ALAS-KUWATRO ng umaga, gising na si Celeste.
Hindi siya makatulog ng maayos buong gabi. Puro isip. Puro kaba. Puro takot na baka magkamali siya sa first day nang trabaho niya.
Bumangon siya kahit madilim pa. Tahimik ang loob ng apartment at ang tanging tunog lang ay ang ingay ng sasakyan sa labas at ang electric fan na umiikot.
Pumasok siya sa banyo at naligo. Malamig parin ang tubig pero medyo nasasanay na siya. Mabilis lang—ten minutes, then tapos na siya at lumabas na ng banyo.
Nagtungo siya sa harap ng maliit na salamin sa kwarto. Nagsimula siyang mag-ayos ng kanyang sarili. Nag-blow dry ng buhok hindi ganun kaganda ang resulta dahil wala na ang salon quality—pero presentable naman. Nag-makeup, the usual BB cream, concealer, powder, blush, mascara, nude lipstick. Light lang pero maayos naman ang dating.
Kinuha niya ang outfit na naka-prepare na—cream-colored blouse, black slacks, low black pumps. Simpleng pearl earrings. Walang necklace. Walang bracelet. Just a simple watch.
Tumingin siya sa salamin. Ang babaeng nakikita niya ay mukhang malayong malayo sa Luna Hart na kilala nila. A simple working girl. Hindi heiress. Hindi socialite.
Perfect.
"First day, Celeste," bulong niya sa sarili. "Kaya mo 'to. You trained for this."
Alas-singko y medya, lumabas na siya ng apartment. Sobrang aga pa. Pero ayaw niyang ma-late. Sabi ni Jace kahapon—one minute late, fired na siya.
Bumaba siya ng tatlong palapag. Walang elevator pa rin. Pawis siya ng kaunti pagdating sa baba.
Naglakad siya papunta sa kanto. Sumakay ng jeep papuntang Quezon Avenue. Nakaupo siya sa may gilid, katabi ng isang manong na amoy pawis.
This is reality, naisip niya. This is how real people live.
Pagdating sa Quezon Avenue, bumaba siya. Naglakad papunta sa MRT station. Ang aga pa kaya hindi gaano kadami ang tao. Mas okay kaysa kahapon.
Bumili siya ng ticket, pumila at sumakay ng train.
Sa loob ng train, nakaupo siya. Tumingin sa bintana. Nakita niya ang reflection niya—simple lang. Walang designer clothes. Walang expensive jewelry. Walang make-up artist quality na kilay.
Pero may kumpiyansa. May purpose.
Alas-syete, nandun na siya sa Makati. Bumaba siya ng station. Naglakad papunta sa Sullivan Corporation building.
Gaya kahapon ay mataas parin ang gusali. Ang lobby ay tahimik pa nang makapasok siya rito. Kaunti pa lang ang empleyado. May mga janitors na naglilinis ng floor. May security guard na naka-upo sa desk.
Umakyat siya ng elevator. Pinindot ang floor 30.
Habang umaangat ang elevator, huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili.
Bumukas ang elevator sa 30th floor ang executive floor ng building na ito.
Lumabas na siya at naglakad papunta sa executive assistant area—yung area sa labas ng office ni Jace.
Walang tao pa. Siya lang.
Lumapit siya sa desk niya. Ang desk ay malaki at malinis. May dalawang computer monitors. May landline phone. May filing cabinets sa gilid. May printer and scanner at may maliit na pantry area sa likod.
Umupo siya sa swivel chair. Nag-log in sa computer gamit ang credentials na binigay ni Ms. Reyes kahapon.
Habang nag-lo-load ang computer, biglang dumating si Ms. Reyes. Bitbit ang coffee cup at isang folder.
"Celeste! Good morning," bati niya. May gulat sa boses pero mababakas mo rito ang pagka galak. "Grabe, ang aga mo. Hindi pa seven-fifteen."
"Good morning, Ms. Reyes," bati ni Celeste. "I wanted to make sure na maaga akong dumating. Para hindi ma-late."
Ngumiti si Ms. Reyes. "Very good. I like that attitude. Come, tutulungan kitang mag-set up. At i-brief kita sa mga duties mo before dumating si Mr. Sullivan." Lumapit si Ms. Reyes sa desk. Binuksan ang computer. Nag-explain kung saan ang lahat.
"Ito ang shared drive," sabi niya. Nag-click ng folders. "Lahat ng files ni Mr. Sullivan nandito. Organized by month, by project, by department. Your job is to maintain this organization. At isa pa, very important—backup everything. Si Mr. Sullivan, he hates losing data."
Tumango si Celeste habang nag-me-mental note.
"Ito naman ang calendar system," tuloy ni Ms. Reyes. Binuksan ang screen. May nakadisplay na schedule.
MONDAY - JACE SULLIVAN
8:00 AM - Morning briefing with secretary
9:00 AM - Board meeting - Conference Room A
11:00 AM - Conference call with Japan investors
1:00 PM - Lunch meeting with Diamond Hotel clients
3:00 PM - Department heads meeting
5:00 PM - Financial reports review
6:00 PM - End of day
"Ang schedule niya ay very tight," sabi ni Ms. Reyes. "Lagi. Your job is to make sure walang conflicts. Walang delays. Everything runs smoothly.
Understood?"
"Yes, ma'am," sagot ni Celeste.
"At isa pa—very, very important." Seryosong tumingin si Ms. Reyes directly sa mata ni Celeste. "Si Mr. Sullivan drinks coffee exactly three times a day. Eight AM, one PM, four PM. Black coffee. No sugar. No cream. Italian roast lang—nandun sa pantry. Hot. Served in the white ceramic mug na naka-label 'CEO.' If the coffee is wrong—wrong temperature, wrong blend, wrong timing—expect him to be in a very bad mood."
Napalunok si Celeste. Grabe naman pati coffee, may specific requirements.
"Nandito lahat ng instructions," sabi ni Ms. Reyes. Inabot ang folder. "Office protocols. Contact numbers. Emergency procedures. Meeting room schedules. Everything. Basahin mo."
Kinuha ni Celeste ang folder. "Thank you, ma'am."
"One more thing," sabi ni Ms. Reyes. Bumaba ang boses. "Si Mr. Sullivan, he's a good boss. Fair. Professional. Pero he's very demanding. Perfectionist. He expects a hundred and ten percent. As I’ve said yesterday, marami ng secretary ang dumaan sa kaniya pero lahat hindi nakaya. The longest one lasted five months. Most leave after two to three months."
"Bakit po?" tanong ulit ni Celeste.
"Pressure," sagot ni Ms. Reyes. "Stress. Yung feeling na you can never be good enough. Yung fact na he never smiles. Never says thank you unless you really exceed expectations. He's just... cold. Professional pero cold. Some people can't handle that."
Tumango si Celeste. "I understand, ma'am."
Tumingin si Ms. Reyes sa kanya. "You seem different from the others. You seem... determined."
"I am po," matipid na sagot ni Celeste. "I really need this job. At willing akong magtrabaho ng mabuti para ma-keep ito."
Ngumiti si Ms. Reyes. "Good. Okay, I'll leave you na. Read that folder. Familiarize yourself. At—"
Natigilan ito sa kaniyang sinasabi nang bumukas ang elevator.
Niluwa ng elevator si Jace Sullivan.
Exactly 8:00 AM. Exactly on time.
Naka-charcoal gray three-piece suit siya. Perfectly tailored. Expensive suit. May briefcase sa isang kamay. Ang buhok niya ay naka-slick back. Ang mukha niya? His usual face– no expression. Walang ngiti. Walang bati. Just cold.
Naglakad siya towards them. Ang lakad niya ay confident. Authoritative. Yung tipong alam mong siya ang boss.
"Good morning, sir," bati ni Ms. Reyes.
Tumingin si Jace sa kanila. Slight nod lang ang sinagot nito walang ngiti. "Ms. Reyes."
Then tumingin siya kay Celeste with his cold stare.
"Good morning, sir," bati ni Celeste. Nakangiti ito, yung ngiti na friendly pero hindi flirty. Yung ngiti saying na "I'm competent and ready to work."
"You're early," sabi ni Jace. Walang emotion sa boses. Flat. "Good. I hate waiting for people."
"Yes, sir," sagot ni Celeste.
Tumingin siya kay Ms. Reyes. "Brief her on her duties." Then back to Celeste. "Board meeting ko in one hour. I need the quarterly reports printed and bound. Twenty copies. Professional binding. Deliver to Conference Room A by eight forty-five. Not eight fifty. Not nine. Eight forty-five."
"Yes, sir," sagot ni Celeste.
Walang dagdag na sinabi si Jace. Pumasok na siya sa office niya at sinarado ang mahogany doors.
Huminga si Celeste. Hindi niya namalayan na pigil-pigil pala niya ang kaniyang hininga.
"See what I mean?" sabi ni Ms. Reyes na may tipid na ngiti. "Walang good morning. Walang how are you. Walang pleasantries. Straight to business. Ganyan siya. Always."
Tumango si Celeste. "Noted, ma'am."
"Okay, so quarterly reports," sabi ni Ms. Reyes. "Nandun sa shared drive. Folder name—Q4 2025 Board Reports. Print twenty copies. May binding machine dun sa pantry area. I'll show you."
Pumunta sila sa pantry. Ipinakita ni Ms. Reyes kung saan ang printer at ang binding machine at mga supplies.
"Okay, I'll leave you na," sabi ni Ms. Reyes. "Good luck, Celeste. You can do this."
"Thank you, ma'am."
Umalis si Ms. Reyes at iniwan si Celeste mag-isa.
First task.
Bumalik siya sa desk. Binuksan ang shared drive. Hinanap ang folder nang kailangan niyang i-print.
Quarterly reports. Fifty-two pages. May graphs. May financial tables. May data.
Nag-print siya. Twenty copies gaya nang sinabi ng boss niya. Habang nag-p-print, nag-prepare na siya ng covers—black covers, professional-looking.
Forty minutes later, natapos rin ang pag-p-print niya. Twenty copies. Bound perfectly. Malinis at organized.
Tumingin siya sa wall clock. 8:42 AM.
Perfect. Three minutes early.
Kinuha niya ang stack of reports. Mabigat ang mga ito bitbit niya papuntang elevator.
Bumaba siya ng dalawang floor. Floor 28. Conference Room A.
Pumasok siya. Ang conference room ay malaki, with long table, twenty chairs, projector, whiteboard.
Inilapag niya ang reports sa table. One copy per seat. Organized. Neat. Cover facing up.
Tumingin siya sa wall clock na naka sabit sa dingding ng conference room. 8:44 AM.
On time. Actually, one minute early.
Bumalik siya sa desk niya sa 30th floor ng building.
Pagdating niya, nakita niya si Jace. Standing by her desk. Naka-cross ang arms at mukhang hinihintay siya.
Napatigil si Celeste. "Sir."
"Reports?" tanong niya still using his cold voice.
"Delivered na po, sir," sagot ni Celeste. "Conference Room A. Twenty copies. Bound. One per seat. Organized."
Tumingin si Jace sa kanya. Walang expression. Pero may kaunting approval sa mga mata niya.
"Good," sabi niya. One word lang. Then, "Coffee. On my desk. Three minutes."
Tumalikod na ulit ito at pumasok ulit sa office.
Tumakbo si Celeste—not literally, pero mabilis—papunta sa pantry.
Coffee. Italian roast. Hinanap niya ito at nang makita niya nag simula na siyang mag-brew siya. Carefully tama lang sa instructions na sinabi sa kaniya.
Three minutes. No more. No less.
Inilagay niya sa white ceramic mug na naka-label "CEO." Checked the temperature—hot pero hindi sobrang init na masusunog ang dila. Perfect.
Hinawakan niya with her steady hands. Ayaw niyang mabuhos ito.
Lumapit siya sa office ni Jace at kumatok ng tatlong beses.
"Come in."
Binuksan niya ang pinto gamit ang siko. Nasipat niya si Jace ay nakaupo sa desk reading documents noong nakapasok siya. Hindi man lang ito tumingin.
Lumapit si Celeste at inilapag ang coffee sa desk nito. Walang tumapon. Perfect.
"Your coffee, sir."
"Leave it," sabi ni Jace na hindi pa rin tumingin.
Naglakad na siya palabas nang pinto. Pagkalabas niya, huminga siya ng malalim. Okay. Task one—done. Task two—done.
Bumalik ulit siya sa desk, binuksan ang folder na binigay ni Ms. Reyes at nagsimulang magbasa.
Eight fifty-five, lumabas si Jace, dala nito ang briefcase at nakasuot na ang coat nito.
"Board meeting," tipid na wika nito "Screen all my calls. If urgent, text me. If not, take message. No interruptions unless emergency. Clear?"
"Crystal clear, sir," sagot ni Celeste.
Tumingin si Jace sa kanya. One second. Two. Then nag-nod saka ito umalis.
Naiwan si Celeste at naupo na sa kaniyang swivel chair. For the next two hours, nag-work siya. Nag-organize ng files. Nag-answer ng calls.
"Good morning, Sullivan Corporation, CEO's office. How may I help you?"
Using her professional voice. Polite and efficient.
Nag-take ng messages. Nag-schedule ng appointments. Nag-email.
Eleven AM, bumalik si Jace. Ang mukha niya ay medyo stressed. Mukhang mahirap yung board meeting.
Lumapit siya kay Celeste. "Messages?"
Inabot ni Celeste ang list. Naka-print. Organized. Color-coded pa—red for urgent, yellow for important, green for regular.
Tumingin si Jace sa list at binasa ang mga printed messages. Then tumingin siya kay Celeste.
May very slight—almost invisible—na approval sa mukha nito.
"Good work," sabi niya. Two words. Then pumasok na siya sa office.
Napahawak si Celeste sa dibdib dahil sa sobrang bilis nang t***k ng puso niya.
He said good work.
First compliment.
Small victory.
Pero alam niya—marami pa siyang kailangang patunayan.
This is just day one.
Marami pang darating na araw.
Marami pang trials.
Pero for now, she survived the first morning. At yun ang mahalaga.
One step at a time, Celeste, naisip niya.
One day at a time.