Pagkatapos ng kasal nina Athena at Kier, doon muna nanatili si Dianne sa bahay ni Dansel dahil sabi ng mga kaibigan niya kailangan munang makahanap sila ng katulong si Dianne para may makasama siya sa bahay. Nag-aalala kasi ang mga ito na baka pasukin siya ng masasamang loob at kung ano pa ang gagawin sa kanya. Si Dansel na ang nagkusang loob na doon muna siya manatili sa bahay nito habang naghahanap pa sila ng maging katulong at makasama ni Dianne sa bahay. At isa pa, sabi ni Dansel wala daw kasi itong kasama sa bahay dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nito, ito ay unica jiha ng pamilya Samantalang sina Athena at Kier naman ay kasalukuyang nasa Japan for honeymoon, one week sila doon. Alas diyes ng umaga nang pumunta si Bricks sa bahay ni Dansel, alam kasi nitong doon pansamantala

