NADIA Inilibot niya ang kanyang paningin sa venue. Hindi niya akalain na makakapunta siya rito sa ganitong social na okasyon. Maganda, at elegante ang desinyo ang buong paligid. Halatang ginastusan ng malaki upang ganito ang kinalalabasan. Hindi na siya magtataka kung bakit mahal ang renta ng lugar na ito. Nang dahil sa kapatid ni Dave ay nakapunta siya rito. Higit sa lahat ay nagpapasalamat siya kay Kristela na buong puso siya nitong tinanggap. Natutuwa siya rito dahil hindi man lang siya pinaramdam na ganito siya ka welcome, at hindi man lang siya nakaramdam ng awkward dito dahil sobrang daldal nito. Ang bait din nito sobra, at hindi ka talaga maiilang sa kanya. Kikay, pero may pagka-jologs din. Hindi halata sa itsura pero kapag nakasama talaga ay doon niya nakikita na hindi lahat ng m

