Umuwi sina Dianne at DJ sa Bacolod, tamang-tama naroroon at kumpleto ang mga kapatid niya. Nagsipag-uwian ang mga ito dahil malapit na ang Valentines Day. Meron siyang pinaplano na sorpresahin ang kanyang ama’t ina lalo na at mtagal na rin na hindi naka pag=date ang kanyang mga magulang. Simula nang bata pa sila, mahirap lamang sila noon kaya’t salat sa mga bagay na makakapagpaligaya katulad ng mga mayayaman. Ang tanging ligaya ng mga magulang niya ay mapagtapos sila ng pag-aaral. Tandang-tanda pa niya, noong nagraduate siya sa college ang isinama ng kanyang ina sa pag-attend ng graduation niya ang kanyang lola at hindi ang kanyang ama. Gulat na gulat nga siya noon at nagtataka kung bakit ang lola niya ang kasama ng kanyang ina. Nung nagtanong siya sa kanyang ina ang sagot nito ay masama d

