Lumapit si Athena kay Dianne laking gulat ni Dianne nang bigla itong yumakap sa kanya. "Sorry, sa inasal ko, I really miss you na friend" wika nito. Napayakap na rin siya sa kaibigan,sa totoo lang na miss niya na rin ito. Hindi inaasahan ni Dianne nang yumakap si Athena sa kanya, matagal na niyang hinihintay ang pagkakataon na iyon. Na muling manumbalik ang magandang pagkakataon ng pagkakaibigan nila. Hindi nya napigilang mapaluha habang nakayakap sa kaibigan. FEW HOURS AGO... Athena's POV Hindi niya napigilan na tumulo ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata habang binabasa ang birthday letter ni Dianne kasama ang regalo ng kaibigan nang kaarawan niya. To the most beautiful friend of mine, Happy Birthday! Hopefully, bigyan mo ng pagkakataon at basahin ang sulat ko. Na miss

