Napakunot ng noo si Amy nang dumating sa bahay nina DJ at Dianne. Ang kaninang inis at galit ay napalitan ng damdaming pananabik...sabik itong makalaro ang mga kaibigan. Sabik na itong makabonding ulit na kumpleto ang mga kaibigan. Na miss na niya ang mga ito. Miss na miss... Sobra! Bago dumating si Amy... Takip silim, habang nag iinuman sina DJ at Kier, nagtaka sila nang makita sina Dianne, Athena at Dansel na parang mga batang naglalaro at naghahabulan . Masaya at nagtatawanan na may bitbit na water gun, binabaril ang isa't isa ng tubig na bala. Tumatakbo ang mga ito patungong kinaroroonan nila sa hardin. Natatawa na hinahabol ni Athena si Dianne. Tangkang barilin sana si Dianne. Na Tangkang mabasa ngunit sinalo ni DJ kaya ito ang nabasa. "Alam mo,parang saviour at knight in shining

