "Pweh! pweh! Ano ba?!" inis na inis kong sigaw sa kanya. "Mag-sanitize ka," seryoso niyang wika. "Ang arte-arte mo! Hindi ka ba tumatae?" "Hindi sa maraming tao," tugon niya saka lumakad nang palayo sa aking kinaroroonan. "Hoy! Masamang hangin lang 'yong kanina! Judgemental ka!" sigaw ko saka nagmamadaling sumunod sa kanyang paglalakad. Bakit naman kasi sa dinami-rami ng oras na sasakit ang tiyan ko, ngayon pa? Iba rin kasi 'yong kabang naramdaman ko kanina, biglang umikot 'yong sikmura ko dahil sa kaba. Sa pagbalik namin ni Seven sa classroom, pinaalala ng adviser ang agriculture field trip namin kaya agad kaming nag-isip ni Seven. Kahit mayroon nang napiling lokasyon, biglang nagbigay ng suhesyon si Seven na ganapin na lang ito sa isang farm nila sa Batangas. Iba talaga ang nagagawa ng mayayamang gaya niya. Hindi naman tumanggi ang aming professor dahil libre naman itong ipapagamit ng pamilya Perez. *** Ilang araw ang lumipas at dumating ang araw ng aming field trip. Halos mapatampal ako sa aking noo dahil nagdesisyong sumama ang mga magulang namin ni Seven dahil matagal na rin daw silang hindi nakakapunta sa farm. Kaya imbes na sumakay kami sa designed bus ng school, nakasakay kami sa private van nina tita. Ang awkward lang dahil isang revelation na naman ang malalaman ng mga estudyante sa school namin. Sa pagdating namin sa farm, nanlaki ang aking mga mata dahil napakaganda ng paligid at maaliwalas. Kaunting pagmamaneho lang din, nandoon na ang beach sa 'di kalayuan. Pwede kaming mag-swimming matapos ang activity. Mayroong lounge sa lugar at malaking rest house, kung iisipin, tila private farm talaga ang lugar na ito ngunit halatang alaga ang matatabang lupa. May puno ng manga, saging, buko, at kung ano-ano pa. Sa 'di kalayuan naman ay nandoon ang mga bulaklak na nagpapaaliwalas at nagdadagdag ng ganda sa paligid. Mayroon ding isang malaking bakanteng lupa na sa tingin ko ay maaari naming gamitin para sa activity. "Okay class. Let's all give thanks to Perez Family para sa pagpayag nilang gamitin ang farm na ito," pagtawag sa aming pansin ng aming guro. Nagsimula kaming lumapit sa kanya at nakinig sa kanyang mga paalala. Kasama namin ang ibang section na kanyang tinuturuan kaya halos dumami ang mga taong hindi ko kilala rito. "Siya ba 'yong girlfriend ni Seven?" "Oo siya nga." "Akala ko naman..." Hindi nila tinuloy ang sasabihin at nagsimula na silang tumawa. Halos mapakamot na lang ako ng aking ulo dahil sa mga babaeng iyon, ngunit nagulat ako nang biglang sumulpot si Seven sa aking tabi. "M-Multo ka ba? Bakit bigla-bigla kang sumusulpot?" inis kong saad sa kanya. Seryoso lang ang mukha ni Seven at diretsong nakatingin sa professor naming ngayon ay nagpapaliwanag sa mga bagay na aming gagawin. Hanggang sa maya-maya lang, pinatong ni Seven ang kamay niya sa aking balikat. Narinig ko namang napasinghap ang mga babaeng nagbubulungan kanina at saka inis na inis na umalis. Nang tuluyan silang lumayo, marahang tinanggal ni Seven ang pagkakahawak sa aking balikat saka umalis. Problema no'n? wiko ko sa sarili. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa pakikinig sa aming guro. Hanggang sa maya-maya lang, natamaan ng aking mata ang isang babaeng pasilip-silip sa aking kinaroroonan. Napangiwi ako nang mapagtanto ko kung sino ang babaeng ito – si mommy. Diretso at nakangisi siyang nakatingin sa akin, animoy nagsasabing, may dapat akong ipaliwanag sa kanya. Napahagod na lang ako ng aking sentido dahil sa sunod-sunod na sakit ng ulo ang dumadating sa akin. Ano ba namang buhay ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD