Chapter 7

2186 Words
Kimberly Marquez KUNOT ang aking noo habang nakatayo sa pinto ng classroom. Ang lahat ng aking classmates ay nakatingin sa aking direksyon at nagtatapon ng matatalas na tingin. Sa paglibot ng aking paningin, nakita ko si Seven na nakatingin sa 'kin, ngunit nang magtama ang aming mga mata, agad na rin siyang umiwas at bumaling sa katabing bintana. Napabuntonghininga na lang ako saka marahang umiling. Mukhang alam ko na kung bakit ganito ang mata ng mga classmates ko. Sinimulan kong ihakbang ang aking paa patungo sa aking lamesa, saka roon umupo. "I can't believe it! Siya ba talaga ang girlfriend ni Seven? Akala ko pa naman choosy si Seven, hindi pala." "Sa true lang. Ang dami nang ni-reject ni Seven na magaganda pero, bakit siya?" Gustong-gusto ko nang pasakan ng bato ang aking tainga dahil sa mga bagay na naririnig ko. Hindi man totoo ang kanilang sinasabi, ibang klase pa rin silang manghusga ng tao. Pilit ko na lang na binalewala ang mga bagay na kanilang sinasabi at nag-focus ako sa ngayon ay kadarating lang naming guro. Bahala siya diyan! inis kong bulong sa sarili. *** Muli na namang sumakit ang aking ulo dahil sa bagong announcement ng professor namin. Magkakaroon kasi kami ng bagong activity para sa isang subject namin na tungkol sa agriculture. Kailangan naming lumabas ng school at magsagawa ng field trip sa isang malaking lupain sa Batanggas at doon gaganapin ang activity. Ayoko mang isipin, kami ni Seven ang kailangan mamuno sa buong classroom at hatiin sila sa dalawang grupo. Mayroon ding ibang section na pupunta roon para sa same activity na aming gagawin. Isipin ko palang, napapagod na ako. Matapos ang ilang oras sa classroom, nagtungo ako sa paborito kong lugar sa likod ng campus. Maraming puno sa paligid nito at malayo sa ingay ng mga estudyante. Umupo ako sa bench na nandoon at sinimulang buksan ang lunch. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa wakas ay nagkaroon din ako ng payapang oras na kasama ang sarili. Nitong nakaraang araw kasi, puro stress ang dala ng paligid sa akin. Nakakapagod. Mas lumaki ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang paborito kong mansanas na nasa loob ng aking lunch box. "Baka naman mabilaukan ka na naman." Isusubo ko palang sana ang prutas na iyon nang makarinig ako ng isang tinig mula sa itaas ng puno. Maya-maya lang, tumalon si Seven mula rito, dahilan upang hindi ko makain ang prutas ko. "Ikaw na naman?" inis kong wika sa kanya. Tumingin ako sa taas ng puno at may kataasan ito. Ngunit hindi naman ako nagtaka kung bakit kaya niya itong talunin dahil mahaba ang biyas niya. "Sabihin mo nga, may lahi ka bang unggoy? Lagi ka kasing nasa puno," natatawa ko pang tanong sa kanya. "Bakit hindi mo 'yan itanong sa mommy ko?" matalas ang na tingin niya sa 'kin. Napalunok naman ako ng laway nang maalala ko si tita at biglang nahiya sa aking sinabi. "Ito naman 'di na mabiro. Ang gwapo mo kaya," pagbawi ko sabay nagbigay ng malaking ngiti. Napangisi naman siya sa aking sinabi. Maya-maya lang, prenteng umupo siya sa aking tabi saka nag-dequatro. Gamit ang kanyang daliri, kinuha niya ang mansanas na nasa loob ng aking lunchbox saka mabilis na nilagay sa kanyang bibig. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang ginawa. Halos tumaas ang aking buhok dahil sa inis. "Hoy! Bakit mo kinain 'yon?" galit kong sigaw sa kanya. Dahil sa inis ko, pinisil ko ang kanyang pisngi at pilit na pinapasok ang aking daliri sa loob ng kanyang bibig. Halos mapahiga na siya sa bench dahil sa aking ginawa. "Iluwa mo 'yan!" muli kong sigaw. Nag-iisang slice ko na kasi iyon at kinain pa niya. Hindi sa madamot ako pero paborito ko 'yon, eh. Maya-maya lang, nakita ko ang mariin niyang paglunok saka nagbigay ng mapang-asar na ngiti sa akin. "Aaahh!" inis na inis kong sigaw sa kanya saka pinaghahampas ang kanyang dibdib. Natatawa naman siya sa akin at pakiramdam ko, gustong-gusto niya akong inaasar. "Para ka talagang bata," nangingiti niyang wika sa akin. Hindi ko alam kung bakit ngunit natulala ako dahil sa ngiti niyang iyon. Ngayon ko lang kasi siya nakitang ngumiti na walang halong kayabangan. "Baka naman tumulo na 'yang laway mo," pagputol ni Seven sa mga bagay na iniisip ko. Noon ko lang napagtanto na matagal din pala akong nakatitig sa kanya. Mabilis akong umiwas ng tingin at mariing napalunok ng laway dahil sa naramdaman kong hiya. "Anyway, ano bang ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya saka umayos ng upo. "Bukod sa dito talaga ako nagpapahinga, may kailangan din akong sabihin sa 'yo." Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. "I guess it's a benefits for me if you will really pretend to be my girlfriend," wika niya na tila nagpabingi sa aking tainga. "A-Anong sabi mo? Naririnig mo ba ang sarili mo?" inis kong tugon. "Yes and I am serious. Napansin ko kasing simula nang napabalita ang tungkol sa 'tin, hindi na ako nilalapitan ng mga baabe naging payapa ang buhay ko. I think okay lang na kahit ikaw na lang ang nakakausap kong babae dahil magkasama naman tayo sa bahay," sunod-sunod niyang wika. Natulala ako sa kanyang sinabi dahil ngayon ko lang siya narinig na magsalita nang mahaba. Ngunit agad ding nawala ang pagkamangha ko nang ma-absorb ko nang tuluyan ang bagay na sinabi niya. "Ang selfish mo, ano? Benefits mo lang ang iniisip mo, paano naman ako? Alam mo bang sinusugod ako ng mga babae mo?" "Alam ko," maiksi niyang tugon saka sinandal ang likod sa bench at tumingala sa langit. "But they will soon accept it at matatahimik din. In the end, pareho tayong matatahimik ang buhay," pilit niyang pagkumbinsi sa akin. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang ideya niya ngunit pakiramdam ko ay may point ang kanyang sinasabi. "Hindi kaya inuuto mo lang ako?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at naging seryoso. Maya-maya lang, nilagay niya ang kamay sa bulsa saka tumayo. "Bahala ka nga," maiksi niyang saad saka tuluyang lumakad palayo sa aking kinaroroonan. Halata sa kanyang hitsura na nag-init na naman ang kanyang ulo. "Tingnan mo 'yong isang 'yon, pikon talaga," natatawa kong wika. Nang tuluyan siyang makalayo sa akin, sandali akong sumandal sa bench ba kinauupuan ko, saka tumingin sa langit na nasa likod ng sanga ng mga puno. Nakakapanatag ang hinahatid nitong hangin at pakiramdam ko, nakakapag-isip ako nang maayos habang tinititigan ang bughaw na alapaap. Hanggang sa maya-maya lang, pumasok sa aking isip ang suhesyon ni Seven kanina. Hindi ko alam kung bakit kp iniisip ang bagay na ito dahil sa kalooban ko palang ay tutol na ako nang bongga. Iyon ngang maging vise president nita ay kinasusuka ko na, iyon pa kayang maging fake girlfriend niya? Pero posible kaya talagang tumahimik ang mga baliw niyang tagahanga? Kahit malalim na ang aking iniisip, mas lalo pa itong lumalim sa mga posibility na sinabi sa akin ni Seven. Kung hindi sila katulad ng mga fans na nakikita ko sa internet, baka maaaari ngang magkatotoo iyon, ngunit kung same lang, baka katayin nila ako nang buhay. Mariin akong napakamot ng ulo at kinilabutan sa mga bagay na aking iniisip. Maya-maya lang, nanlaki ang aking mga mata nang mapansin kong may dalawang babaeng estudyante ang patungo sa aking kinaroroonan habang nagkukuwentuhan. Agad akong tumayo at nagtago sa isang malaking puno. Mabuti na lang at abala sila sa pagchitsismisan kaya hindi nila ako napansin. Sa pag-upo ng dalawa sa bench na kinauupuan ko kanina, nagdesisyon na akong humakbang nang dahan-dahan upang hindi nila ako marinig. "Narinig mo na ba 'yong balita?" "Ang ano?" "May girlfriend na raw si Seven." "Ah! Oo, nakakalungkot nga, eh. Pero I think deserve niyang maging masaya." Hindi ko alam kung bakit hindi ko maihakbang ang aking paa nang marinig ko ang usapan nilang iyon. Pakiramdam ko ay nais kong manatili roon at marinig pang muli ang kanilang sinasabi. "Crush mo pa rin ba siya?" muling tanong ng isang babae. "Hindi na. Wala pala siyang taste sa babae. Nakaka-turn off." Mariin kong naikuyom ang aking kamay at pilit na pinagtimpi ang sarili. Pakiramdam ko ay ako ang kanilang tinutukoy at gusto kong tumalon sa kinaroroonan nila at manakit ng babae. "Totoo, beh. Nakita mo 'yong post no'ng girl? Nag-deny pa siya na hindi raw totoo ang issue. The nerve! Siya pa talaga ang tumanggi?" Pakiramdam ko ay ilang mabibigat na bato ang dumagan sa aking ulo dahil sa kanilang usapan. Mali yata na nanatili ako rito. Sinubukan kong ihakbang muli ang aking paa nang tahimik. "Pero anyway, kung totoo man o hindi, I think iiwasan ko na si Seven at ang babaeng iyon. Though gusto ko si Seven, nirerespeto ko pa rin ang desisyon niya." "Oo nga, kahit para na lang kay Seven." "Yes, I want him to be happy and have a peaceful love life. Basta kapag nag-break sila, willing akong sumalo," kinikilig pang saad ng babaeng iyon. Matapos ang mahaba nilang pag-uusap, napansin ko na mas nauna pa silang umalis kaysa sa akin, nakita ko na lang na palayo na sila sa bench na inuupuan ko kanina. Muli akong lumabas mula sa pinagtataguan ko. Animoy echo na paulit-ulit ang salitang kanilang sinabi – iiwasan na nila si Seven at ang babaeng iyon. Wala sa sariling tumaas ang gilid ng magkabila kong labi. Para akong baliw na ngumingiti sa kawalan. Kung ganoon, tama pala si Seven. Mawawalan na ng gana ang mga babaeng iyon sa kanya at maging sa akin. Muli na namang tatahimik ang buhay ko. 'Wag lang sana katulad noong kababaihang humarang sa akin noong nakaraan. Mabilis akong tumakbo pabalik sa loob ng campus. Palingon-lingon ako sa paligid at hinanap ko kung nasaan ang manyak na iyon. Hanggang sa maya-maya lang, nakita ko siyang naglalakad sa hallway patungo sa amjng classroom. Mabilis akong nagtungo sa kaniyang kinaroroonan, saka pasimpleng tumabi sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay, pinag-intertwined ko pa ang aming mga daliri dahilan upang mapatigil si Seven sa paglalakad at kunot noong napatingin sa akin. "A-Anong–?" "Sabay na tayong pumasok sa classroom, Dhie," tawag ko sa kanya, short for daddy. Halata sa mukha ni Seven na natatawa siya dahil sa aking ginawa, ngunit pilit niyang pinigilan ang pagtawa. Maya-maya lang, nanlaki ang aking mga mata at tila naging slow-motion ang paligid nang marahan niyang itaas ang aming kamay saka inayos ang pagkakahawak sa isa't isa. "Let's go, mhie." Natulala ako sa kanyang mukha habang bahagya siyang nakatingin sa akin nang diretso. Hindi ko alam kung anong nangyari pero pakiramdam ko ay tumigil ang oras at bumilis ang t***k ng aking puso. Mariin akong napalunok at mabilis na iniwas ang tingin sa kanyang mga mata. Kimberly Marquez, umayos ka! It's not what you think it is! bulyaw ko sa aking isip. Nagsimula kaming maglakad ngunit pakiramdam ko ay hindi lumalapat sa lupa ang aking mga paa. Pakiramdam ko ay lumulutang ang aking isip habang kasama ko ang lalaking ito at nakahawak sa mainit niyang kamay. Halos lamunin na ako nang lupa nang sabay kaming maglakad sa hallway lahat ng estudyante ay nakasunod ng tingin sa amin, tila sinusuri nila ang buo kong katawan at jinu-judge ako sa kanilang isip. "It's official na pala?" bulong ng isang babae. "Hindi pa rin ako makapaniwala. Oh my G!" Sa bawat classroom na nadadaanan namin ay nagsisimula ang mga bulungan sa paligid. Ngunit kung mayroon mang bagay na kinatutuwa ko ngayon sa nangyayari, iyon ay ang posibility na maging payapang muli ang aking buhay estudyante. Nang tuluyan kaming makapasok sa aming classroom, hinatid pa ako ni Seven sa aking upuan at inayos nang mabuti ang pagkakalagay sa bag ko, saka siya ngumiti sa akin at umupo sa sarili niyang bangko. Napapasunod na lang ako ng tingin sa kanya dahil sa kanyang ginagawa. Napakagaling naman pala talagang umarte ng lalaking ito. Hanggang sa matapos ang klase, tanging bulungan tungkol sa aming dalawa ang naririnig ko, ngunit nang sumapit na ang uwian, natigil din ito at tila wala nang estudyante ang may pakialam sa aming dalawa, dahilan upang lubos akong matuwa. Parang bagyong dumaan lang ang issue. *** Kinabukasan, masaya akong nagising dahil wala na ang bigat na nararamdaman ko. Matapos akong maghilamos ay agad na rin akong bumaba mula sa aking kwarto. "Ma! Ano pong ulam?" tanong ko kay mama nang pumunta ako sa kusina. Nagkakamot pa ako ng aking ulo at humihikab nang maabutan ko sila ni tita na nagluluto ng umagahan. "Bakit hindi ka kaya tumulong sa pagluluto. Batugan." Dumilat nang malaki ang aking mga mata nang marinig ko ang malalim na tinig ni Seven na ngayon ay nagsasara ng refrigerator. Matapos niyang kunin ang isang juice, lumakad siya at nilampasan ako na animoy walang nakita. Anong problema no'n? Ibang-iba siya roon sa Seven na kasama ko kahapon. Ang lakas talaga ng topak niya, nasambit ko na lang sa aking isip habang kunot-noong lumalakad patungo kanila mommy. Muli ko na namang iniisip ang dahilan kung bakit ako pumayag na magpanggap na girlfriend ni Seven. At muli na namang kumulo ang dugo ko kapag iniisip ang kasamaan ng ugali niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD