Nang makita ang asawa nasabi niya sarili na hindi na siya magpaliguy-ligoy pa. Mahal niya si Dianne at gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. -----'Bakit ipipilit ko pa ang sarili ko sa taong ayaw na sa akin?' "Hi!" Nagulat si Dianne sa lalaki. Nagtaka din siya kung bakit naroon ito doon. "Anong ginagawa mo dito?'' Tanong niyang nagtataka. ''Pumunta ako sa bahay nyo, sabi ng nanay mo nandito ka raw kaya pinuntahan kita dito. Di naman ako nahirapan na hanapin ka dahil alam kong nandito ka. I still remember na palagi tayong pumupunta dito tuwing weekends , tayo ni Paula.'' Sagot nito at lumapit sa kanya saka tumabi sa kanyang umupo. Si Bricks iyon. ''Kahapon lang ako dumating, naisipan ko kasi na magbakasyon dito matagal din kasi akong di nakabisita rito sa bayan natin.

