Lingid sa kaalaman ni Dianne ay nilagyan ni Bricks ng sleeping pills ang kanyang inumin nang kumakain sila. Kahit anong pigil ni Dianne na hindi makatulog sa nararamdaman niyang antok ay hindi niya napigilan ang sariling mapapikit ng mga mata at maya-maya lang ay mahimbing na siyang nakatulog. Niyugyog pa ni Bricks para malaman kung nakatulog na nga si Dianne, nakita nitong nakatulog na ng mahimbing ang babae kaya kinuha nito ang nakaposas na kamay ni Dianne at pinahiga sa kama. Tamang-tama nang maihiga nito si Dianne nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok mula doon si DJ. Patakbong lumapit si DJ kay Bricks at sinuntok nito ng malakas si Bricks. ''Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa asawa ko?!'' Ani DJ at muling sinuntok ito. Gaganti pa sana si Bricks ng suntok dito ngunit mabilis n

