Mag-isang nakaupo si Dianne sa tabi ng dagat nang hapong iyon. Hinihintay si DJ. Sandaling umalis si DJ dahil may kukunin lang daw ito sa kotse at nakalimutan daw itong dalhin nang pumunta sila roon sa tabing-dagat. Kasalukuyan silang nasa isang resort, napagkasunduan nilang mag-picnic dahil matagal din na hindi sila nakapag-date simula nang umalis si Dianne sa bahay nilang mag-asawa. Ilang sandali lang nakita niya si DJ na paparating may bitbit na gitara. Hmmm...marunong pala siyang maggitara, kungsabagay usually naman ng magaling kumanta ay magaling din maggitara, nawika niya iyon sa sarili. Laking gulat niya nang tumugtog ito ng gitara habang naglalakad palapit sa kanya. At ang isang dahilan ng ikinagulat at pinagtataka niya nang marinig ang kinakanta ni DJ na 'Ordinary Song' . Isa sa m

