Umuwi nga si Dianne sa Bacolod kahit na masakit man sa kalooban niya na mapalayo kay DJ. Nang umuwi siya masaya siya dahil nakasama niya ang mga magulang at mga kapatid niya. Ilang taon din na himdi niya ang mga ito nakasama.At isa pa ilang araw na lang pasko na,balak niyang doon magpasko sa kanila. Para sa kanya ay nakakatuwang isipin na kasalo niya sa hapagkainan ang kanyang pamilya. Dalagang-dalaga na pala ang bunso nila parang kailan lang pag alis niya sa babay nila patungong Maynila ay elementary pa lamang ito ngayon ay college na hindi ito nakadalo sa kasal nila ni DJ dahil nagkataon na ang exams nito. Si DJ naman ay nabahala nang nalaman mula kay Athena na umuwi si Dianne sa Bacolod. Nag aalala siya na baka tuluyan na ngang mawala ang asawa sa kanya. Nais niya sanang sundan ang as

