CHAPTER 21

1156 Words

Sunud-sunod na naglalakad sa gitna ng pasilyo ng simbahan sina Amy, dansel na kapartner ang mga boyfriend ng bawat isa at si Dianne kapartner si DJ. Habang si Athena naman ay nasa dulo ng prosisyon bilang bride at si Kier naman ay masaya't excited na hinihintay ang bride nito sa harap ng altar. Parehong tahimik at walang kibo sa isa't isa habang naglalakad sina Dianne at DJ patungo sa harap ng altar bilang mga abay. Narinig niya ang paghinga ng malalim ni DJ na siyang pumutol sa katahimikan nilang dalawa. ''Kamusta ka na?''Narinig niyang tanong nito. Nagkunwang tila manhid siya at parang walang nangyari. ''Okay lang naman, bakit?'' Aniyang di pinahalata sa boses ang labis na kalungkutan. ''Namiss kita,''mahinang sagot ni DJ ngunit sa malambing na boses. Sandali siyang natahimik at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD