DUNSTIN "SO, saan tayo pupunta ngayon?" tanong ni Trev nang makapasok ito ng unit ko. He sat on my couch like he was really living here! "Sa ex ni Cai," diretsong sagot ko na ikinatawa niya. Tinignan ko ito habang nagsusuot ako ng relo ko. "Anong gagawin natin sa kan'ya? Bakit mo ako pinadala ng mga gamit ko," tanong nito sabay ayos ng upo. "Babalatan natin ng buhay! Kukunin natin ung mga laman loob tapos idodonate natin sa mga nangangailangan, okay na ba iyon?" tamad kong tugon sa kan'ya. Tinaasan lang naman niya ako ng gitnang daliri. "Nagtatanong ako ng maayos e," saad niya. "Alam mo naman na 'di ba? Sinabi ko na sa iyo over the phone!" singhal ko sa kan'ya. Tinignan naman ako nito ng diretso bago pumangalumbaba. "Seryoso ko ka doon?" tanong niya na ikinatango ko. "Why? I mea

