Chapter Five

2097 Words
ISANG linggo na ang lumipas Seven days na si Celeste bilang secretary ni Jace Sullivan. Seven days ng coffee at exactly eight AM, one PM, at four PM. Black. No sugar. Italian roast. Hot. Seven days na ang "Good morning, sir" na walang sagot kundi nod lang. Seven days ng printed reports, organized files, screened calls, scheduled meetings. Seven days ng walang smile mula kay Jace. Walang "thank you" maliban sa isang beses. Walang small talk. Walang personal conversation. Purely professional. Purely coldness. Purely business. Pero si Celeste? She survived. Nakayanan niya. At ngayong Friday afternoon—alas-singko na—habang nag-aayos siya ng files sa desk niya, nag-muni-muni siya habang nakatanawa sa malayo. One week down at may mga susunod pa. Tumunog ang intercom. "Ms. Cruz. Come in." Tumayo si Celeste at kinuha ang notepad at ballpen saka siya pumasok sa office ni Jace. Si Jace ay prenteng nakaupo sa swivel chair niya. Naka-loosen na ang tie nito, ang sleeves ng white polo niya ay naka-roll up na hanggang siko. First time na nakita ni Celeste na hindi siya fully formal at mababakas mo lang dito ang pagod. "Sit," tipid na sabi niya saka tinuro ang upuan sa tapat ng desk niya. Tumalima naman si Celeste at umupo. Notepad ready. "Yes, sir?" Tumingin lang si Jace sa kanya, medyo matagal. Then he leaned back sa upuan niya. "One week ka na," simula niya. "How are you finding the job?" Nagulat si Celeste. First time niyang nagtanong ng personal question. Well, semi-personal. "It's challenging po, sir," tapat na sagot niya rito. "But I'm managing. I'm learning a lot." "Challenging is an understatement," sabi ni Jace. Hindi siya ngumiti pero parang gusto niya. "Most of my previous secretaries quit by now. Or fired. You're still here." "I don't quit easily po, sir," sagot ni Celeste na may kumpiyansa sa kaniyang sarili. Tumingin si Jace sa kanya. Yung parang tinatimbang niya kung totoo ba ang sinabi niya. "Good," sabi niya finally. "Because next week, mas busy. We have investor meetings. Site visits. Contract negotiations. I need you to be on top of everything. Understood?" "Yes, sir. Understood." "You can go. Have a good weekend." Tumayo si Celeste. "Thank you, sir. You too." Lumabas siya at bumalik sa desk niya. Habang nag-aayos ng gamit niya—bag, phone, folders—nag-isip siya. He said "have a good weekend." Maliit na bagay pero para sa kaniya ay big deal na ‘yon. Kasi first time niyang sinabi yun. Maybe, just maybe, he's warming up to her. Kahit kaunti lang. Six PM, lumabas si Jace. Dala ang briefcas at naka-coat na ulit. "See you on Monday, Ms. Cruz," sabi niya at saka naglakad na paalis. "See you, sir," sagot ni Celeste. Nag-shut down na siya ng computer. Nag-organize ng desk saka siya lumabas. Habang bumababa ng elevator, nag-text siya sa kaniyang Lolo. "One week done. Still here. Still learning." Then reply came after a minute. "Proud of you, iha. Rest this weekend. You deserve it." Saturday. Gising si Celeste ng alas-nuwebe ng umaga. Late na for her usual early schedule. Pero weekend naman, wala siyang trabaho. Bumangon siya saka nag-stretch. Ang katawan niya ay medyo masakit from one week of work dahil hindi siya sanay umupo ng eight hours straight. Nagluto siya ng simple breakfast. Scrambled eggs. Pandesal na binili niya kahapon sa bakery sa baba. Coffee—three-in-one, kasi wala siyang budget for fancy coffee. Habang kumakain, nag-check siya ng phone. May text from Cassandra. "Luna! Where are you?? We're having brunch at Wildflour. Come!!" Napatitig si Celeste sa text. Wildflour. Yung favorite brunch place nila dati. Yung lugar na ang average bill per person ay one thousand pesos. One thousand pesos. Halos kalahati na ng weekly budget niya ngayon. She typed a reply. "Sorry, Cass. I'm out of town. Family emergency. Raincheck?" Send. Lie. But necessary. Kasi hindi niya pwedeng makita si Cassandra. Hindi niya pwedeng makita ang friends niya. Baka ma-buking siya. Baka malaman nila ang disguise niya. Natapos siyang kumain at naghugas ng pinggan. Saka siya nag-isip kung anong gagawin niya ngayong weekend? Dati, weekend niya ay party. Brunch with friends. Shopping. Spa. Salon. Dinner sa fancy restaurants. Bars. Clubs. Pero ngayon? Wala siyang pera for those things. Ang budget niya for this weekend ay five hundred pesos lang. For food. For necessities. For emergency. Nag-decide siyang lumabas para mag-grocery. Bibilhin lang niya ang needs niya for next week. At mag-explore ng neighborhood niya. Nag-bihis siya ng simple t-shirt,jeans, sneakers. Nag-lagay ng cap. Sunglasses. Just in case may makakita sa kanya na kilala niya. Lumabas siya ng apartment, bumaba ng hagdan na nakakasanayan na niya. Naglakad siya sa street. Ang neighborhood niya ay busy. Maraming tao. May palengke. May mga tindahan. May carinderia. May internet shop. May basketball court na puno ng mga bata. This is real Manila, naisip niya. Hindi yung Manila na nakikita sa Forbes Park or Bonifacio Global City. This is where real people live. Pumasok siya sa grocery store—walang air-con, mainit, pero dahil tight ang budget niya at mura ang bilihin rito ay pumasok na siya. Bumili siya. Bigas—ten kilos, two hundred pesos. Canned goods. Noodles. Eggs. Bread. Coffee. Toiletries. Laundry soap. At ang total: four hundred and fifty pesos. Fifty pesos na lang natira sa kanya. Emergency fund. Umuwi siya. Bitbit ang plastic bags kahit mabigat. Walang car. Walang driver. Walang katulong. Pagdating sa apartment, pawis na pawis siya. Pagod pero satisfied. She did it. Nag-grocery siya. Mag-isa. Without credit card. Without helper. Small achievement. But real. Sunday. Nag-alarm ang phone ni Celeste ng alas-sais ng umaga. Sunday naman pero gumising talaga siya nang maaga, kasi may naalala siya from the file about Jace. "Volunteers at Lighthouse Children's Home every Sunday. 9 AM to 12 noon. Anonymous. Doesn't want publicity." Nag-decide si Celeste na pumunta doon because she needs to see this. She needs to see kung totoo ba. Kasi so far, ang nakikita niya kay Jace ay cold CEO. Demanding boss. Emotionless workaholic. Pero kung totoo yung volunteering, then may ibang side siya. May soft side. Nag-bihis si Celeste nang simpleng damit lang. Nag-lagay ng cap at sunglasses. Sumakay siya ng jeep and then tricycle. Papunta sa Lighthouse Children's Home sa Quezon City. Dumating siya ng alas-otso y medya. Ang children's home ay simpleng building lang. Two-story. May gate at may playground sa loob. Pumasok siya, at sinalubong siya ng isang matandang babae. "Good morning, iha," bati niya. "Volunteer ka ba?" "Ah, yes po," sagot ni Celeste. "First time ko lang po. Pwede po ba?" "Of course! We always welcome volunteers. I'm Manang Caring ako ang in-charge dito. Come, ipakita ko sa'yo." Pumasok sila ni Manang Caring sa loob at naabutan niya ang mga bata sa loob. Around twenty kids. Age ranging from five to twelve years old. Naglalaro. Tumatawa. Maingay pero makikitaan mong totoo ang saya sa mga mukha nila. "Dito sa playroom sila usually," sabi ni Manang Caring. "Pwede mo silang laruin, basahan ng stories, or tulungan sa activities nila." "Okay po. Salamat." Pumunta si Celeste sa playroom. Umupo siya sa floor at maya-maya may mga bata na lumapit sa kanya. "Ate, sino ka?" tanong ng isang batang babae. Around seven years old. Cute. "I'm Celeste," sagot niya. Ngumiti. "Ikaw?" "Ako si Mia," sabi ng bata. "Gusto mo maglaro ng blocks?" "Sure!" For the next thirty minutes, naglaro si Celeste with the kids. Nag-build ng tower using blocks. Nag-drawing. Nag-kuwentuhan. Nakakaligtaan niya na she's supposed to be looking for Jace. Hanggang— Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Matangkad. Naka-simpleng shirt lang—white. Jeans. Walang suit. Walang tie. Ang buhok niya ay hindi naka-slick back. Medyo messy, natural lang. Si Jace. Natigilan si Celeste. Hindi siya dapat makita kaya agad siyang yumuko. Nag-focus sa blocks at pilit itinago ang mukha niya sa cap na suot. "Kuya Jace!" Sigaw ng mga bata. Tumakbo sila papunta sa kanya. Jace smiled. Ngumiti. NGUMITI. Nakita ni Celeste from her peripheral vision. Ang ngiti nito ay genuine. Warm. Totally different from the cold CEO sa office. "Good morning, kids," bati ni Jace. Friendly at maalumanay ang boses "Ano, ready na kayo for story time?" "Yes, Kuya!" Chorus ng mga bata. Umupo si Jace sa center. Ang mga bata ay umupo around him. May dala siyang libro. "Today's story is about a brave little girl," simula niya. Nakinig ang mga bata. Attentive and happy. Si Celeste ay naka-upo pa rin sa corner. Half-hidden habang pinagmamasdan si Jace. At ang nakikita niya, siguro’y ito ang real Jace Sullivan. Hindi yung cold CEO. Hindi yung demanding boss. This is the man behind the walls. Caring. Warm. Gentle. Nagbasa siya ng story for thirty minutes. Ang boses niya ay parang animated. Nagbabago ang tono depende sa character. Tumatawa ang mga bata. After the story, nakipag-laro siya with them. Naglaro nang habulan, nag-hide and seek. Nagtatakbuhan habang tumatawa. Si Celeste ay nanood lang, naka tago pa rin, pero she was amazed on how Jace treats those children. This is a different person. Completely different. Eleven-thirty, may lumapit na bata kay Celeste. Si Mia. "Ate Celeste, gusto mo meet si Kuya Jace?" Inosenteng tanong nito. "Ah, no, it's okay—" "Kuya Jace!" Sigaw na tawag nito sa binata. Napalingon si Jace. Tumingin siya and their eyes met. Recognition. His eyes widened dahil sa gulat dahil siguro sa hindi niya inaasahan na makikita niya ito rito. "Ms. Cruz?" Busted. Tumayo si Celeste. Awkward. "Sir. Hi." Lumapit si Jace. Confused. "What are you doing here?" "I—" Think, Celeste. Think. "I volunteer here po. Sometimes. I didn't know you... uh... you also volunteer here." Tumingin si Jace sa kanya. Sinusuri siya at parang nagdududa sa sinabi nito. "You volunteer here," ulit niya. Hindi tanong. Statement. Parang hindi siya naniniwala. "Yes po," sagot ni Celeste. Trying to sound convincing. "I like helping kids. It's... it's a passion of mine." Tahimik si Jace habang nakatitig pa rin. Then, "How long have you been volunteering here?" Lie, Celeste. Lie convincingly. "A few months po," sagot niya. "On and off lang. Kapag may time." Dahan-dahang tumango ito mukhang hindi pa rin convinced but he let it go. "Kuya, kilala ninyo po si Ate Celeste?" tanong ni Mia. "Yes," sagot ni Jace. "She works for me." "Talaga?! Swerte ni Ate!" sabi ni Mia. "Kuya Jace, you're the best!" Ngumiti si Jace kay Mia. Then tumingin kay Celeste. "Can we talk?" tanong niya. "Outside?" "Okay po." Lumabas sila. Sa garden area. Walang tao. Humarap si Jace kay Celeste. Seryoso ang mukha nito. "Tell me the truth," sabi niya. "Are you following me?" "What? No!" Sagot ni Celeste. Defensive. "Sir, I really volunteer here. I didn't know you come here. Manang Caring can confirm—I signed in as a new volunteer this morning." Tumingin si Jace sa kanya. Matagal. Searching for lies. Then he sighed. "Okay. I believe you." Pero may doubt pa rin sa boses. "Sir, if I may ask," sabi ni Celeste. Carefully. "Why do you keep this a secret? The volunteering?" Tumingin si Jace sa kanya. Cold eyes softening slightly. "Because the moment people know, it becomes about publicity," sagot niya. "About PR. About looking good. But that's not why I'm here. I'm here because these kids... they need someone. Someone who shows up. Someone who cares. Not because of cameras. Not because of news articles. Just... because." Tumango si Celeste wari’y naiintindihan kung ano ang gusto nitong iparating. For the first time, nakita niya—the real Jace Sullivan. Vulnerable. Human. Caring. "I understand po, sir," matipid na sabi niya. "Your secret is safe with me." Tumingin si Jace sa kanya. Then he nodded. "Thank you." They went back inside. Tuloy ang araw. Pero ngayon, aware na si Jace kay Celeste. At aware si Celeste kay Jace. Twelve noon, nag-goodbye na si Jace sa mga bata. Before he left, lumapit siya kay Celeste. "See you on Monday, Ms. Cruz," sabi niya. "See you po, sir." Then he left. Naiwan si Celeste habang nag-iisip. Today, nakita niya ang totoo. Si Jace Sullivan is not just a cold CEO. He's a man with a heart. A man who cares. A man who's hiding behind walls. At naisip ni Celeste— Maybe, just maybe, this mission of hers is more complicated than she thought. Kasi hindi lang siya nag-s-spy on a stranger. She's spying on someone... na unti-unti niyang nakikilala. At slowly, very slowly, ina-admire. At that's dangerous. Very dangerous. Kasi ang rule number one ng ginagawa niya— Don't get emotionally involved. Pero paano kung too late na?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD