TATLONG linggo na ang nakalipas simula nang magsimulang magtrabaho si Celeste bilang sekretarya ni Jace.
Tatlong linggo—ngunit sa pakiramdam niya ay tila ilang buwan na ang lumipas dahil sa dami ng mga pangyayaring nagpabago sa kanyang mundo. Ang trabaho na dati ay puno ng stress ay naging kasiya-siya; ang boss na dati ay malamig at suplado ay naging malambing at maalaga; at ang kanilang relasyon na nagsimula bilang boss at secretary ay naging... isang bagay na mas malalim.
Prenteng nakaupo si Celeste sa kanyang upuan, tila abala sa pag-aayos ng mga emails ni Jace, ngunit ang kanyang diwa ay naglalakbay sa malayo. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip sa naganap noong Friday night—ang kanilang unang date, ang mga bituin sa Tagaytay, at ang halik na nagpabago sa lahat. Hindi pa rin siya maka-move on sa tamis at saya no’ng sandaling iyon.
Eksaktong alas-otso ng umaga nang tumunog ang elevator. Inasahan ni Celeste ang pagdating ni Jace, ngunit sa pagkakataong ito, hindi siya nag-iisa.
Kasama niya ang isang babae na tila hinugot mula sa pahina ng isang fashion magazine. Nasa bente-singko anyos ito, nakasuot ng isang pulang bodycon dress na bumabakas sa bawat kurba ng kanyang katawan. Designer bag, mamahaling heels, at isang mukhang perpektong naretoke ng makeup at styling. Higit sa lahat, ang kanyang kamay ay mahigpit na nakakapit sa braso ni Jace.
Natigilan si Celeste. Isang matulis na kirot ang biglang gumuhit sa kanyang dibdib. Sino siya?
"Good morning, sir," bati ni Celeste. Pinilit niyang panatilihin ang kanyang professional tone, ngunit ang kanyang mga mata ay hindi maalis sa estrangherong babae.
"Good morning, Ms. Cruz," pormal na sagot ni Jace. Ang init na naramdaman ni Celeste nitong mga nakaraang araw ay biglang naglaho; tila bumalik ang "Old Jace" na cold and distant.
Tumingin si Jace sa babae at malumanay na nagsalita. "Wait for me inside. I'll just brief my secretary."
Ngumiti ang babae—isang flirty at mapanuring ngiti. "Don't take too long, baby," hirit nito bago tuluyang pumasok sa opisina ni Jace.
Baby. Ang salitang iyon ay parang sampal sa mukha ni Celeste.
Lumapit si Jace sa desk ni Celeste, bahagyang humilig, at ibinaba ang kanyang tinig. "I can explain," bulong niya.
"Sino siya?" tanong ni Celeste. Sinisikap niyang maging kalmado, pero ang panginginig ng kanyang boses ay nagpapakita na nasasaktan siya.
"Daniella Montero," sagot ni Jace. "Ex ko siya. Bigla na lang siyang sumulpot sa building ngayong umaga. Sabi niya ay kailangan niya akong kausapin tungkol sa isang mahalagang bagay. Hindi ko siya basta-basta matatanggihan." Mahabang paliwanag nito, ngunit sadyang mas lamang ang sakit na nararamdaman niya kaysa sa paliwanag nito.
Daniella Montero. Naalala ni Celeste ang pangalang iyon mula sa mga files na kanyang binasa noong panahong kinakailangan niyang kilalanin si Jace. Si Daniella ay isang sikat na socialite at dating karelasyon ni Jace.
"At tinawag ka niyang 'baby'," dagdag ni Celeste sa isang flat na tono.
"Ganoon lang talaga siya," paliwanag ni Jace na may bahid ng pagod. "Clingy and delusional. Ilang buwan na kaming break pero tumatanggi siyang tanggapin iyon."
"Nakangiti siya habang nakahawak sa braso mo na parang kayo pa," madiing sabi ni Celeste.
"Celeste, please," pakiusap ni Jace. "Magtiwala ka sa akin. Wala na kami. Lilinawin ko ulit iyon sa kanya ngayon."
Tumango si Celeste, bagaman ang sakit sa kanyang dibdib ay hindi pa rin humuhupa.
"I need to talk to her," sabi ni Jace. "This will take maybe thirty minutes. After that, we'll talk. Okay?"
"Okay," sagot ni Celeste. Wala siyang choice kahit ayaw niya.
Naiwan si Celeste na nakatitig sa naka saradong pinto, pinakikinggan ang malabong ingay mula sa loob—ang matitining at mapanuksong boses ni Daniella laban sa matatag at mahinahong tinig ni Jace.
Sa wakas, pagkalipas ng isang oras at labinlimang minuto, bumukas ang pinto. Lumabas si Daniella na namumula ang mga mata at kalat ang mascara sa mukha. Pagkakita niya kay Celeste, binigyan niya ito ng isang mapoot na tingin.
"You," sabi ni Daniella, puno ng akusasyon. "Ikaw ang dahilan kung bakit niya ako iniwan."
"Miss, hindi ko alam ang sinasabi mo—" simula ni Celeste.
"Huwag kang magmalinis," putol ni Daniella habang papalapit nang may pananakot. "Nakikita ko kung paano ka niya tingnan. Ramdam ko ang pagbabago niya dahil sa iyo. Pero tandaan mo, Jace Sullivan never stays. He gets bored. He moves on. And when he does, you'll be just another name in his list of women he used and threw away.”
Umalis si Daniella na parang bagyo, iniwang nanginginig si Celeste. Lumabas si Jace mula sa opisina, bakas ang matinding stress sa kanyang mukha.
"I'm sorry about that," sabi niya. "She's... she's not handling the breakup well."
"What did she want?" tanong ni Celeste.
"She wanted me back," sagot ni Jace. "She said she's changed. She said she loves me. She begged me to give her another chance."
"And what did you say?" tanong ni Celeste, mababakas ang takot nito sa naging sagot ni Jace sa sinabi ni Daniella.
"I said no," tipid nitong sagot. "I told her it's over. Matagal na. I told her I've moved on. I'm with someone else now."
"You told her about me?" gulat ni Celeste.
"Not by name," sagot ni Jace. "But yes. I told her I'm seeing someone. Someone who makes me happy. Someone who’s real."
Dapat ang nararamdaman niya ang relief dahil sa mga sinabi niya. Pero hindi. May something pa rin siyang nararamdaman na hindi tama.
"She said you always move on," sabi ni Celeste. "Na you get bored. Na you use women then throw them away.”
Kahit na umamin si Jace na pinili siya, ang mga salita ni Daniella ay tila nakaukit na sa isip ni Celeste. "Is that what you think of me?" tanong ni Jace nang mapansin ang kanyang pag-aalangan. "Na gagamitin lang kita at itatapon?"
"Hindi ko na alam ang iisipin ko, Jace," tapat na sagot ni Celeste. "Tatlong linggo pa lang tayong magkakilala. Napakabilis ng lahat. At ngayon, heto ang ex mo, sinasabi ang lahat ng ito..."
Hinawakan ni Jace ang kanyang mga kamay. "Iba ito, Celeste. Dahil nakikita mo ang totoong ako—hindi ang CEO o ang Sullivan heir, kundi ang tao sa ilalim ng lahat ng iyon."
Naramdaman ni Celeste ang matinding guilt. Dahil sa totoo lang, hindi niya nakikita ang buong katotohanan, dahil siya mismo ay nabubuhay sa isang malaking kasinungalingan.
Naputol ang emosyonal na sandali nang tumunog ang phone ni Jace. Ang caller ID ay nagpabago sa aura ni Jace—naging malamig at tense siya muli. "I need to take this. It's my father."
Pagdating ng lunch time, lumabas si Celeste ng building upang makalanghap ng sariwang hangin. Sa isang bench sa parke, nag-text siya kay Atty. Cruz: "Need to talk. Urgent."
Nagreply ang abogado na bukas sila magkikita sa parehong oras at lugar. "Be careful, Luna," paalala nito.
Luna. Ang kanyang totoong pangalan ay Luna Marie Hart. Si Celeste Cruz ay isang facade lamang. Ngunit bakit tila mas komportable na siyang maging si Celeste? Bakit parang mas authentic ang kanyang buhay bilang sekretarya kaysa bilang isang tagapagmana?
Bumalik siya sa opisina at hinarap ang hapon na parang walang nangyari. Subalit sa kabilang kwarto, ramdam niya ang bigat na dala ni Jace matapos ang tawag ng ama nito.
Alas-singko ng hapon, tinawag siya ni Jace sa loob ng opisina. Nakita ni Celeste si Jace na may hawak na baso ng whiskey—isang bagay na hindi nito karaniwang ginagawa sa oras ng trabaho.
"My father is demanding a meeting this Saturday," bungad ni Jace. "Isang family dinner. At namimilit siyang magdala ako ng date. Narinig niyang may girlfriend ako at gusto niya itong makilala."
"Gusto niya akong makilala?" tanong ni Celeste, kinakabahan.
"Ayaw kitang iharap sa kanya, Celeste," pag-amin ni Jace. "Si papa ay mapanira, manipulative, at malupit. Gagawa siya ng paraan para takutin ka."
Ngunit sa isip ni Celeste, ito na ang pagkakataon na hinihintay niya. Isang pagkakataon na makaharap ang kaaway at kumuha ng impormasyon para sa kanyang misyon.
"I'll go," matapang na sabi ni Celeste.
"Celeste, hindi mo kailangan—"
"Gusto ko," putol niya. "Kung makakatulong ito sa iyo, sasama ako. Kaya kong harapin ang tatay mo."
Tumingin si Jace sa kanya nang may pasasalamat at takot. Binabalaan niya si Celeste na tiyak na maghuhukay ang kanyang ama sa nakaraan nito upang makahanap ng dumi.
"I have nothing to hide," sabi ni Celeste—ang pinakamalaking kasinungalingan sa lahat.
Nang makalabas siya ng opisina, mabilis siyang nag-text kay Atty. Cruz upang ipaalam ang bagong plano ito ay ang pagharap niya kay Don Ricardo Sullivan bilang girlfriend ni Jace.
Agad na nag-reply ang abogado na puno ng pangamba. "WHAT?! Luna, that's too risky. One wrong move, busted ka."
Alam ni Celeste ang panganib. Ito na ang pinakamapanganib na bahagi ng kanyang pagpapanggap. Haharapin niya ang taong sumisira sa kanyang pamilya habang nagpapanggap na minamahal ang anak nito.
And if she fails, lahat mawawala.
Ang mission. Ang disguise. Ang trust.
Si Jace.
Everything.
Pero wala nang choice.
She's in too deep now.
And the only way out is through.
So she'll go to that dinner.
She'll face Don Ricardo Sullivan.
And she'll play her part perfectly.
Kasi, that's what Luna Hart does.
She fights.
She survives.
She wins.
Or at least, she tries.