ALAS-SAIS na ng gabi. Ang tensyon sa loob ng opisina ay napalitan na ng matamis na tagumpay matapos ang investor presentation. Ang mga Singaporean investors ay kitang-kitang humanga; may verbal agreement na at mga lagda na lamang sa papeles ang kulang.
Naka-upo si Celeste sa kanyang desk, tahimik na nag-aayos ng mga huling files. Pagod ang kanyang katawan, ngunit may kakaibang satisfaction sa kanyang dibdib. Isa na namang matagumpay na proyekto ang nalagpasan niya.
Eksaktong sandaling iyon, lumabas si Jace mula sa kanyang opisina. Maluwag na ang pagkakatali ng kanyang kurbata, bakas ang pagod sa kanyang mga mata pero hindi maitatago ang saya sa kanyang mukha.
"Great work today," bati niya kay Celeste. "Yung presentation deck na ginawa mo—it was perfect. The investors loved it."
"Thank you po, sir," sagot ni Celeste. Ngumiti siya—isang tapat at sincere na ngiti na bihira niyang ipakita.
Lumapit si Jace sa kanyang desk at bahagyang humilig. Ibinaba niya ang kanyang boses, ginagawang mas pribado ang usapan.
"So," simula niya. "Remember we said we'll take this slow?"
"Yes," sagot ni Celeste, ramdam ang biglang kaba at kuryosidad.
"How about dinner?" tanong ni Jace. "Isang totoong date. Not a business dinner, but an actual date. This Friday night. What do you say?"
Natigilan si Celeste. Isang totoong date.
Sa isang bahagi ng kanyang pagkatao—ang bahaging si Luna Hart—ay nag-panic siya. Pakiramdam niya ay masyadong mabilis ang lahat at nagiging masyadong totoo ang sitwasyon. Pero sa kabilang bahagi—ang bahaging si Celeste Cruz—ay hindi niya napigilang mamula. She felt excited. Happy.
"Okay," sagot niya. "Friday night. Saan po?"
"Surprise," sabi ni Jace na may pilyong ngiti. "I'll pick you up at seven. Wear something nice pero comfortable. Not too formal."
"Okay," sagot ni Celeste bago siya natigilan. "Wait, you'll pick me up? Sa apartment ko?"
"Yes," paninindigan ni Jace. "I want to do this properly. Susunduin kita, dadalhin sa dinner, at ihahatid pauwi. A proper date."
Muling nag-blush si Celeste. "Okay."
Ngumiti si Jace nang malapad. "Looking forward to it. See you tomorrow, Celeste."
Naiwang nag-iisip si Celeste matapos umalis ni Jace. Unang totoong date niya ito kasama si Jace Sullivan, at gagawin niya ito bilang si Celeste Cruz.
Doon siya tinamaan ng realidad: ano ang kanyang isusuot? Wala siyang designer clothes sa kanyang maliit na apartment. Wala siyang fancy dresses. Lahat ng gamit niya ngayon ay galing lang sa department store—simple at pang-masa.
Kailangan niyang bumili, pero limitado ang kanyang pera. Ang sahod niya ay sa susunod na linggo pa. Kinuha niya ang kanyang phone at tiningnan ang bank account ni Celeste Cruz. May tatlong libong piso pa—ang kanyang emergency fund.
"Sapat na ito para sa isang disenteng damit," bulong niya sa sarili.
Pagdating ng Huwebes, ginamit ni Celeste ang kanyang lunch break para pumunta sa SM Makati. Nag-browse siya sa clothing section, sinusuri ang bawat rack. Ang daming choices, pero ang budget niya ay tatlong libo lang para sa buong outfit.
Sinubukan niya ang iba't ibang dresses. Ang pink ay masyadong maliwanag. Ang itim ay masyadong plain. Ang asul naman ay mukhang masyadong casual. Hanggang sa nakita niya ang isang simple red dress—knee-length, fit pero hindi masyadong tight, may sweetheart neckline at maliliit na sleeves. Elegant pero simple.
Chineck niya ang price tag: Two thousand five hundred pesos. Affordable at sakto sa budget niya.
Nang isukat niya ito, ang fit ay perfect. Swak sa kanyang katawan, hindi masyadong revealing pero napaka-flattering. Bumili rin siya ng simpleng black heels sa halagang limandaang piso.
Total: Three thousand pesos. Ubos ang emergency fund niya, pero para sa kanya, worth it ito. Dahil ito ang unang pagkakataon na makikipag-date siya kay Jace.
Dumating ang Biyernes. Buong araw na hindi makatutok si Celeste sa trabaho dahil sa halo-halong emosyon. Si Jace naman ay mas tahimik kaysa sa karaniwan, pero bawat tingin niya kay Celeste ay may kasamang banayad na ngiti.
Alas-singko pa lang ay nag-early out na si Celeste. Kailangan niyang mag-prepare.
"Going somewhere?" tanong ni Jace nang makitang nag-aayos na siya ng gamit.
"Ah, yes sir," sagot ni Celeste. "May... pupuntahan lang po."
Ngumiti si Jace, ngiting alam niya kung bakit ito nagmamadaling umuwi. "See you later."
Pag-uwi sa apartment, dumaan si Celeste sa isang masusing ritwal. Nag-shower siya nang matagal, nag-lotion, at nag-effort sa kanyang buhok. Nilagyan niya ng volume at curls ang dulo nito—malayo sa kanyang usual na straight ponytail sa opisina.
Ang makeup niya ay simple lang, foundation, concealer, contour, at eyeshadow sa brown shades. Nilagyan niya ng eyeliner at mascara ang kanyang mga mata, at tinapos ito gamit ang pulang lipstick na bumagay sa kanyang damit.
Nang isuot niya ang pulang dress at tumingin sa salamin, humanga siya sa sarili. Hindi ito ang Luna Hart na ganda na puno ng glitz at glam; ito ang Celeste Cruz na ganda—simple, natural, at totoo.
Eksaktong alas-siyete, may kumatok sa pinto.
Huminga nang malalim si Celeste bago binuksan ang pinto. Si Jace ay nakatayo doon, naka-casual look: dark jeans, white button-down shirt, at navy blue blazer. Ang buhok niya ay medyo messy pero natural, at ang amoy niya ay ang mamahaling cologne na hindi masakit sa ilong.
"Wow," bulong ni Jace habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa. "You look... beautiful, Celeste. Sobrang ganda."
"Thank you. You look great too," sagot ni Celeste habang nararamdaman ang muling pag-init ng kanyang mga pisngi.
Sumakay sila sa isang sleek black Audi sports car—hindi ang karaniwang Mercedes na ginagamit ni Jace para sa trabaho. Habang nagmamaneho palabas ng Metro Manila patungong Tagaytay, ang usapan nila ay naging magaan at natural. Pakiramdam ni Celeste, hindi ito ang kanilang unang date; parang matagal na silang magkakilala.
Isang oras ang lumipas at nakarating sila sa Tagaytay. Imbes na sa mga kilalang tourist spots, pumasok si Jace sa isang private road na may mahigpit na security. Bumungad sa kanila ang Estrella’s—isang private mansion na ginawang exclusive restaurant.
"Private restaurant ito," kwento ni Jace habang bumababa sila. "Members only. One of my favorite places dahil tahimik at private. Perfect for first dates."
Pagpasok nila, ang interior ay talagang breathtaking. Crystal chandeliers, white marble floors, at floor-to-ceiling windows na nakaharap sa Taal Lake. May tumutugtog na acoustic music gamit ang guitar at violin. Dinala sila sa isang private corner sa veranda na pinaliligiran ng fairy lights at kandila.
"Order anything you want," sabi ni Jace habang inaabot ang menu.
Napansin ni Celeste na walang nakalagay na presyo sa menu—isang malinaw na senyales na napakamahal ng pagkain sa lugar na ito. Bilang si Celeste Cruz, kailangan niyang mag-act na impressed pero hindi overwhelmed, kahit na bilang si Luna Hart ay nakapunta na siya sa mas mararangyang lugar.
Habang hinihintay ang kanilang pagkain—French onion soup, grilled salmon parin ang para kay Celeste, at Wagyu steak para kay Jace—naging malalim ang kanilang usapan.
"So," simula ni Jace. "First date. How am I doing so far?"
Natawa si Celeste. "So far, perfect. Ang ganda ng place at ang romantic ng setup."
"I wanted it to be special," seryosong sabi ni Jace. "Kasi you're special, Celeste. Iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko. You're real. You're genuine. You're not after anything except just being yourself."
Kumirot ang puso ni Celeste sa sinabing iyon ni Jace. Ang kabalintunaan ay hindi siya tunay; isa siyang espiya, isang kasinungalingan. Pero ngumiti na lang siya nang matipid.
Nang tanungin siya ni Jace tungkol sa kanyang mga pangarap, nag-isip si Celeste. Bilang Luna Hart, wala siyang pangarap kundi ang magpakasasa sa luho. Pero bilang Celeste Cruz?
"I want stability," tapat na sagot niya. "Gusto ko ng buhay na hindi ko kailangang mag-alala sa pera araw-araw. Gusto kong patunayan na capable ako... na may layunin ang buhay ko."
Nagbahagi rin si Jace ng kanyang hinaing—ang kagustuhang kumawala sa anino ng kanyang ama at linisin ang pangalan ng kanilang kumpanya. Hinawakan ni Celeste ang kamay nito sa ibabaw ng mesa.
"You can fix it, Jace," pagpapatatag niya sa loob ng lalaki. "Kasi you care. And caring is the first step.”
Matapos ang hapunan, lumabas sila sa veranda para pagmasdan ang Taal Lake. Ang view ay talaga napaka ganda—puno ng bituin ang langit at ang liwanag ng buwan ay sumasalamin sa tubig.
Lumapit si Jace mula sa likuran at dahan-dahang yumakap sa baywang ni Celeste. Bahagyang na-tense si Celeste bago tuluyang nag-relax at sumandal sa dibdib ni Jace.
"This is nice," bulong ni Jace sa kanyang tainga.
"It is," sagot ni Celeste.
"Celeste," tawag ni Jace sa mas seryosong tono. "I know we're taking this slow, but I need to tell you something. I'm falling for you. Hard. Fast. I know it's scary, but it's the truth."
Halos tumigil ang t***k ng puso ni Celeste. He was falling for a lie. Pero hindi niya maitatago ang nararamdaman niya.
Pinaikot siya ni Jace para magkaharap sila. Hinawakan ni Jace ang kanyang mukha nang buong lambing.
"You don't have to say anything," sabi ni Jace. "Walang pressure. Just the truth."
Tumingin si Celeste sa mga mata nito at nakita ang katapatan nito. "I'm falling for you too," amin niya sa isang bulong. "I tried to keep it professional, but I can't help it. You're everything I didn't know I wanted."
Ngumiti si Jace nang may ginhawa bago dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha. Hinalikan niya si Celeste—isang halik na nagsimulang matamis hanggang sa naging madamdamin at puno ng pagnanais. Sa sandaling iyon, ang mundo sa paligid nila ay tila naglaho.
Nang maghiwalay sila, pareho silang humahangos, ang kanilang mga noo ay magkadikit.
"Wow," bulong ni Jace.
"Yeah," sagot ni Celeste. "Wow."
Nagyakapan sila nang mahigpit, damang-dama ang init at kaligtasan sa bisig ng isa’t isa. Sa sandaling iyon, nagdesisyon si Celeste: anuman ang mangyari, anuman ang maging kapalit ng kanyang lihim, ang nararamdaman niya ngayon ay totoo. Hahawakan niya ito hangga't kaya niya, bago pa man gumuho ang lahat sa oras na lumabas ang katotohanan.
Pero sa ngayon, sapat na ito. Sapat na si Jace.