Chapter 24

1505 Words

Mark Chester Hizon SA aking paglayo mula sa kinaroroonan ni Kim, hindi na ako muling lumingon pa. Diretso akong lumakad at lumiko sa isang hallway na kung saan ay hindi na niya ako nakikita. "Ano sa tingin mo? Napaniwala mo ba siya?" Diretso akong napatingin sa isang tinig na narinig ko mula sa aking harapan. Nakita ko si Jenny na nakasandal sa pader habang nakahalukipkip. "Hindi ganoon kadali na paniwalaan niya ko. Sa tingin ko ay hindi siya ganoong klase ng babae," seryoso at sunod-sunod kong wika. "Ganoon ba? Pero tulad ng usapan natin, kailangan mong tumupad. Gusto mong maghiganti kay Seven 'di ba?" aniya. Tumango lang ako at tumingin sa paligid. Iniisip na baka may makakita sa amin ng babaeng ito. "Sige na, baka may makakita pa sa 'tin," wika ko sa kanya saka diretsong lumakad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD