DUSTIN "ANO bang gagawin mo sa phone ko, Scoldy?" That's the third time she asked me about that. "Fine, kukunin ko ung number ni Lloyd," pag-amin ko. Kita ko naman ang pagtaas ng kilay niya habang sinusuklay ang buhok ko pataas. “Hindi ka naman makikipag-away sa kan’ya, ‘di ba? Ayokong makipag-away ka dahil sa amin o sa akin,” saad niya sabay sulyap “Nope, just talk. Promise!” saad ko sabay ngiti. Natawa lang ito sa akin bago ibinaba ang mukha at dinampian ng magaan na halik ang tungkil ng ilong ko. “Why on my nose? You can kiss me on my lips, baby…” saad ko na ikinatawa naman niya sabay baba at binigyan ako ng smack. “Okay na iyan! Nakakarami ka na,” singhal niya. Tumango lang naman ako dito, umirap lang siya sa akin bago marahan umalis sa hita ko. Kinuha nito ang phone niya at

